MaineThe number you have dialled is not yet in service. Please try again later.
Patuloy ko paring dina dial ang number ni Alden. Palakad lakad ako sa loob ng aking kwarto. Nag aalala na ako baka ano na nangyari sa mokong na yun.
'Shit!
Napamura ako. Sa sobrang inis ko ay naihagis ko ng malakas ang phone. Tumalbog ito sa kama at lumanding ng malakas sa tiles na sahig. Lumaki ang mata ko. Hala! baka nasira ko.
'Please, don't break...
Pinulot ko ang phone at nakaginhawa ako dahil hindi nabasag ang screen nito at walang sira.
Suddenly may naisip akong paraan para makausap siya. Pupuntahan ko nalang siya sa hideout. Pero pano kung wala na pala sila doon? Tsk. Bahala na.
Agad akong nagbihis. Kinuha ko ang mini bagpack ko at naglagay ng isang T-shirt at undies. Iba yung lagi kang handa. Nilagay ko din sa bag ang wallet ko. Ready na ako. Dahan dahan kong pinihit ang doorknob at isinara ng makalabas na ako. I tiptoed para walang makarinig sa akin. Hawak hawak ko ang sapatos ko.
Pababa na ako ng hagdan ng may marinig akong nag uusap mula sa office ni daddy. Medyo naka awang ang pinto. Dumating na ba si Dad? Akala ko bukas pa. Dahan dahan akong lumapit sa pinto at pinakinggan ko ang pinag uusapan nila.
'Ted, bakit mo pinaimbestagahan yang lalaking yan? Pag nalaman ni Maine yan, sigurado akong magagalit ang anak mo sayo...
Tita Mariz?
'Wala akong pakialam. Hindi ako papayag na sa isang katulad niya lang mapunta ang anak ko.
'Hayaan mo na ang anak mo... Let her be with whoever she loves.
'Hindi ang Alden na iyon. He's a drug dealer, a gangster at masamang impluwensya kay Maine. He'd have to cross over my dead body, bago niya makuha ang anak ko.
'Maybe he's changed. Hindi natin alam. Bakit hindi mo siya bigyan ng pagkakataon...
'Hindi mangyayari yun.
'Oh? eh diba nga walang nangyari doon sa plano niyo ni Jake na pabalikin si Maine sa kanya?
Bawat salitang naririnig ko ay para akong sinasaksak sa dibdib. Sobrang sakit. Para na akong bomba na anytime ay sasabog na. Akala ko pinakamasakit na ang masaktan ka dahil sa pag ibig. Pero hindi pala, mas masakit ang kataksilan ng sarili mong pamilya. It doesn't leave a scar on my skin, but on my heart. Hindi ko pa naranasan ang ganitong sakit buong buhay ko. And it hurts so fucking bad.
'This isn't what you should do if you're trying to protect her.. Kung kasuklaman niya ang buhay niya balang araw, yun ay dahil sayo. Tandaan mo yan--
Kumuyom ang kamao ko. Hindi ko na napigilan ang galit ko at pumasok sa kinaroroonan nila. Basang basa na ang pisngi ko dahil sa mga luha.
Gulat na napatingin sa akin sina Tita Mariz at daddy. Napatingin ako sa envelope na hawak ni daddy na naglalaman ng impormasyon ni Alden.
'How could you do this to me dad...
Nanginginig kung sinabi. Patuloy ang pagbagsak ng luha ko.
'Maine I can explain..
Mahinahon na sagot ni daddy.
'Explaine to me what! Narinig ko na lahat! Ano pang ipapaliwanag niyo! Plinano niyo ito!
Si Tita Mariz ay nakatutop ang mga kamay sa bibig at mahinang humihikbi. Umiling iling ako. I really cant believe na magagawa ni daddy sa akin ito.
BINABASA MO ANG
Wanting you
RomanceMagkaibang mundo, magkaibang pamumuhay at malayo ang agwat nila. Magmamalan..... Pero pinaghiwalay ng kapalaran. Paano kung nagbalik ang lumisan? Pero ang nilisan, ay sobrang poot pa ang nadarama. Maibabalik pa ba nila ang nakaraan? Abangan po ang...