18. ZZO

266 24 4
                                    

Chapter 18: ZZO
Enjoy reading!

ZYNC

"Bessy, sa tingin mo nandito ba si Reina sa palasyo? Ilang araw na ako nandito, hindi ko pa rin siya nakikita. Ni hindi ko mahagilap sila mommy."

Lumingon sa akin si Bessy na nakapulupot sa armrest ng upuan na nasa gilid ng kama ko.

"Sa tingin mo, sino ang tunay kong kalaban dito? Ito na ba 'yong oras na ako naman ang magliligtas sa sanlibutan?"

Nakatitig lang sa akin si Bessy na para bang ako ang pinakagwapong nilalang na nakita niya sa balat ng lupa. Napangisi ako. Kahit cobra gwapong-gwapo sa akin. Bongga!

Nakakamangha na napakaamo ng nahuli kong cobra. In all fairness my breeding siya. Sobrang ma-attitude nga lang. Ang arte eh. Ayaw kumain ng daga. Pero hindi naman niya ako tinutuklaw. Parang meant to be na ako ang magiging amo niya.

"Maayos lang kaya ang asawa ko? Kinakabahan ako, Bessy kasi hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyayari. I have to win the game I don't even know what is all about. Para akong naglalaro ng puzzle na nakapiring."

Bessy hissed and look away. 'Tamona. Napaka talaga ng cobra na 'to. Hindi ko siya bibigyan diyan ng raw beef meat eh!

"Naiisip ko ang nangyari dati kay Reina. She had been inside the game of life and death. But, she's amazing. She was able to win and bring back the glory. Paano niya nagawa 'yon? Magagawa ko rin kaya?"

Based sa pahiwatig ng High King sa akin, nakasalalay sa akin ang lahat. Paano ko naman magagawa 'yon kung hindi ko nga alam kung ano ang nangyayari?

Napabangon ako bigla. It's already past midnight pero hindi ako makatulog. Nilingon ko si Bessy.

"I have an idea." tinapik ko ang ulo ni Bessy. Sinamaan niya ako ng tingin.

"Pumasok ka na sa aquarium mo, Bessy. Matulog ka na. Masama sa bata ang magpuyat. Baka hindi ka na humaba." hindi pa naman kasi gaanong kalaki si Bessy. Kalahati ata siya ng braso ko.

Napangisi ako nang sumunod naman siya at pumasok sa aquarium niya. Nilingon niya pa ako bago siya pumaikot para mag-spiral at natulog.

Napaisip ako... ahas kaya ako no'ng past life ko?

***

"Ssssh. Huwag kang maingay, Bessy baka may makarinig sa atin." bulong ko sa kanya dahil panay ang pagtunog niya habang maingat akong naglalakad sa mahabang pasilyo ng palasyo. Nakapulupot naman siya sa braso ko.

Pero muli siyang nag-hissed saka lumingalinga ang ulo. Pabalik-balik sa iisang direksyon ang ulo niya kaya nilingon ko 'yon. Napa-face palm ako nang makita ang cctv camera.

"Ba't nakalimutan ko 'to? Aish!" binalingan ko si Bessy, "Paano mo nalaman ang tungkol sa mga 'yan ah? Tao ka ba no'ng past life mo?" the snake just hissed.

Nabubuang na talaga ako. Pati ang maattitude na cobra, kinakausap ko na. Animal lover naman ako. Hindi ko lang inaasahan na isang cobra ang una kong magiging pet.

"Bessy. Balik na muna tayo sa kwarto. Mukhang hindi pa ako handang mag-spy. Abort mission." Bessy hissed.

Napapakamot na lang ako ng ulo hanggang sa makabalik ng kwarto. Hinayaan kong gumapang si Bessy sa kung saan. Umupo ako sa sahig at sumandal sa kama.

Ghad, Zync! Get hold of yoursefl. You're the chairman of Trifecta empire, prince of Eritrea and wife of Reina. Bakit wala kang maisip na matino? Do something! Move! Use your mind! Be wise!

Napapadyak na lang ako. Hindi gumagana ang utak ko sa totoo lang. Ano ba ang gagawin ko?

Miss na miss ko na si Reina at ang mga anak ko. Gusto ko nang makita si Reina, mahawakan at mayakap. Nababaliw ako sa isipang nasa iisang lugar lang kami pero hindi ko naman siya nakikita. Tapos heto pa, may nangyayaring hindi ko naman matukoy kung ano. Nakakapagod mangapa sa dilim.

REIGNED (S.E. Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon