Maine'Kamusta si Japs?
Yumuko ako habang tinanong iyon sabay tingin naman sa aking mga kuko habang nilalaro ito.
Nakaupo kami ngayon ni Alden sa likod kung saan nagbo bonfire. Alas otso na ng gabi. Napagpasyahan naming maya maya na lang niya ako ihatid.
Tumingin ako sa kalangitan, maliwanag na naman ang buwan. Ang sarap pagmasdan ng mga bituin na kumikinang. I wonder kung isa sa mga bituin na yun si mama. Nakikita niya kaya ako ngayon?
'Maayos na siya. Hindi naman malala ang mga galos niya. Kelangan niya lang magpahinga.
Sagot niya sa tanong ko kanina.
'Mmmm
'Bakit mo natanong?
Nakatingin siya sa akin at naka kunot noo ito. Umiling iling ako at yumuko. Ngumisi siya.
'Nagseselos ka ba?
Napatingin ako sa kanya.
'Hindi, worried lang....
Liar ka Maine. Kani kanina lang selos na selos ka.
Katahimikan.
'Bakit ganun na lang pag aalala mo sa kanya?
Basag ko sa katahimikang bumabalot sa amin. Yumuko siya at pinagsalikop ang mga palad. Maya maya ay tumikhim siya bago magsalita.
'High school pa lang kami magkaibigan na kami ni Japs. Lagi siyang binubully sa school nun dahil sa kapayatan niya. Lagi siyang sinasabihan na mahina. One time, nakita kung pinagtutulungan siya. Yung wala siyang kalaban laban? Ayon, ipinagtanggol ko siya at dun na nagsimula ang pagkakaibigan namin. Nabawasan ang nambubully sa kanya. Siguro dahil na din sa akin? Kasi palagi kami magkasama.
Bumuntong hininga siya. At tumingin sa kawalan. Ako? Nakatitig lang sa kanya.
'Napakahirap sa akin na may babae akong nakikita na binubugbug. Siguro kasi nakagisnan ko na ang tatay ko ay laging binubugbug ang nanay ko? Kaya nangako ako sa kanya na lagi ko siyang ipagtatanggol kahit anong mangyari.
Hinawakan niya ang mga kamay ko at pinisil iyon. Na animo'y ipinaparamdam niyang wala akong dapat ipagselos. Ginantihan ko siya ng ngiti. Oo Alden naiintindihan ko. Hindi ako nagkamali, sa umpisa pa lang alam kung mabuti talaga siyang tao. At naramdaman ko iyon una pa lang.
Suddenly I had the urged to ask a question about his life. Pero hindi ko alam kung paano uumpisahan. Huminga akong malalim. Bahala na.
'Alam mo.... madami akong gustong itanong sayo.
Inalis niya ang pagkakahawak sa kamay ko.
'Where should I start?
Sabi niya habang kumukuha ng sigarilyo sa bulsa ng jacket niya at akmang sisindihan pero mabilis ko itong pinitik mula sa bibig niya. Tumingin at napakunot noo siya sakin.
'Masama sa katawan ang paninigarilyo.
Ngumisi siya umiling iling.
'You're impossible.
Mahina akong napahalakhak.
'Seryoso na..
Huminga ako ng malalim.
'Asan magulang mo?
'Wala na. Patay na ang tatay ko. Ang nanay ko naman ay iniwan ako sa kapatid niya na siyang nagpaaral sa akin at sumama sa iba.
'Bakit mag isa ka lang namumuhay kung may kamag anak ka naman pala?
Tanong ko.
'Lumayas ako. Patay na ang tita kung nagpapaaral sa akin dahil sakit na cancer. Nananakit kasi ang asawa ng tita kaya nagawa kung umalis. Namuhay ako mag isa. Honestly, napakahirap mamuhay ng mag isa ka lang.
BINABASA MO ANG
Wanting you
RomanceMagkaibang mundo, magkaibang pamumuhay at malayo ang agwat nila. Magmamalan..... Pero pinaghiwalay ng kapalaran. Paano kung nagbalik ang lumisan? Pero ang nilisan, ay sobrang poot pa ang nadarama. Maibabalik pa ba nila ang nakaraan? Abangan po ang...