MaineNagising ako sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana. Naramdaman ko ang mabigat na braso na nakapatong sa tiyan ko. Kinusot ko ang mga mata ko at umupo sa pagkakahiga. Inalis ko ang braso niyang nakadantay sa akin at dinampian siya ng halik sa noo. He groans. Bahagya niyang iniba ang kanyang pwesto .
Pinagmasdan ko ang tulog niyang imahe. Napangiti ako dahil napakahimbing ng tulog niya. Mukha siyang anghel. Parang ngayon lang siya nakatulog ng maayos this past few days. Medyo nag lighten na din ang mga itim sa ilalim ng mata niya. Patayo na ako ng...
'Ouch..
Napngiwi ako ng naramdaman ko ang hapdi sa gitna ng aking mga hita. Medyo masakit din ang mga balakang ko. Ganito pala ang pakiramdam once na naibigay mo na ang sarili mo sa isang tao o sa isang mahal mo. At hindi ako nagsisisi na ibinigay ko ito kay Alden. Dahil mahal ko siya, higit pa sa lahat.
Paika ika akong naglakad patungo sa CR para maligo. Naligo ako kaagad at naibsan ng kunti ang hapding nararamdaman ko. Sarap sa pakiramdam. Nang lumabas ako sa CR ay mahimbing pa din ang tulog niya kaya hinayaan ko muna siya. Isinuot ko muna ang tshirt ni Alden na nakalagay sa ibabaw ng mesa katabi ng kama. Lumabas ako ng kwarto.
Whooo! What a mess. Itinali ko ang buhok ko at nagsimulang maglinis. Actually marunong ako sa gawaing bahay dahil tinuruan ako ni mama nung nabubuhay pa siya. Hindi naman ako katulad ng iba na mayaman ay hindi na marunong sa gawaing bahay. Hindi ko na muna ininda ang sakit sa may hita ko. Pinulot ko ang mga bote sa sahig, pati na din ang mga baso sa may sala at inilagay sa lababo. Itinapon ko ang mga upos ng sigarilyo sa basurahan at pinunasan ang mesa. Pagkatapos ay winalis ko ang mga nakakalat na chips sa sahig. Pagkatapos at hinugasan ko ang mga baso.
Huminga ako ng malalim ng matapos ako. Tumingin ako ng pwede iluto sa fridge. Marunong din naman ako magluto, basic nga lang. Prito prito lang.
Lulutuin ko na ang nakita kung eggs at sausage sa fridge. Habang wini whisk ko ang itlog ay muntik ko na mahitawan ang mangkok dahil may biglang yumakap mula sa aking likod. Ipinalibot niya ang mga braso sa aking balakang. At dinampian ako ng halik sa leeg na ikinatayo ng aking balahibo. Napakagat ako sa labi. Pinigilan kung mapaungol.
'Good morning...
Inaantok niyang bati.
'Morning..
Bati ko sa kanya at hinagkan siya sa pisngi.
'Sarap...
Sambit niya
'Huh?
'Y-yung niluluto mo ang sarap..
'Sarap agad? itlog at sausage lang to.
'Basta galing sayo, para sakin masarap..
Parang may ibang meaning yun ah? Tumingin ako sa kanya na ngayon ay kumalas na sa pagkakayakap sakin at paupo na sa upuan. May ngiti siya sa labi.
Luto na ang almusal. Inilagay ko na sa Plato ang pagkain namin. Malaki ang hakbang kung tumungo sa mesa. Napangiwi ako ng kunti dahil naramdaman ko ulit ang sakit sa ibaba. Masakit siya pag nabigla.
Napatingin siya sakin.
'Masakit ba?
Tanong niya. Nginitian ko siya at dahan dahan umupo sa tabi niya.
'Its okay, normal naman yun diba?
Hinalikan niya ako sa noo.
'I'm sorry, I should have been easy.
'Please stop saying sorry.. wala ka namang ginawang masama. Ginusto ko ang nangyari kaya wala kang dapat ipag alala.
Hinawakan ko ang kamay niya. Hinalikan naman niya ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Wanting you
RomanceMagkaibang mundo, magkaibang pamumuhay at malayo ang agwat nila. Magmamalan..... Pero pinaghiwalay ng kapalaran. Paano kung nagbalik ang lumisan? Pero ang nilisan, ay sobrang poot pa ang nadarama. Maibabalik pa ba nila ang nakaraan? Abangan po ang...