23. WEDDING

211 18 4
                                    

Chapter 23: WEDDING
Enjoy reading!

ZYNC

I witnessed everything. They let me witness everything. How could they do this to me? How could they not tell me everything? Why did they left me puzzled and hanging?

Why are they making this hard for me when they could tell me about it so that I can move accordingly with them? Why do I feel like I am being played on?

I watched how she gracefully walked down the isle with her white wedding dress. Her tiara looked so good in her. She was breathtaking. Her aura was shouting royalty. She's the Queen of this kingdom. The most important and beautiful woman of this land.

"And now we are going to witness the union of the two royal souls who'll reign in our great kingdom and bring forth sovereignty in our blessed land in the presence of our mighty Creator. May this union be filled with happiness and harmony..."

Halos hindi ko na marinig ang mga sinasabi ni High King Malachi dahil nakatuon lang ang mga mata ko sa kanya. Muling tumuon sa pinakamahalagang babae sa kaharian ang camera.

Napalunok ako. Kahit makapal ang belo na nakatabon sa mukha niya ay alam ko ang totoo. Alam na alam ko. Ramdam ko.

Hindi nila ako maloloko. Nadadaran man ako sa labis na emosyon, ang puso ko ay alam kung ano ang tama sa hindi. Alam nito ang totoo.

Nangyari na ito noon. It felt like de javu.

Natapos nila ang napakaraming seremonyas, nakatutok lamang ako sa dalawang taong sentro ng ganap ngayon. Walang mababakas na emosyon sa lalaki. Hindi ko matukoy kung ano ang maaaring nasa isipan niya.

Gumalaw ang camera, pinasadahan ang lahat ng mga tao sa loob ng bulwagan kung saan ginanap ang makasaysayang pag-iisang dibdib ng maharlika. May nahagip ang camera. Nakita ko na naman ang mukha ng taong gumulo sa buhay namin. Ang taong kinamumuhian ko.

Devils are indeed beautiful. Remember, before they became fallens, they were once reigning in the heavens, where beauty is just a common thing. Demons are breathtakingly beautiful but rotten inside.

He's an exact example of it. But why? Why did he became like this? Why was he doing all these shits?

Why are you destroying us, Flynn?

"Oh mighty Creator of everything, with the power You have blessed upon me with my crown, throne and blood, I am High King Malachi Alexandrous Clementin of blessed land of the Kingdom of Slovenia. I pronounced Queen Katarina Zenkiah Rostarcel - Clementin and Prince Terrence Rostarcel - Clementin as husband and wife."

Napalunok ako nang marinig iyon. Posible nga ba ang naiisip ko? Malakas ang paniniwala ko. It's possible.

Sa kaalaman ng lahat ay iisa lamang ang panganay na Clementin. Iilan lamang ang nakakalam na kambal ang panganay. Dalawang tao pa rin ang gumagamit ng pangalang iyan... Katarina Zenkiah Clementin.

She's now married to the hailed King of the quest.

Napayuko ako nang ipinatay ng royal guard ang TV na nandito sa loob ng kulungan ko. Sinadya talaga nilang mapanood ko ang royal wedding.

Pero wala akong maramdaman. Masyado na ata akong napuno na hindi ko na alam kung ano nga ba ang pakiramdam ko ngayon. Lagi na lang ganito. Nakakasawa na.

Kasabay ng maharlikang kasalan kanina ang pagkorona kay Terrence bilang prinsepe ng Slovenia. Hindi pa siya magiging hari hangga't nabubuhay ang High King Malachi.

Muling bumukas ang pinto ng silid kung saan nila ako ikinulong. Isang royal maid ang pumasok na may tulak-tulak na trolley. Napatingin ito sa akin nang walang bawas ang hinatid niyang agahan kanina. Napailing ito at bumuntong hininga.

REIGNED (S.E. Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon