MaineKinabukasan ay maaga ako nagising. Ready na din ako pumasok sa school. Bumababa na ako para mag almusal.
Napakunot ang aking noo. Anong ginagawa ng lalaking to dito?
Tumayo ito mula sa pagkakaupo.
'Morning!
'Jake, ang aga mo yata? Anong meron?
'Oh Maine gising kana pala..
Si daddy. Hinalikan niya ako sa pisngi.
'Good morning iho...
'Morning din po Tito..
Nginitian niya si daddy.
'Breakfast muna tayo before anything else..
Anong meron? Nakakapagtaka. Tumalima agad si Jake at naupo na sa dining table. Umiling iling ako at naupo na din.
'Asan po sina Tita Mariz?
Tanong ko habang tumitingin sa paligid.
'Nauna na siya dahil marami siyang inaasikaso sa shop niya.
Tumango na lang ako. Tahimik akong kumuha ng sliced bread at pinalamanan ng butter. Naglagay din ako ng scrambled egg sa plato ko. Nilagyan ko din ng fresh milk ang baso ko at nagsimula ng kumain.
Nakakailang ang tinginan nina daddy at Jake. Hindi tuloy ako makakain. Nawalan na ako ng appetite. Sumandal ako sa upuan at isa isa ko silang tinignan.
'Anong meron?
Di ko na napigilang itanong. Dahil nagsisimula na naman akong mainis. Seriously, lahat ng inis na nararamdaman ay sa bahay na ito nanggagaling.
Tumikhim muna si daddy bago magsalita. Huminga siya ng malalim.
'Pupunta ako ng Baguio dahil may business meeting ako doon ng 1 week...
At anong kinalaman naman ni Jake sa business meeting nila?
'At?
Tanong ko kay daddy.
'At... napagdesisyunan kung si Jake muna ang maghahatid sundo sa iyo. Sabay kayong papasok at uuwi..
'W-what?
Tumingin ako kay Jake at pilit niya akong nginitian. Binalik ko ang tingin kay daddy.
'Dad, Anjan naman si Manong Ki-
'Isasama ko siya dahil siya magda drive...
Bumuntong hininga ako.
'Dad! kaya ko magcommute. Kaya ko na sarili ko, wag mo naman ako gawing bata.
'I'm gonna be late..
Sambit ni daddy. Tinignan niya oras sa wristwatch niya at tumayo na.
Napatayo ako at naiwasiwas nalang ang mga kamay sa ere. Umalis na si daddy na parang hindi narinig ang sinabi ko. Bumalik ako sa pagkaka upo at inilagay ang kamay sa noo. Napapikit ako. I'm getting frustrated again. Biruin mo whole week kami magsasabay ng taong ayoko naman kasabay.
'You okay?
Hinawakan niya ang balikat ko.
'I'm fine... let's go.
Lumabas na ako at pumunta kung nasaan ang kotse niya. Umupo ako sa drivers seat. Sumunod na din siya.
'I'm sorry nasira ko umaga mo...
Malungkot niyang sabi.
'Hindi.. Nakakafrustate lang si dad.
Huminga akong malalim.
BINABASA MO ANG
Wanting you
RomanceMagkaibang mundo, magkaibang pamumuhay at malayo ang agwat nila. Magmamalan..... Pero pinaghiwalay ng kapalaran. Paano kung nagbalik ang lumisan? Pero ang nilisan, ay sobrang poot pa ang nadarama. Maibabalik pa ba nila ang nakaraan? Abangan po ang...