Maine'Wtf! Bastos mo ah!
Si Japs. Sigaw niya sa mga lalaking nasa likuran niya. Galit siya. Nagtataka akong nakatingin sa gawi nila. Pati sina Kris at Jak ay nakatayo na rin at mukhang galit na galit. Si Val naman ay nakayakap kay Japs na parang naiiyak na. Binastos siguro siya.
'Tsk! Pakipot ka pa miss, eh kanina mo pa nga binabalandra yang katawan mo sa amin.
Sabi ng lalaki na nakangisi pa at parang proud na proud pa sa ginawa niyang kamanyakan kay Japs. Nagulat ako ng sipain ni Kris ang upuan sa gilid ng lalaki sabay kinuwelyuhan siya.
'Bakit mo binatos ang kaibigan namin?
Galit niyang tanong sa lalaki.
'Haha! Chill ka lang pare..
Sabi nung lalaki na nakataas pa ang dalawang kamay niya. Sabay pang nagtawanan ang tatlo pang lalaki na tingin ko ay kasama niya.
'Tinanong ko lang naman kung gusto niya!! Pano ba naman yang suot niya kita na kaluluwa. Haha
Walang takot na sabi nung lalaki. Parang nagpanting ang tenga ni Kris sa sinabi niya.
'Tarantado!!!
Sabay sunggab ng sapak sa lalaki dahilan para matumba siya. Napatutup ako sa aking bunganga dahil sa aking pagkabigla sa nangyari. Ang mga kasama ng lalaki ay sinunggaban na din si Kris. Tinulungan na din ni Jak ang kaibigan at pinagsusuntok ang isang lalaki na bumubugbug kay Kris. Nagkagulo na. Ang mga estudyante sa canteen ay naki usyosyo na din. Ang iba ay ayaw umawat dahil baka madamay pa sila. Ang iba naman ay nagsisigawan at gustong gusto pa ang nangyayari.
Nang makatayo ang lalaki na kaninay sinuntok ni Kris ay babawi sana siya pero di natuloy dahil may biglang sumunggab sa kanya at pinagsusuntok ulit siya. Parang pamilyar ang pigura sa akin ang lalaki. Nang maaninagan ko ay biglang kumabog ng mabilis ang puso ko. Si Alden. Tinulungan niya mga kaibigan niya. Napahiga na ang lalaki at nakapatong sa kanya si Alden at patuloy pa rin sa pagsuntok. Parang mawawalan na ng malay ang kanyang sinusuntok at puro dugo na din ang mukha niya. Bigla ako akong nagworry, dahil naalala kung may sugat siya sa kamay niya at yun din ang ginagamit niyang pang suntok. Parang wala siya iniindang sakit sa kamao niya. Napansin ko din na punung puno na ng dugo ang kamao niyang may puting benda.
'Alden tama na!
Si Val. Nag aalala na rin siya baka mapatay niya yung lalaki. Pinigilan na nila Kris at Jak Si Alden at inalis na siya sa ibabaw ng lalaki na nanghihina na.
'Man tama na....
Sabi ni Jak sa kanya. Tumingin ako kay Alden. Nag aalab ang kanyang mga mata sa galit.
'Kayo! Minsan niyo pang bastusin ang kaibigan namin di lang yan ang aabutin niyo! Alis na!
Sigaw ni Alden sa apat na lalaki. At dali dali naman nilang inakay ang isang kasama nila na binugbog ni Alden.
'Hindi pa t-tayo.. tapos!
Sabi ng lalaking bugbug sarado na kahit nanghihina na ay nakapagsalita pa din.
'Thank you Alden...
Si Japs. Niyakap niya si Alden. Hinimas himas naman niya ang likod ni Japs para kumalma dahil sa umiiyak ito. Kumalas saglit si Japs sa kanya.
'Ayos ka lang?
Tanong ni Alden. Nakita ko ang pag aalala sa mga mata niya. Hindi ko maiwasang magtanong sa isip ko. May relasyon ba sila? Bakit ganun ang akto nila? Hindi astang magkaibigan? Muling yumakap si Japs sa kanya. Hindi ko alam kung bakit parang tinutusok ang puso ko sa nasaksihan ko. Biglang parang hindi ako makahinga dahil sa sakit. Iniwas ko na ang tingin ko sa kanila dahil may namumuo ng luha sa aking mga mata at ayaw kung makita ni Barbs dahil sigurado akong magtatanong ulit siya. Pagbaling ko sa kabila ay nakita ko si Andrea na nakatingin sa akin at may ngiti sa labi. Alam kung may ibig sabihin ang kanyang mga ngiti. Umiwas na ako ng tingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Wanting you
RomanceMagkaibang mundo, magkaibang pamumuhay at malayo ang agwat nila. Magmamalan..... Pero pinaghiwalay ng kapalaran. Paano kung nagbalik ang lumisan? Pero ang nilisan, ay sobrang poot pa ang nadarama. Maibabalik pa ba nila ang nakaraan? Abangan po ang...