Chapter 13

75 5 0
                                    


Maine

7pm na at katatapos ko lang maligo ng magring ang phone ko. Si Barbara. Napangiti ako. Sinagot ko ang tawag niya.

'Hey Barbara....

'Hi Maine, Kamusta??

'Aah, okay lang...

Kung makakamusta parang di kami magkasama kanina. Hindi siya nagsalita. Himala tahimik siya ngayon? May problema ba siya? Bigla akong nag alala.

'You okay?

Tanong ko.

'Maine, wag mo sana mamasamain ang sasabihin ko.

Napakunot nuo ako sa sinabi niya. Hinintay ko siyang magsalita.

'Sigurado ka ba talaga sa kanya?

Narealize kung si Alden ang tinutukoy niya at ang nararamdan ko towards him.

'Maine alam kung gusto mo siya, kahit di mo sabihin sa akin. I mean hindi ako against him, pero nag aalala lang ako sayo.

Nafeel kung nagsisimula na akong magtampo kay Barbara. Hindi ako nagsalita sa sinabi niya.

'I know you saw something in him that I didnt, pero Maine wala na bang iba? May mas  better pa sa kanya..

'NO!

Ngayon galit na talaga ako kay Barbara. Kinuyom ko ang aking kamao. Inaasahan kung susuportahan ako ni Barbara pero nagkamali ako.

'I'm not going to find someone else just because people saw him in their level of perception. Alam kung mabuting tao si Alden. Kaya ko siya---- Nevermind.

Sa tingin ko hindi din lang ako maiintindihan ni Barbara. She just didn't know how I felt. Masaya ako pag kasama siya. Nakakalimutan ko ang lungkot kapag andyan siya. Kung tutuusin mas gusto ko pang makasama at makausap ang taong saglit pa lang ng aking nakilala. Sa bahay bihira kami magusap usap. Si Tita Mariz at Dad ay busy sa business. Idagdag pa sagutan namin ni papa last week. At si Andrea? Kelangan ko pa bang sabihin?

Pag kay Alden, iba ang pakiramdam ko. Magaan. Walang lungkot. Masaya lang. No worries.

'Maine I'm just worried about you..

'I honestly expected a support from you, but I guess I was wrong.

Pinatay ko na ang tawag. Tumulo ang aking mga luha. Hindi ako makapaniwala kay Barbara, ang buong akala ko ay suportado niya ako. Dumapa ako sa kama at doon binuhos lahat ang iyak ko. Hanggang sa di ko na namalayan na nakatulog na ako.

12:00 AM

Nagising ako ng dis oras ng gabi dahil naramdaman kung nanunuyo ang aking lalamunan kaya inabot ko ang tubig sa side table tyaka ko ininom ng isang lagok lang dahil sa uhaw. Tahimik na ang gabi. Tulog na siguro lahat ng tao sa bahay. Tumayo ako at nag cr. Pagkatapos ay bumalik ako sa kama at nahiga. Kinuha ko ang phone ko at nag scroll sa social media account ko. After a few minutes, nabored ako sa ginagawa ko. Binuksan ko ang inbox ko. Nag scroll ulit. Nakita ko ang mga old messages ni Alden nung ginagawa pa namin yung project sa school. Sinubukan ko siyang imessage. Baka sakaling gising pa siya. Wala naman masama kung kamustahin ko lang siya.

Me

Alden?

Alden

Hi, Maine..

Me

Hi, how are you?

Alden

Wanting youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon