Chapter 22: DOOMED
Enjoy reading!ZYNC
Sobrang bilis ng mga pangyayari. Hindi ko na nasundan pa, nakita ko na lang ang sarili kong tumatakbo sa mahabang hallway ng Cathard Castle. Kailangan kong makalabas agad sa kastilyo. Kailangan kong makapagtago. Hindi nila ako dapat maabutan.
Kanina lang ay mapayapa ang nangyayaring meeting sa bulwagan kasama ang mga konseho, ang natitirang kalahok at royal family. Pinagdidiskusyunan ang mga susunod na challenge para sa quest dahil apat na lamang kami ay minabuti ng mga konseho na isa at huling challenge na lamang ang magaganap na siyang tutukoy sa magwawagi.
Kanina lang ay napapansin ko ang pagpapalitan nila ng tingin ni Aunt Mojica, Terrence, King Malachi at Daddy Tomeo.
Kanina lang ay nag-abot ang mga mata namin ni Mommy Ynca.
Kanina lang ay nakatitig ako sa babaeng nakaupo sa trono na may suot na korona at manipis na belong tumatakip sa kanyang mukha.
Kanina lang ay mapayapa ang aking kalooban.
Isang malakas na pagsabog na nagmula sa labas ng kastilyo ang sumira sa katahimikan ng umaga. Kasunod no'n ay ang malakas na sigawan. Kung kaya nagkagulo sa loob ng bulwagan.
Nakita kong inakay agad ng mga royal guards ang royal family palabas ng bulwagan, sumunod ang mga konseho. Doon sila dumaan sa likod na pintuan. Sumunod sa kanila si Terrence gano'n din ang ibang kalahok at mga bisita. Susunod na dapat ako ngunit nakita ako siya na tumakbo sa kabilang parte ng kastilyo.
I followed the Queen...
"Magsisimula na." hindi ko mapigilang ibulong sa hangin.
I am anticipating that now is the time that the war against Flynn Flamenco will begin. Alam kong ngayon na ito mangyayari. Ang pagsabog na iyon ay ang hudyat.
Naramdaman ko ang pagliit ng distansya ng mga humahabol sa akin. Kaya tumigil ako sa pagtakbo at hinarap sila. Halos mangudngod na sila sa akin kaya napaatras ako.
"Ano ba?! Ba't kayo tumigil?!" angil nung isang royal guard sa likuran. Halos magkadikitan na sila. Marami sila kaya nagsiksikan sila sa pwesto nila.
Tinitigan ko sila isa-isa at doon ko napansin na may pagkakaiba ang mga suot nila uniporme. May iba sa kanila na may maliit na imahe ng apoy sa kanang dibdib, ang iba naman ay wala.
Buti na lang napansin ko ang mabilis na pag-igkas ng kamao ng isa sa kanila kaya nailagan ko ito. Iwas lang ako nang iwas sa mga atake nila lalo na no'ng halos sabay-sabay na nila akong inatake.
Shete. Wala akong dalang ni isang armas.
Natatamaan na rin ako ng mga suntok at sipa nila hanggang sa nakakita ako ng daan na makatakas sa kanila. Hinayaan kong matamaan ako sa panga no'ng isa kaya tumilapon ako palayo sa kanila. Hindi na ako nagsayang pa ng oras agad akong tumakbo pabalik sa dinaanan ko kanina.
Bahala na. Mamaya na lang kita hahanapin, asawa ko.
Hinabol nila ako ulit, mabilis na ang takbo ko ngunit nang papaliko na ako may paparating na grupo ng royal guards.
Afatay. Trapped!
Nilibot ko ang paningin saka dumako ang mga mata ko sa malaking glass window na may eleganteng design. Nasaulo ko na ang blueprint ng kabuoan ng buong palasyo. Nasa second floor ako ngayon at sa baba ay ang harapan ng Zavi Castle. Kung tatalon ako mula sa bintanang ito ang babagsakan ko ay ang sementadong entrance ng Zavi Castle.
Hindi naman siguro ako mamamatay agad, 'no?
Napalunok ako nang malapit na sa akin ang dalawang grupo. Napapikit ako bago ako bumuwelo patakbo sa bintana. Niyakap ko ang makapal na kurtina saka ko malakas na sinipa ang dalawang paa sa pader upang maiduyan ako nang malakas upang mabasag ko gamit ang katawan ang glass window.
BINABASA MO ANG
REIGNED (S.E. Book 3)
ActionReina and Zync. ** Started: February 2018 Finished: January 6, 2021