12. QUESTORS

329 21 0
                                    

Chapter 12:
Enjoy reading!

ZYNC

The thunderous sound of the gong echoed my ears. Today is the official presentation of the questors. Nilibot ko ang tingin. It is my first time to be here in Slovenia. Hindi ko maiwasang huwag mamangha sa ganda ng kaharian. Everything here is in connection with nature. Sobrang ganda. Walang matatayog na building sa sentro. Tanging ang limang kastilyo ng palasyo lang ang namamayagpag sa tayog. The palace looks so magical.

But seeing my fellow questors ruined the beauty of the glamorous garden of the palace. Yet, it is amazing that the kingdom doesn't offer special treatment to anybody. Patas lahat ng mga maharlikang maglalaban.

Kung hindi ako si Zync Orlando ay baka namaluktot na ako sa kaba sa nag-uumpugang aura at presensya ng mga royalty na nandito. Princes and kings are all over the place together with our respective advisors and trusted men.

Walang VIP-VIP. We are all gathered here in the garden, standing and waiting for our names and kingdoms to be called for presentation.q

"Kamahalan, huwag kang matakot. Nandito kami para sa iyo."

Nginitian ko ang Punong Ministro ng Eritrea na si Senyor Gustavo. Hindi ko alam na kasama ko pala siya sa eroplano. Nagulat na lang ako nang una pa siya kasama ang mga royal guards bumaba sa eroplano.

"Hmpf. Ako yata ang best bester bestest royal advisor na nandito! Kaya Zyncoy wala ka dapat ikatakot. Aygatchuuu."

Napangiwi ako dahil sa nagmamalaking mukha ni Cronica. Haaays. Akala ko magiging tahimik ang pananatili ko rito sa Slovenia pero may sa palos talaga ang babaeng 'to. Bigla na lang siya sumulpot kani-kanina lang.

"Ayusin ko nga iyang korona mo, Zyncoy! Baka mahulog. Ano ka ba mahal pa sa buhay mo iyan!" singhal niya saka mahigpit na hinawakan ang ulo ko at inayos ang korona.

Napasinghap naman si Senyor Gustavo dahil sa narinig.

"Pagpaumanhin niyo po, tagapagpayo. Pero walang mas hihigit pa na yaman sa buhay ng mahal na prinsepe!" nagtagis ang ngipin nito at sinamaan ng tingin si Cronica.

"Sus. Ito naman. Masyadong uptight! Chill ka lang diyan Senyor. Hindi ka makasabay dahil masyado ka nang gurang. Don't take things seriously."

"Cronica!" I hissed and give her a warning look. Ngumiwi lang siya.

"Just don't mind her, Senyor Gustavo." I give him an apologetic smile and he just answered me with a shrug.

"Tingnan mo, Zyncoy. Ang gagara ng mga royal suits nila. Grabe, napapalibutan ako ng mga royalties. Nasa gitna ako ng dagat ng mga hari at prinsepe. Kung dekwatin ko kaya lahat ng mga koronang suot niyo, yayaman na ba ako?"

Tila batang nagniningning ang mga matang ginagala niya sa paligid.

Napaismid ako, "In case you forgot how much is you net worth."

This woman. Tsk! Nakakalimutan niya bang ang yaman niya ay pinagsamang yaman ng Clementin, Orlando at Zenon o higit pa? She can even use her wealth to control the world and even surpass Reina's title as Supreme Commander but look at this woman, kung hindi lang siya nakaayos ngayon, napakagusgusin. She's wearing a Eritrean royal suit for the advisor.

"Grabe. Amoy na amoy ko ang humahalimuyak na amoy ng mga maharlika." nangisay pa siya saka lumingon sa akin, "Pero syempre, hindi nagpapatalo ang isang Orlando! Ang gwapo-gwapo mo ngayon, Zyncoy! Sobra. Manginginig si Reina kapag makita ka. Hahahaha! Agawin na lang kaya kita sa kaniya?"

Napangiti naman ako. May matinong nasasabi rin pala ang baliw na ito. I knew very well that I looked well today.

I am wearing my white Eritrean royal suit with my crown. Medyo mabigat dahil sa mga mamahaling batong desinyo ng suit.

REIGNED (S.E. Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon