MaineMaaga pa lang nasa school na ako. As usual sabay ulit kami ni Jake. Gusto niya sana akong samahan habang wala pang klase pero tumanggi ako. Gusto ko muna mapag isa at maglalakad lakad na muna to clear my mind.
'May saltik yata yung japs na yun.. biruin mo binayaran niya pa tayo para bugbugin siya...
Naglalakad na ako sa hallway ng marinig ko ang usapan ng dalawang babaeng estudyante na makakasalubong ko. Natandaan ko sila.
'Baka may ulterior motives? Tsk. Kalimutan mo na yun...
Sagot ng isa. At lumagpas na sila. Parang napako ako sa kinatatayuan ko. Plinano ni Japs lahat ng yun? Paano niya nagawa ang mga bagay na yun. Binilisan ko ang paglakad ko papunta sa classroom. Nakita ko si Val at Jak sa loob.
'Nasaan si Japs?
Nagtaka sila sa akin. Syempre first time kung tanungin si Japs sa kanila at alam nilang hindi kami in good terms.
'Nasa locker room, kasama si Kris... Bakit?
Sagot ni Val. Hindi ko na sinagot ang tanong niya at mabilis na pumunta sa kinaroroonan ni Japs.
Pagdating ko sa locker room ay inilalagay ni Kris ang mga gamit ni Japs sa locker. Tumingin ako kay Japs na nakasaklay pa.
'Oh Maine..
'Kris pwede mo ba kaming iwan? May pag uusapan lang kami.
Sabi ko sa kanya. Tumango siya at parang nag aalinlangan pa. Tumingin siya saming dalawa.
'Please?
Pakiusap ko kay Kris na hindi inaalis ang tingin kay Japs. Dahil hindi ko na kayang pigilan pa ang galit na nararamdaman ko sa kanya. Paano niya nagawang ipagkanulo ang sarili niya. To prove something? Para saan? Dahil ba kay Alden? Hindi ko maintindihan.
Hindi lingid sa aking kaalaman na gusto niya si Alden. Alam ko at nararamdaman ko iyon sa tuwing nakatitig siya.
Pagka alis ni Kris ay sumandal si Japs sa locker.
'What do you want?
Taas kilay niyang tanong sa akin.
'Plinano mo ang nangyari sayo, tama ba ako?
Sarkastiko siyang tumawa siya.
'Oh, alam mo na pala?
'Bakit mo ginawa yun? How could you actually do something to injure yourself? Hindi mo ba alam na alalang alala sayo sina Alden at Kris?
'Gagawin ko ang lahat..... mapasakin lang si Alden. Physical harm, even disability. Wala akong pakialam.
I can't believe this! Kaya niyang gawin ang mga bagay na yon para lang sa pag ibig? Para lang mapansin siya ni Alden? Hindi dapat sa ganoong paraan ang pagmamahal.
Meanwhile........
Dumating si Alden sa classroom. Nadatnan niya sina Val at Jak na hindi mapakali. At palakad lakad sa loob.
'Jak bakit niya hinahanap si Japs?
Bahagyang kumunot ang noo ni Alden.
'Val.. sinong naghahanap kay Japs?
'Si Mai--
Hindi na naituloy ni Val ang sasabihin dahil dumating si Kris.
'Kris asaan sila?
Tanong ni Jak. Naguguluhan si Alden sa nangyayari.
'Teka.. liwanagin niyo nga? Anong nangyayari?
BINABASA MO ANG
Wanting you
RomanceMagkaibang mundo, magkaibang pamumuhay at malayo ang agwat nila. Magmamalan..... Pero pinaghiwalay ng kapalaran. Paano kung nagbalik ang lumisan? Pero ang nilisan, ay sobrang poot pa ang nadarama. Maibabalik pa ba nila ang nakaraan? Abangan po ang...