Chapter 11: INSIGNIA
Enjoy reading!ZYNC
Ang kisame na ang pinakamagandang bagay na nakikita ko ngayon. Nabibingi ako sa katahimikan pero kapayapaan ang hatid sa akin nito.
Wala akong naririnig. Wala talaga.
"May nakilala akong lalaki. Makisig, mayaman, maharlika, makinis ang pwet ngunit ito'y umihi sa salawal."
May naririnig ba kayo? Ako kasi wala. Sobrang katahimikan ang naririnig ko.
"Isang reyna ang asawa niya. Malakas, maganda, magiting. Pero si lalaki ay nakaihi sa salawala."
Sumasakit ulo ko sa katahimikan. Pakurap-kurap na lang ako sa magandang tanawin ng kisame.
"Umihi ang magandang lalaki sa harapan ng mga maharlika sa ilalim ng bilog na buwan."
Bakit kaya sobrang ganda ng kisame nila rito?
"Ohhhh. Magandang gabi bayan! Heto ako ngayon live sa kaharian ng Eritrea kung saan isang nagbabagang balita ang usap-usapan ngayon ng taong bayan! Ang kinoronahang prinsepe na siyang Chairman ng isang multi-billion dollar conglomerates na asawa ng reyna ng Slovenia ay nakaihi sa kanyang salawal! Hindi niya napigilan ang sarili dahil sa matinding emosyon---"
Nanggigigil kong tinaklob ang kumot sa buong ulo ni Cronica pababa sa kanyang katawan. Nanggagalaiting pinagulong-gulong ko siya sa carpeted floor ng aking silid dito sa palasyo.
"Sarap mong murahing babae ka! Bakit nakilala pa kita?!"
"Araaay! Tama na! Zyncoy! Isusumbong kita kay Reina!"
Bwisit. Hindi pa rin ako maka-move on sa kagaguhan na ginawa niya sa akin kagabi. Walanghiya siya! Pinahiya niya ako!
"Hoy! Hindi ako makahinga! Leche to! Isusumbong kita kay GB! Niaaway mo ako! Huhu. Susumbong talaga kita sa kanya! Ipapabugbog kita!"
Inis na inis ko siyang sinabunutan bago siya binitawan. Padarag akong umupo sa kama. Parang bruhang humarap siya sa akin.
"Bwisit ka!"
Pinigilan kong tumawa nang makita ang mukha niya. Hahahaha. Leche ang sipon nagkalat sa pisnge niya. Nanlilisik ang matang suminga siya sa kumot ko saka pinahiran ang buong mukha gamit no'n. Yakkk. Kadiri talaga. Dugyot!
"Hindi lang naman ikaw ang napahiya kagabi ah! Napahiya rin ako pati na si Punong Ministro!" nakabusangot na reklamo niya. "Hmpf." binato niya ang kumot sa akin, binato ko rin ito pabalik sa kanya.
Seryoso ko siyang tiningnan. Hindi ko na mapigilan ang galit na nararamdaman ko.
"Hindi ka pa nagpapaliwanag kung bakit mo nagawa iyon! Langya Cronica! Kung umasta ka parang laro lang sa iyo ng lahat ah. You cannot just play around me! Alam ko namang wala kang respeto sa akin pero ang ginawa mo?! It's already unacceptable. Nagawa mo pa talagang idamay ang mga konseho pati na ang mga maharlika sa kagaguhan mo kagabi!Irespeto mo naman ako! Hindi sa lahat ng oras ay kaya kong itolerate iyang pagiging baliw mo..."
"...kung anu-ano ang pinaggagawa mo. Oo nagpapasalamat ako sa 'yo dahil sa mga tulong mo sa akin para lang mabawi ko ang asawa ko sa kahariang iyon pero hindi naman makatarungan na paglalaruan mo ako nang ganito! Hindi na tayo bata para umasta nang ganito, Cronica! Grow up and be mature!"
Natahimik siya saka sumeryoso ang mukha. Nag-iwas siya ng tingin. Kaya nagsalita ulit ako.
"Sana bago mo ginagawa ang kalokohan mo kagabi ay naisip mo sana kung ano ang magiging epekto no'n sa akin! Ikaw mismo ang nag-udyok sa akin na tanggapin ko ang korona kaya inisip mo sana na akong ang prinsepe at pinahiya mo ako ng gano'n kagabi! Grabe Cronica! Simula pa lang, andami mo ng kalokohan na ginawa pero pinapalampas ko lang lahat ng iyon at kagabi, sumobra ka na sa ugali mong iyan!"
BINABASA MO ANG
REIGNED (S.E. Book 3)
ActionReina and Zync. ** Started: February 2018 Finished: January 6, 2021