Maine
'Sinong tarantado nagpaiyak sayo?
Nakakunot nuong sabi ni Alden. Bakas ang galit sa kanyang mga mata. Pinunasan ko mga luha ko. Umupo ako sa damuhan. Hindi ko alam kung paano ako napunta dito dahil sa bilis ng takbo ko kanina.
'Hindi wala lang to..
Ayokong sabihin sakanya na binully ako ng sarili kung stepsister.
'Sigurado ka? Kung wala lang yan hindi ka iiyak at sasalampak jan sa sahig..
Ngumiti ako.
'Yung totoo Maine? Ano nangyari? May umaway ba sayo?
Umiling ako.
'Wala.. May nangyari lang na di inaasahan.
'You're sure you dont want me to kick some ass?
Tumawa ako. At mahinang sinuntok siya sa balikat.
'No, Ano kaba..
Tumingin siya sa paligid namin.
'Asan sundo mo?
Nagkibit balikat ako. Sa totoo lang hindi ko alam, siguradong iniwan na ako ni Andrea.
'Magtaxi nalang ako pauwi.
Sambit ko.
'You know what,
Tumingin siya sakin.
'What?
Sabi ko.
'May papakita ako sayo,
Sabi niya
'Ano yun?
'Basta....
Tumayo na siya at inalalayan niya akong tumayo. Hindi na ako nagsalita at sumunod nalang ako sakanya. Pumara siya ng taxi.
Sinabi niya sa driver ang lugar ng pupuntahan namin.
Sumandal ako sa headboard ng upuan ng taxi. May tiwala ako kay Alden. Sigurado ako na wala siya masamang balak sakin. Tumingin nalang ako sa bintana. After 30 mins nakarating na kami sa lugar.
'A-asan tayo?
Tanong ko kay Alden pagkababa namin ng taxi. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung san kami pupunta ni Alden. Pero sigurado ako na di ko pa napupuntahan ang lugar na to. Medyo creepy. Its like an abandoned building.
'Wala ka namang balak kidnappin ako di ba?
Narinig kung tumawa siya ng mahina.
'Trust me....
Tumingin siya sakin. Binaling ko sa iba ang tingin ko dahil naiilang ako. Tumingin ako sa paligid namin. Nasa harap ko ang isang malaking building na may mga paint. Graffiti yata tawag dun. Nagandahan ako sa mga paint. Parang alam ko na kung ano gagawin namin dito. Tumingin ako kay Alden at nakangiti siya. Kinuha niya kamay ko at hinila niya ako. Sinundan ko lang mga yapak niya.
'Parang alam ko na Kung ano ang gagawin natin.
Tatango tango kung sambit.
Tumingin siya sa paligid. Tinitignan kung may mga tao. Pero wala at kami lang dalawa.
Sinusundan ko lang siya hanggang sa tumigil kami sa may abandonadong warehouse.
'Alden ayoko pumasok jan..
Sabi ko habang tinitignan ko ang building. Nakakatakot.
'Hindi mo na kelangan pumasok, antayin mo nalang ako dito...
BINABASA MO ANG
Wanting you
RomanceMagkaibang mundo, magkaibang pamumuhay at malayo ang agwat nila. Magmamalan..... Pero pinaghiwalay ng kapalaran. Paano kung nagbalik ang lumisan? Pero ang nilisan, ay sobrang poot pa ang nadarama. Maibabalik pa ba nila ang nakaraan? Abangan po ang...