6. HATING YOU

585 43 7
                                    

Chapter 6: HATING YOU
Enjoy reading!

ZYNC

"Boss, nasa location na po sila Mr. Agapito and Ms. Delan. Kayo na lang po ang hinihintay nila." Napasulyap ako kay Nenita saka binalik ang tingin sa laptop.

Tumango ako, "10 minutes. I need to finish this first." Narinig ko ang pagtutol ng secretary ko pero hindi ko na siya pinansin.

Kailangan ko nang matapos ang narrative report na ginagawa ko ngayon dahil hinihingi na ito ng CEO ng McLeod Enterprises. I have to personally make this report dahil nakakahiya naman kay Miss McLeod. She has been our major partner here in Trifecta. She's Reina's close friend.

"Pero boss... tumawag ulit si Miss Delan. Kanina pa raw sila naghihintay sa 'yo. Naiinip na raw sila."

Napataas ang kilay ko. "I believe they are the one who is asking favor for us. They need our investment, so let them wait. In the first place, I haven't signed the contract yet."

Napangisi ako nang marinig ang sinagot ni Nenita nang tumawag ulit sa kaniya si Miss Delan ng AB Company, they are proposing to build a hotel and casino business somewhere in Santa Clara.

"Miss Delan. My Boss is still busy right at the moment. Maghintay po kayo kung ayaw niyong hindi matuloy 'yang business niyo. 'Kaaaaay?" Binaba niya ang tawag. "Hmp. Sungit. Maldita."

Tinapos ko na ang ginagawa ko. "Put this on Anton's table." Tukoy ko sa aking Executive Assistant na kasalukuyang nasa board meeting.

Nag-ayos ako sandali saka inaya si Nenita na umalis na.

"Zync." Napatingin ako kay Sia na nakasalubong ko sa lobby. Nakasimangot ito, bitbit niya si Oh.

"What are you doing here, Iseah? May pupuntahan pa akong importante." Sabay tingin sa wrist watch.

"You need to know something."

"Can we talk about that later? I really need to go."

Mas lalo siyang sumimangot. "Fine." Naglakad siya palayo sa akin papunta sa elevator.

Agad akong sumakay sa sasakyan na nakahintay sa entrance. Napatingin ako kay Nenita nang tumunog ang phone niya. Sinagot niya ang tawag. Napatingin ako sa bintana.

"Sir... teacher po ni Luci. Nawawala raw po ang bata."

Agad akong naalarma.

"What? Call her yaya! Let's go to her school."

Luci is just two but I already enrolled her in a toddler school. May mga yaya naman si Luci at may bodyguards na rin na kasama niya sa school. How come she's lost?

Napasulyap ako sandali sa highway nang may nahagip ang mga mata ko. Napatingin ako ulit doon.

"Stop the car!" napasubsob ako dahil sa biglaang pagtigil ng sasakyan. Sinipat kong mabuti kung tama ba ang nakikita ko. Si Moreus Luciana nga!

Agad akong bumaba saka nagmadaling tinawid ang 4-lane-highway. Narinig ko pa ang tawag sa akin nila Nenita saka pagbusina ng mga sasakyan.

"Luci!" sigaw ko. Luminga ang bata. Nakatayo ang bata sa may waiting shed, hawak-hawak siya ng isang babae na hindi ko kilala.

"Luci!" tinawag ko siyang muli habang mabilis akong tumakbo papalapit sa kanila. May tumigil na jeep sa harap nila at hinila si Luci ng babae pasakay.

"Noooo! Luci! Where are you taking my daughter?!"

Dahil sa lakas ng sigaw ko napatigil ang ila. Napatingin sila sa akin pero parang bingi 'yong babaeng may hawak kay Luci.

"Papa!" Sa wakas nakita rin ako ni Luci. Nagpumiglas siya sa babae na mukhang nagulat kaya nabitawan nito ang bata.

REIGNED (S.E. Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon