Chapter 6

77 4 0
                                    

Maine

Nang gabing yun pag uwe ko ng bahay. Nakapatay na lahat ng ilaw, siguradong tulog na lahat ng tao sa bahay kaya dahan dahan akong naglakad papunta sa kwarto ko, yung walang ingay dahil baka mahuli akong late na umuwi lalo na ni Andrea baka isumbong niya ako kay daddy. Nang malapit na ako sa kwarto ko ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Andrea. Nagkatinginan kami.

'Oh, tignan mo nga naman..

She smirked at me. Nakapamaywang siya. Hindi ko siya pinansin. Sa totoo lang gusto ko nang matulog. Didiretso na sana ako sa kwarto ko ng harangin niya ang daan ko.

'San ka galing?

'Its none of your business..

Nakakuyom ang mga palad ko. How dare she asked pagkatapos ng ginawa niya sakin?

'Siguro kasama mo yung gangster noh.. paano kaya kung sabihin ko sa daddy mo na nakikipagkita sa isang taong hindi mo naman kilala masyado?

Hinaplos niya ang buhok ko. Tinabig ko ang kamay niya.

'Dont touch me! Ano bang kelangan mo? Pinahiya mo na nga ako sa mga kalalakihan kanina diba? Isn't that enough??

Tumulo na mga luha ko. Hindi ko na kayang pigilan pa ang emosyon ko dahil naghalo halo na siguro lahat. Masakit ang ulo ko, Si Alden na bigla na lang ako pinauwi ng di ko alam ang dahilan tapos ito si Andrea sumasabay pa. Ang bigat bigat na ng dibdib ko na pakiramdam ko mawawalan ako ng malay anumang oras.

'Hindi ko na kasalanan yung nangyari sayo kanina Maine.

Ngumiti siya. Nagpipigil akong masampal si Andrea. Pagkatapos ng ginawa niya sakin? Ni wala man lang siyang konsensiya. Napaka sama niya.

'Wala kang kamuwang muwang sa pinapasok mo.. Sumasama ka sa isang lalaking hindi mo naman alam kung san siya nanggaling.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Hinihintay ang ano pang sasabihin ni Andrea. Anong alam niya kay Alden na hindi ko alam?

'Alam mo, iniisip ko kung ano ba nakita mo sa lalaking yun? Ano, ikaw yung inosenteng babae na nainlove sa bad boy just to be cool.. tsk! wala kang alam...

'Pinagsasabi mo?

Kunot noo kung tanong.

'Wag kana magkaila. Wala kang matatago sakin Maine.. kaya kung ako sayo lalayuan ko na yung lalaking yun bago pa masira ang buhay ko.

Gusto kung sapakin si Andrea pero nagtitimpi ako. Tinulak ko siya para makadaan ako. Tumakbo nalang ako papunta sa kwarto ko at binalibag ang pinto ko. Sumandal ako sa pintuan ko at dun binuhos lahat ng sama ng aking loob. Pero sa tingin ko hindi ito basta basta mawawala.

The next morning. Nagising akong sobrang sakit ng ulo ko at umiikot ang paningin ko. Uminom ako ng advil para maibsan ang sakit ng ulo ko. Tsaka ako naligo. Nang bumaba ako ay nakahain na ang breakfast. Umupo na ako at nagsimulang kumain.

'Maine? Are you okay? Parang namumutla ka...

Sinalat niya ang aking noo.

'Okay lang po ako Tita..

'You're not fine. Medyo mainit ka. Uminom kana ba ng gamot?

Pag aalalang tanong ni Tita Mariz.

'Opo Tita. Thank you po.

Ngiti ko sa kanya.

'Kaya mo ba pumasok sa school?

'Yes Tita kaya ko. Dahil lang po to sa pagod.

Tumango tango siya.

'Aahh may dinner pala tayo sa  wednesday, uuwi na ang daddy mo..

Nakangiti siya. Gumanti ako

'Okay po.. Para saan po yung dinner?

'Nothing.. Family dinner lang.

I nodded. Binilisan ko ng kumain dahil ayoko madatnan ni Andrea. Wala ako sa mood na makipagtalo. Pagkatapos ko kumain ay nagpaalam na ako kay tita. Nasa labas na si Mang Kiko. Nauna na ako dahil ayoko makasabay si Andrea. Habang nasa biyahe, hindi ko maiwasang isipin si Alden. Anong nangyari sakanya? Bakit siya umalis? Ang dami ko gusto itanong sakanya.

Hinanap ko siya agad pagdating ko sa school. Pero wala siya. Hindi din siya pumasok ngayon.

Natapos ang araw na hindi ko nakita si Alden. Hindi siya pumasok. Nakita ko ang mga kaibigan niya sa same spot nila sa canteen kanina. Gusto ko sana itanong sakanila kung asan si Alden pero andun kasi si Japs kaya hindi na, baka ano pang isipin nila sakin.

At night. Nandito ako sa terrace ng kwarto ko at nakaupo. Pinagmamasdan ang mga stars. Suot suot ko ang jacket na pinahiram sakin ni Alden. Amoy na amoy ko pa din sa jacket niya ang cologne na ginagamit niya. Bakit di ka maalis sa isipan ko Alden? Gustong gusto na kita makita. Asan ka ba? Nasambit ko nalang habang nakatingin ako sa langit at pinagmamasdan ang mga bituin. Nang maramdaman kung gumiginaw na ay pumasok na ako sa loob. Diretso ako humiga sa kama na padapa. Ano kaya kung tawagan ko siya? Okaya itext nalang.. Nagdadalawang isip ako. Wala naman masama kung tawagan ko siya at kamustahin kung ano nangyari sakanya diba? Kinuha ko ang phone ko at dinial ang number ni Alden. Hinintay ko may sumagot. Kinabahan ako. Narinig ko ang beep sound.

"Sup its Alden, Please leave a message.

Napapikit ako sa dissapointment nang tumunog ang beep sound.

'Hey Alden, its me, Maine. Asan ka? Ano nangyari sayo? Pag nakuha mo message ko pls call me.. Okay?

Pinatay ko na ang tawag. Ilang mins lang ay nakatulog na din ako.








Wanting youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon