CHAPTER 17: 4TH
Enjoy reading!ZYNC
"Stay vigilant, Zync. They are everywhere. P-please, win this quest and d-don't die."
I believe that what the High King said means something else. Hindi ko man makuha kung ano iyon but I have this strong feeling that telling me so.
'Win this quest.'
Ilang beses niyang sinabi sa akin 'yon nang mag-usap kami. Ang quest nga ba ang tinutukoy niya? O iba ang ibig sabihin no'n?
"Tabiiiii!"
Napaigtad ako at nagulat sa paparating na bagay tungo sa akin.
"Yuko! Stupid! Dapaaaa!"
Wala sa sariling napadapa ako. Umalingawngaw ang malakas na pagsabog sa hindi kalayuan sa akin. Lumipad pa ako dahil sa pwersa ng pagsabog.
May nadaganan akong tao, pasensya na lang sa kanya.
"Ugh! Ang bigat mo! Alis!"
Pinilit kong makaalis sa ibabaw niya kaya napatihaya ako at napakurap-kurap.
Kanina nakaupo lang naman ako sa ilalim ng puno na 'yon, nagmumuni tapos hetooo, dumapa maya-maya lumipad, may nadaganan at ngayon ay nakatihaya katabi ang isang lalaki.
"Ang bigat mo! Baboy ka ba?!"
"Tsk! Mabigat talaga ako kasi ang muscles ko umaapaw. Ikaw? Patpat!"
Padabog na tumayo si Gylord saka masama ang tinging tumunghay sa akin.
"Psh. Buhay ka pa."
"Ginagago mo ba ako?! Ano 'yon ah?! Papatayin mo ba ako?!" tumayo ako saka nagpagpag.
"Kung hindi ka naman kasi tanga! Nagsisimula ba 3rd challenge niyo, abnuy! Nagkakarambulan na mga kalaban mo, ikaw sitting pretty ka ba riyan, wala namang ka-pretty pretty sa 'yo! Magpasalamat ka niligtas pa kita kung hindi luray-luray na 'yang katawan mo! Magigig Concepcion si Reina kapag nagkataon!"
"Aba't!" inambahan ko siya ng suntok pero napakabilis niyang nakalayo sa akin.
Kunsabay sobrang liit kaya maliksi. Pero gago 'yon ah! Akala mo kung sino'ng gwapo!
Napakamot ako ng ulo, nagsisimula na pala ang challenge. Pero ang walanghiya, wala akong magawa dahil hindi naman ako nabigyan ng challenge!
Inanunsyo kasi kanina ng konseho na may tatlong questors ang bibigyan ng immunity sa 3rd Challenge, ang Top 3 questors simula day 1.
At nakasali ako ro'n. Top 2 ako habang si Terrence ang Top 1. Hindi ko kilala ang Top 3, hari raw 'yon galing sa kaharian na nasa Asia.
Ang hindi ko inaasahan ay parang elimination ang nangyayari sa 3rd challenge. Paunahan sa pagpatumba sa mga kapwa questors, sa loob ng isang oras. Matira matibay. Mas malala pa sa nangyaring surprise 2nd challenge. Pwedeng gumamit ng mga armas. Gaya ng sumabog sa malapit sa akin kanina, isang bomba. Pwedeng manakit, pwedeng manglumpo. Pwedeng magpa-coma ng kalaban.
Mabuti na lang magaling ako... top 2 pero bakit top 2 lang ako?! Psh.
Nilingon ko ulit ang kinauupuan ko kanina. Tama si Gylord, dedo ako 'pagnagkataon. Kawawa naman si Reina. Hindi niya na masisilayan ang kakisigan ko.
Sino'ng siraulo ang nagpabasog ng bomba rito? Eh paano sila nakarating dito sa likod, doon sa field sa harap ang location nila.
Tumakbo ako tungo sa Kataleya Tower. Mabilis akong nakaakyat sa 45th floor. Sinipat kong muli ang magandang dagger ng dating prinsesa.
BINABASA MO ANG
REIGNED (S.E. Book 3)
ActionReina and Zync. ** Started: February 2018 Finished: January 6, 2021