Chapter 32: HER SIDE - Signs
Enjoy reading!REINA
8 months ago...
"Two lines?" nakangiting salubong sa akin ni Tamara. I giggled.
"Yes."
"Congrats, Ate!" niyakap niya ako nang mahigpit.
"Ooops, ingat." saway ko dahil baka maipit ang water melon niyang tiyan.
Natatawang lumayo siya sa akin at hinimas ang umbok niyang tiyan. She's 5 months pregnant already.
Nandito ako ngayon sa bahay niya para bisitahin siya pero bigla akong nahilo at nagduwal. She handed me 5 PT kits at lahat ay positive.
Pagkalipas ng ilang sandali ay naging seryoso ang pinag-usapan namin.
"You can't go back to Slovenia with your condition, Ate Reina." nag-aalalang aniya.
"But I have to, Tamara. Our family needs me there. Hindi ko maatim na hayaan na lang sila roon. Alam mo ang tunay na sitwasyon ngayon ng kaharian."
Uminom siya ng tubig, "Ate, just like what I've told you before. Mas maiging mag-ingat ka kay Allaine. I really don't like that woman."
"I know that. She is Flynn's ally, Tamara. Hindi siya dapat pagkatiwalaan."
Umiling siya, "Hindi. There's more than that. Matagal na akong nagdududa sa babaeng 'yan. Maliban sa kakampi talaga siya ni Flynn, may mas malaki siyang tinatago. I checked her background pero masyadong malinis. Remember sa sinabi ko sa 'yo noon, ilang beses ka niyang pinagtangkaan nang hindi mo napapansin."
I nodded my head. Back in our college days, Tamara told me about those incidents. Akala ko lang noon ay galit siya dahil sa pagmamabutihan namin ni Zync and also for ruining their plans.
"I'll put that in my mind. I can't question your instinct, it's always right."
Ngumisi siya habang inuugoy ang inuupuang swivel chair.
"Tell Zync about the little one, he'll be happy."
"Hmm."
**
"I love you, my queen." masuyong bulong ng aking mahal na asawa saka niya ako mahigpit na niyakap habang hinihingal pa, maingat ang pagkakadagan niya sa akin. Napangiti ako.
"I love you too, ouranós mou."
"Hmm." aniya saka marahang umalis sa ibabaw ko at patagilid akong niyakap.
"Zync, I have a surprise for you." mahina kong saad.
"What is it?" antok na antok na aniya.
Napangiti ako at marahang hinaplos ang buhok niya.
"Another sperm has won the race." natatawang saad ko pero sinagot niya lang ako ng isang malakas na hilik.
Nakatulog na pala. Napailing ako saka niyakap na lang siya. I already had my check up and I am just 3 weeks pregnant.
Kinabukasan ay nagising ako dahil sa isang tawag.
"Hello. Who's this?" It was an international call.
"Katareina." isang umiiyak na boses ng babae ang sumagot.
"Who's this?" napabangon na ako. Nilingon ko si Zync na mahimbing pa rin ang tulog. Inayos ko ang pagkakakumot sa kanya at tumayo para pumunta sa balcony.
"Allaine."
"Aly? Is there something wrong?"
"I need your help. Flynn is getting out of hand. We need you here."
BINABASA MO ANG
REIGNED (S.E. Book 3)
ActionReina and Zync. ** Started: February 2018 Finished: January 6, 2021