MaineKasunod lang ako nila Alden. Nasa likuran nila ako. Sila naman ay patakbo ng pumunta sa kinaroroonan ni Japs. Nakita kung may apat na babae na pinagtutulungan siyang bugbugin.
'Napaka angas mo! Akala mo kung sino ka!
Sigaw nung isang short haired girl habang patuloy siya sa pagsipa. Mukhang matapang ang babae na animo'y walang uurungan. Natarayan siguro ni Japs ang mga ito.
'Tumigil kayo!
Sigaw ni Alden sa mga babae. Awtomatikong napatigil sila sa pagtadyak at pananampal kay Japs at napatingin sa lalaking sumigaw. Nang makita nilang si Alden ay bumahid sa mukha nila ang takot.
Nilapitan ni Alden ang babaeng nanampal kay Japs at kinwelyuhan niya ito na halos ikasakal na ng babae. Napaatras ang tatlo. Batid kung natakot sila dahil sa paraan ng pagtitig ni Alden sa kanila. Sobrang galit ang pinakita niya na kahit ako ay natakot.
Akmang susuntukin niya na ang babae. Pero napatigil siya dahil nagsalita ako.
'Alden wag mong gawin yan.. please, maniwala ka sakin pagsisisihan mo yan.
Ilang Segundo pa ang lumipas at binitawan na niya ang babae.
'Alis na!
Nagtakbuhan na sila paalis.
Napabuntong hininga akong malalim at nawala ang kaba sa dibdib ko. Pinigilan ko siya dahil alam ko sa huli, pagsisisihan niya ito at magagalit siya sa sarili niya. Pagkatapos ay nagmamadali niyang pinuntahan si Japs na nakahandusay sa sahig.
Napatakip ako sa bunganga ko ng makita ang itsura niya. Nakaupo sa sahig at basag ang labi niya. May mga pasa rin siya sa katawan. Kitang kita iyon dahil sa maiksi niyang kasuotan.
'Thank you...
Sambit ni Japs kay Alden sabay yakap niya dito habang humihikbi. Parang tinusok na naman ang puso ko sa sumunod. Binuhat ni Alden si Japs.
'Dadalhin kita sa clinic..
Sabi niya. Parang may bumara sa lalamunan ko at nahihirapan akong lumunok. Oo nagseselos ako, alam kung hindi ito ang tamang oras para magselos pero shit di ko mapigilan. Lalo na nung binuhat siya ni Alden. At ipinalibot ni Japs ang kanyang mga braso sa leeg niya. Napakasakit makita yun para sakin. Gusto kung magwala! pero di ko magawa kasi kaibigan niya yun. Mas matagal ang pinagsamahan nila. Kaya wala akong laban dun.
Hindi ko tuloy mapigilang isipin. Paano kaya kung nalagay din ako sa ganoong sitwasyon? Gagawin din kaya niya ang pagtatanggol sakin tulad ng ginawa niya kay Japs? Magagalit din ba siya ng todo? Kaya din kaya niyang manakit kahit babae pa yan kapag napahamak ako? Maybe?
'Wag mo na ako hintayin...
Napabaling ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Hindi na niya ako hinintay magsalita dahil umalis na siya papunta sa clinic habang buhat buhat si Japs. Bumeso sakin si Val bago sumunod kina Alden. Tipid ko siyang nginitian.
Tinapos ko na muna ang ibang klase ko pero parang lumilipad ang utak ko.
'Are you okay?
Tanong ni Barbara na nakakunot ang noo habang naglalakad kami sa hallway ng school.
'Yeah, masakit lang ulo ko..
'Pahinga ka mukha kang puyat.
Tama siya puyat nga ako. Kanina ay parang hindi ko ramdam ang puyat ko, pero ngayon ay parang kunti na lang ay babagsak na ako. Unti unti ng nagsi sink in sa katawan ko ang pagod. Dahil ba to sa nangyari kanina? Napabuga ako ng hangin.
BINABASA MO ANG
Wanting you
RomanceMagkaibang mundo, magkaibang pamumuhay at malayo ang agwat nila. Magmamalan..... Pero pinaghiwalay ng kapalaran. Paano kung nagbalik ang lumisan? Pero ang nilisan, ay sobrang poot pa ang nadarama. Maibabalik pa ba nila ang nakaraan? Abangan po ang...