36. ZMCO

267 22 9
                                    

Before we proceed, here are the list of characters and their ages.

Reina/Tari - 28
Zync - 29
Terrence - 29
Tamara - 25
Cronica - 23
Flynn - 32
Iseah - 27
Al Ryan - 29
Morry - 30
Theus - 31
Gylord - 26
Allaine - 69
Zacario - 63
Ynca - 60
Mojica - 43
Tomeo - 57
Zyncai & Ah-ah - 8
Luci - 4
Arri and Arra - 12
Orion, Ethon, Lithon, Liria - 2
Pula - 24

*****

Chapter 36: ZMCO
Enjoy reading!

ZYNC

"Reina!"

Mabilis ko siyang ipinangko nang mawalan siya nang malay.

"Damn it. Sana hinayaan mo na lang ako ang kumausap sa kanya Morry!" singhal ko sa kanya.

"Zync, don't even start with it. Bring her inside." ani Daddy, pero sinamaan ko nang tingin si Morry. Bakas ang pag-alala sa mukha niya.

"Zync, please, bring her inside!" nagmamadaling sigaw ni Morry.

Tumango na lang ako at mabilis na tumungo sa bahay. Inalalayan ako nina Daddy at Theus dahil may kabigatan si Reina ngayon. Panay ang bulong ko sa kanya baka sakaling magkamalay siya.

Butil-butil ang pawis niya at namumutla. Ramdam ko rin ang init ng katawan niya.

"Zync, dito sa emergency room mo siya ilagay."

Nagpatiuna si Morry. Pumasok kami sa isang puting silid na puno ng medical equipments. Inihiga ko si Reina sa puting kama.

Nakasuot na agad si Morry ng proper clothing medical personal, sumunod si Iseah at nagsuot na rin. Lumabas naman sina Daddy. Nanghihinang napasandal ako sa pader habang nakatingin sa walang malay kong asawa.

"Reina."

Agad nilang sinuri si Reina. Gusto ko sana silang tanungin kung alam ba nila ang ginagawa nila pero 'di ko magawang makapagsalita dahil kinakabahan ako, unti-unti na ring lumulukob sa akin ang takot.

Napapikit ako at nag-usal ng panalangin.

Manganganak na kaya si Reina? Ang alam ko ay kabuwanan niya na ngayon. Ganito pala ang pakiramdam kapag pinapanood mo ang asawang mong nasa puting kama at sinusuri.

Ibang klase ang kaba.

Umalingawngaw sa pandinig ko ang tunog ng heart monitor. Napatingin ako roon at mas lalo akong kinabahan nang makitang hindi normal ang tibok ng puso ni Reina, even her blood pressure is high!

Sobrang bilis ng tibok ng puso niya.

"M-morry..."

"Hush... Zync."

Itinikom ko ang bibig ko. They stripped Reina's clothes and changed it into a robe. Sobrang laki ng tiyan ng asawa ko. Parang puputok. Pero sobrang ganda pa rin niya. Hindi, mas lalo siyang gumanda sa kanyang anyo.

I could see her bravery in that glorified body and it's a picture worth to be treasured. I feel so proud of it.

They also checked the heartbeat of our child.

Tumulo ang luha ko nang marinig ito sa unang pagkakataon. Malakas at mabilis din ang tibok nito, humahabol sa tibok ng puso ng kanyang ina.

I know something wrong is going on. Kaya nanlalamig na ako sa kinatatayuan ko. Kanina pa nangangati ang dila kong mangusisa pero baka bigwasan ako nina Morry o 'di kaya ay palabasin. Ayaw kong lumabas.

I want to stay here with my wife. I need to be here.

Pinosisyon nila ang dalawang paa ni Reina. Tinabunan nila ng tela ang mga hita niya and Morry checked her down there.

REIGNED (S.E. Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon