Chapter 22

82 6 0
                                    


Maine

'Ano ito?

Hawak hawak ko ang isang stick na may nakatusok doon na maitim at hugis parisukat at hindi ko malaman kung ano at nakakain ba ito? Nasa barbekyuhan kami at inabot niya sakin ito kanina. Malapit lang ito sa lugar niya.

'Betamax yan...

'A-ah ano yun?

Kunot noo kung tanong. Natawa naman siya.

'Dugo ng baboy..

Muntik na akong maduwal sa sinabi niya. Totoo ba? Ngayon lang ako titikim ng ganitong pagkain. Pinagmasdan ko ang ginawa niya. Sinawsaw niya ang betamax sa garapon ng suka na may maraming sili at sibuyas. Pagkatapos at nilantakan niya ito.

'Subukan mo...

Nung una ay nagdalawang isip ako pero ayoko naman na mapahiya siya kaya ginaya ko ang ginawa niya kanina pagkatapos ay kinain ko. Ninamnam ko sa bunganga ko ang lasa.

Nang malasahan ko ito ay nanlaki ang mata ko.

'Hmmm ang sarap!

Tumalon ako na parang bata habang nginunguya ang betamax.

'Pwede pa akong kumuha ng isa?

Tanong ko sa kanya.

'Oo naman.. Subukan mo din yung isaw.

Isaw? Ano yun? Kumuha siya nung isaw at pinagmasdan ko ang itsura nito. Sabay abot sakin. Bigla akong natakot.

'Teka........... Uod ba yan?

Natawa ulit siya.

'Bituka ng baboy yan..

'B-bituka ng baboy? As in entistine?

Dahan dahan siya tumango at nakangisi. Oh my god! The things we do for love. Kaya mo yan Maine. Nanginginig kung kinuha ito sa kanya at isinawsaw sa suka.

'Wow!

Nasambit ko ng malasahan ito. Actually masarap nga siya. Kumuha ako ulit ng isang stick. Mas gusto ko ang isaw.

Hindi ko namalayan na nakalabing lima na pala ako ng isaw. Natatawa na lang si Alden habang pinagmamasdan ako.

'Sorry. Takaw ko ba?

'Cute cute mo!

Sabay pisil ng pisngi ko. Busog na ako pero parang gusto ko pa.

'Oh tama na yan.. Baka di ka matunawan.

'Grabi ka--

Hindi ko natapos ang sinabi ko dahil nagsalita si Ale na may ari ng barbekyuhan. Napatingin kami sa kanya.

'Ganda ng jowa mo Alden. Pero lakas kumain.

Nangiti siya.

'Oo naman Aling Minda. Sobra.

Napatingin ako sa kanya. Bigla tuloy namula ang mga pisngi ko kaya yumuko ako.

'Hoy... Bakit?

Tanong niya sa akin.

'Ah w-wala..

Nakangiti kung sagot. Pagkatapos ay nagbayad at nagpasalamat na siya kay Aling Minda. Hinila niya na ako.

'Salamat po!

Pahabol kung sabi kay Aling Minda habang kinakaladkad niya ako. Kumaway pa siya saming dalawa. Pagdating namin sa nakapark na motor ay isinuot niya sakin ang helmet.

Nakangiti ko siyang pinagmamasdan. Napaka gwapo talaga niya.

'Lagi ka doon?

'Oo.. Tara na!

Wanting youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon