Chapter 3

96 5 0
                                    

Maine

Its saturday at 8am pa lang, kaya wala akong balak na lumabas o kahit na ano pa mang gawin. Tinawagan ko kanina si Barbara kung free ba at kung pwede ba kami lumabas pero may gagawin daw siya. Andito lang ako sa room at nagmumuni muni at di ko alam kung bakit hindi maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Andrea. I admit na nasaktan talaga ako kaya nga umiyak ako sa kotse nun. Inaalala ko kung ano mga nagawa ko sakanya na ikinagagalit niya sakin. Pero wala talaga ako maalala. Sa totoo lang gustong gusto ko talaga na magkaayos kami kasi gusto ko maranasan ang magkaroon ng kapatid. Pag may nakikita akong isang pamilya na masaya hindi ko maiwasang maiinggit kasi kahit salat sila sa pera masaya sila. Pero kami? Ang dali nga ng pera pero malungkot naman, si daddy laging out of the country dahil sa mga business niya, si Tita naman laging busy sa business niya tapos kami ni Andrea di pa magkasundo. Natigil ang pagmumuni ko ng tumunog ang phone ko. Nang tignan ko kung sino...

Alden's calling.......

Bigla kumabog ang dibdib ko. Sinagot ko agad ang tawag niya.

'Hello Maine....

Wow.. Lalong kumabog ang dibdib ko ng marinig ko siya kabilang linya. Nakaka intimidate ang boses niya.

'H-hello A-alden..

Bakit nauutal ako? Suddenly para akong nasusuka. Tapos parang may mga paru-paru sa tiyan ko na di ko maintindihan. Bigla akong pinagpapawisan ng malamig at may nginig sa tuhod ko. Bakit ganito nararamdaman ko!

'Ow sorry.. Nagising yata kita...

Napalunok ako dahil parang may nakabara sa lalamunan ko. Mabilis ako naupo sa kama dahil parang hinang hina ang tuhod ko. Baka bigla na lang ako matumba.

'Ahmmm ah hindi! hindi! kanina pa ako gising...

'Ah ganun ba?

'Oo. Napatawag ka?

'Itatanong ko lang sana kung pwede ka ngayon?

Teka? Bakit bigla ako kinabahan sa tanong niya! Yayain niya ba ako sa labas?

'H-Ha?

Sagot ko.

'I mean, yung sa project natin?

Sagot niya.

'Ah! Oo nga pala.

Napahugot ako ng hangin. Akala ko kung ano na itatanong niya. Lesson learned wag assuming.

'Okay lang ba kung gawin natin ngayon?

'Ahh Oo naman.

'San tayo magkikita?

'Text ko sayo kung saan.

'Copy.

'Bye..

We both end the call. Nakatunganga. Shit magkikita kami. Totoo ba to. Teka baka nananaginip ako. Kinurot ko sarili ko.

'Ahhh!

Totoo nga. Bakit ganito ang lakas pa din kabog ng dibdib ko. Wait Maine project ang gagawin niyo hindi date kumalma ka.Dali dali ako nagfreshen up at nagbihis. Nagpahatid ako kay Manong kiko kung san kami magkikita ni Alden. Naitext ko na din si Alden na magkita nalang kami sa park na medyo malapit lang sa subdivision namin. Sumang ayon naman siya.

'Manong pwede na po muna kayo umalis tatawagan ko nalang po kayo pag tapos na po kami..

'Okay lang po. Hintayin ko nalang po kayo dito.

I nod. Pumunta na ako sa park. Nakita siya kaagad ng mga mata ko. Napasulyap siya sa kinaroroonan ko. He smiled at me, I smiled back at him. Nakakatunaw ang mga ngiti niya para akong nawalan ng buto napahawak ako ng mahigpit sa slingbag ko. He wear a plain black shirt, black tattered jeans and a pair of converse. Simple lang pero ang lakas ng dating. Nakaupo siya sa may bench. Lumapit ako sakanya.

Wanting youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon