Chapter 14

78 5 1
                                    


Maine

'Alden....

Dahan dahan akong lumapit sa kanya. Kinuha at hinawakan ko ang kanyang mga kamay habang marahan itong hinahaplos. Tumingin ako ng diretsyo sa mata niya. Tumingin siya pero mabilis lang at iniwas niya na ang tingin sa akin.

'Bakit?

Malungkot kung tanong sa kanya. Pinipilit kung hindi manginig ang boses ko para hindi niya mahalata na kanina pa ako lumuluha.

'I'm sorry. I'm not what you thought. This is where I live and this is where I spend my day everyday...

Mababahiran mo ng lungkot ang kanyang mga mata habang nagsasalita siya. Hawak ko pa din ang kanyang mga kamay. Tumingin siya sa itaas at bumuntong hininga.

'Ngayon at alam mo na kung anong buhay ang meron ako. Pwede ka ng lumayo sa akin. Wala din naman akong kwentang tao..

Nagulat ako sa sinabi niya. Biglang dumilim ang kanyang mukha.

'Sshhhh.. wag mo sabihin yan. I don't care who you are. Just---

'Really Maine!

Napapitlag ako sa bigla niyang pagsigaw at pagtabig sa mga kamay kung nakahawak sa kanya. Bumilis ang paghinga niya at naka kuyom ang kanyang mga kamao. Ang mga matang kanina'y malungkot, ngayon ay nag aalab na sa galit.

Bakit? May nasabi ba akong masama?

'Kasi wala! Walang gusto manatili pagkatapos nila malaman kung ano ako! Kaya hindi na ako magtataka kung pati ikaw lumayo. So stop saying crap that you cared about me because that's just bullshit. Baka nga kung ano ano ang sinasabi mo sa mga kaibigan mo tungkol sakin eh....

Pinigilan ko ang aking sarili na masampal siya. Kinuyom ko nalang ang aking kamao. Lumunok ako dahil parang may nakabara sa lalamunan ko. Biglang nag init ang gilid ng aking mga mata.

Hindi ko akalain na ganun pala ang tingin niya sa akin.

Yumuko ako. Kasabay nun ang pagtulo ng aking mga luha na hindi ko na napigilan. At malakas na bumuntong hininga. Hinarap ko siya. Kinagat ko ang ibabang labi dahil sa hindi mapigilang paghikbi.

'Ganyan ba ang tingin mo sakin?

Hindi siya sumagot. Nakabaling sa iba ang tingin niya at naka tiim bagang.

Nung wala akong marinig na salita mula sa kanya ay tumango tango na lang ako habang patuloy sa pagbagsak ang aking mga luha.

'I cared about you. Kaya nga pinilit kung tumakas ng dis oras ng gabi para puntahan ka....

Malungkot at mahinahon kung sambit sa kanya.

'Bakit dahil naaawa ka?

Mas lalo lang akong nainis sa tanong niya. Bakit di niya makuha! Wala ng patutunguhan ang pag uusap na ito. Sa tingin ba niya naaawa Lang ako sa kanya?

Agad kung pinunasan ang aking luha at tumalikod na ako sa kanya papuntang pintuan. Hindi pa man ako nakakahakbang ay nahigit niya na ang aking braso.

'Ahh!

Nasambit ko bago ako makaharap sa kanya. Naalala ko na may sugat pala ako sa siko na sumakit dahil sa mahigpit niyang pagkakahawak.

Kumunot ang kanyang nuo. Napatingin siya sa siko ko na may sugat.

Kung kanina ay mahigpit ang pagkakahawak niya. Ngayon biglang lumuwag. Napatingin ako sa kanya at may bahid ng pag alala ang kanyang mga mata. Ang bilis magbago ng mood niya.

'A-anong nangyari dito?

Mapait akong ngumiti. Tsaka siya sinagot.

'Yan lang naman ang napala ko sa kagustuhang mapuntahan ka. Umakyat lang naman ako sa bakod ng gate namin.

Wanting youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon