Chapter 23

124 7 3
                                    


Maine

Nakaupo ako sa harap ng salamin. Hanggang ngayon ay wala pang message sa akin si Alden simula nung maghiwalay kami kanina. Ano kaya ginagawa ng mga iyon? Baka busy lang at namimili pa ng ibang auto parts.

Pinagmasdan ko ang kwintas na bigay sa akin ni Alden. Ang Ganda. Simple lang ito. Habang pinagmamasdan ko ito ay hindi ko mapigilang mapangiti. Alam kung napakabilis ng mga nangyari sa amin ni Alden. Hindi ko akalain na sa isang iglap, na kung kelan ay may kulang sa buhay ko tyaka siya dumating at pinunan niya lahat ng kulang. Lahat ng lungkot na nararanasan ko at pag iisa. Tulad ng sinabi ko, handa akong sumugal kahit masaktan pa ako.

Nasa kalagitnaan ako ng pag iisip ng tumunog ang phone ko. Sinagot ko ito. Napangiti ako dahil kanina ko pa hinihintay ang tawag niya.

'love?

Kinilig ako dahil love kaagad ang tinawag niya sakin. Pinipigilan ko ang impit ng boses ko na balak kumawala.

Humiga ako sa kama habang nasa tenga ko ang phone. At niyakap ang isang unan.

'Yes?

Sagot ko.

'Tulog kana ba?

Actually inantay ko talaga ang tawag niya.

'Hindi pa.. Asan ka?

Narinig ko sa linya ang mga ungol ng sasakyan. Kaya alam kung Hindi pa siya nakakauwi.

Narinig ko ang buntong hininga niya.

'May pupuntahan lang..

Tumango tango ako.

'Business?

'Hmmm..

Alam ko kung ano ang gagawin niya. Baka meron na naman silang delivery. Hindi ko siya pwedeng ijudge dahil alam kung sinusubukan niya naman na tigilan na ito. May tiwala ako sa kanya. Pero may pag aalala akong nararamdaman sa tuwing ginagawa niya iyon. Alam kung delikado at hindi ko kakayanin na mapahamak siya.

'Mag ingat ka..

Mahina kung sambit.

'I love you...

Sagot niya na lalo kung ikinangiti.

'I love you more..

'Pahinga ka na...

'I will.

Pinatay na namin ang tawag. Huminga ako ng malalim. Ilang minuto pa ang pinalipas ko habang nakahiga lang sa kama. Nagmumuni muni lang.

Maya maya ay may narinig akong kalabog sa di kalayuan. Tumayo ako para tignan iyon sa may terrace ng kwarto ko. Nang malapit na ako sa sliding glass door papunta sa terrace ay biglang may nambato ng lukot na papel na parang ginawang bola. Napapitlag ako at dahan dahan kung hinawi ang kurtina at binuksan ang sliding door. Dahan dahan akong naglakad palabas ng terrace. Tumingin ako sa paligid.

Lumapit ako sa terrace grill. Tumingin ako sa baba. May naaninagan akong isang lalaki. Teka? Parang kilala ko ang pigura ng katawan nito? Nang tumingala ang lalaki ay biglang lundag ng puso ko.

'Anong ginagawa mo dito?

Mahina kung sambit baka may makarinig. Sumenyas siya sakin na wag maingay. Pagkatapos ay may kinuha siya sa likod ng bulsa niya. Napangiti ako ng makita ang hawak niya. Tatlong piraso ng pulang rosas. At inaabot niya sakin na animoy maabot ko naman. Tyaka ko naalala na baka makita siya ng mga guard namin.

Sumenyas ako sa kanya ng sandali lang. Mabilis akong pumasok sa loob ng kwarto ko at nilock ang pinto ng kwarto ko. Pagkatapos ay kumuha ako ng mga kumot sa cabinet at itinali ang bawat dulo. Tyaka ako lumabas na dala dala ang mga kumot na itinali ko. Itinali ko ulit ang kumot sa grills ng terrace tyaka ko hinagis para maka akyat siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 23, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wanting youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon