Third person's P.O.V'Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo sir?
Sumulyap sa kanya ang lalaking nasa edad kwarenta pataas. Nakaupo sa kanyang swivel chair at nakadekwatro habang hinihithit ang kanyang tabacco.
'Detective Perez?
'Ako nga po sir...
Tumikhim muna ang matandang lalaki. Bago magsalita ay may iniabot eto sa kanyang isang envelope na may lamang litrato ng isang dalaga.
'Gusto kung paimbestagahan siya, kung sino ang mga lagi niyang kasama at pati na din background ng mga kaibigan niya.... Urgent.
'Masusunod po.
Nagkamayan ang dalawa bago umalis ang detective.
Maine
Napakabilis ng mga pangyayari. Hindi ako makapaniwala na sa gabing yun ay magiging official na kami. Sobrang saya ng puso ko. Pero tuloy tuloy kaya ang sayang nararamdaman kung ito? Alam kung marami ang magiging tutol sa relasyong ito. Lalo na ang daddy ko. Sa ngayon magpapakasaya kami. Ayoko muna isipin ang mga bagay na yan. Bahala na.
Nagprisenta siyang ihatid ako sa subdivision namin. Sabi ko naman sa kanya ay dun na ako magpalipas ng gabi sa bahay niya tutal 4am na ng umaga. Pero hindi siya pumayag, ihahatid na lang daw niya ako para doon na lang sa bahay namin makapagpahinga. Hindi na ako tumanggi pa.
Monday. Nagising ako ng maaga para pumasok sa school. Kahit isa't kalahating oras lang ang tulog ko ay parang hindi ako napuyat. Masaya akong bumaba sa hagdan at naamoy ko na agad ang niluluto ni Manang Celia na almusal.
'Hmmm ang bango naman po niyan Manang!
Sabi ko habang papunta sa kusina para kumuha ng tubig. Naglagay ako sa baso at ininom ito.
'Maganda ata ang gising ng alaga ko...
Sabi ni Manang Celia habang umiinom ako ng tubig. Nakangiti siya sakin. Ganun din ang ginawa ko.
'Oh mag almusal kana anak at baka mahuli ka pa sa school mo...
Naghain na siya sa mesa ng almusal. Umupo na din ako.
'Salamat po..
Ngiti lang ang isinagot sakin in Manang. Umiling iling na lang ako habang natatawa. Magana aking kumain ng aking agahan. Parang sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako ginanahan kumain kahit wala akong kasabay. Nang natapos ko na ang aking pagkain ay umakyat na ako sa kwarto para maligo at gumayak. 7am pa lang ay umalis na ako sa bahay. Gayung 9am pa ang first class ko. Nagpahatid na ako kay Mang kiko.
Pagdating ko sa school ay kunti pa lang ang estudyante. Didiretso na muna ako sa locker room ko para kunin ang iba kung gamit para sa first class ko. Nasa hallway na ako at paliko na sa locker room ng may humila sa braso ko at isinandal ako sa pader. Napagitnaan ako ng dalawang braso niya na nakasandal sa pader. Titig niya pa lang sa akin ay nanlalambot na ang tuhod ko. Lalong bumilis ang tibok ng dibdib ko ng mapatingin ang mata ko sa labi niyang mapula. Parang nang aayang halikan ko ito. Ito ang mga labing hinalikan ko kagabi. Labi ng mahal ko. Napangiti ako dahil pwede kung angkinin ang mga labing ito.
Tinangka kung ilapit ang aking mukha at halikan siya sa labi pero iniiwas niya ito. Tumingin siya sa iba kaya sa panga niya dumapo ang halik ko. Napakunot noo ako at nagtaka sa ikinikilos niya. May inis sa kanyang mukha.
'A-alden?
Tumingin siya sakin at pinasadahan niya ng tingin ang katawan ko.
'What are you wearing?
BINABASA MO ANG
Wanting you
Любовные романыMagkaibang mundo, magkaibang pamumuhay at malayo ang agwat nila. Magmamalan..... Pero pinaghiwalay ng kapalaran. Paano kung nagbalik ang lumisan? Pero ang nilisan, ay sobrang poot pa ang nadarama. Maibabalik pa ba nila ang nakaraan? Abangan po ang...