8. TCPOTKOE

519 30 6
                                    

Chapter 8: TCPOTKOE
Enjoy reading!

ZYNC

Napatitig na lamang ako sa isang maliit na golden box na inabot sa akin ni Ms. McLeod. Nagmamadali siyang umalis kanina nang biglang magbeep ang suot niyang wrist watch. "Pangit mong umiyak, Orlando. Di ka bagay maging hari." Pambabash niya pa sakin kanina. "Kaya ang dapat nating gawin idethrone ang reyna." dagdag niya pa at tumawa ng tunog baboy at kambing saka siya umalis.

Sinipat ko ang bawat parte ng golden box upang hanapin kung paano ito bubuksan pero wala akong mahanap. Parang gold cube lang ito pero kasi may tumutunog sa loob ka shinishake ko ito.

Nakaupo na ako sa sofa rito sa loob ng aking opisina at hinihintay na lang ang lunch break.

Padarag na bumukas ang pinto. Sinamaan ko ng tingin si Al.

"Zync. Y-you have to go with me." hinila niya ako patayo saka halos kaladkarin papuntang board room.

"Al. What's going on? You don't have to pull me! Bitaw nga!"

Tumigil ako sa paglalakad at mas lalo siyang sinamaan ng tingin. Kumunot ang noo niya.

"Zync. May isa pang Cronica Mcleod sa board room na kanina pa naghihintay sayo!"

"What?!"

"Oo Zync at nagagalit na siya sayo kasi pinaghintay mo sila! Kailangan mo silang harapin."

"Teka lang. Anong ibig mong sabihin na kanina pa nasa board room si Cronica McLeod? E-eh kanina lang kasama natin siya sa opisina natin?"

"Yun na nga, Zync. Hindi ko pa alam kung ano ang nangyayari pero kailangan mo munang harapin ang nasa board room kasi inip na inip na siya! Pinagbantaan niya na kami na ipupull out niya ang ibang shares niya sa Trifecta oras na di ka haharap sa kanila."

Napatiim-bagang ako. Tinanguan ko si Al at sabay kaming pumasok sa board room.  Sa amin agad ang tingin ng lahat ng nasa loob. Hindi ko sila nilingon at dumiretso ako ng upo sa aking pwesto. Pagkaupo ko ay agad nagtama ang mga mata namin ng babaeng nasa kabilang dulo ng mesa. Malalim ang titig niya sakin pero di ko nagugustuhan ang paraan ng titig niya.

Sa karanasan ko simula nang makilala ko si Reina ay natutunan ko ang kahulugan ng iba't-ibang titig ng tao. Ang isang to ay pamilyar na titig na ilang beses ko nang nakita. Titig ng isang mapagpanggap. Napangisi ako dahil sa naisip.

Tumikhim si Al at dun ko lang napansin ang tensyon na namamagitan sa amin ng isa pang Ms. Mcleod.

"Finally, you showed up Mr. Chairman. Glad to see your handsome face." aniya ni Ms. McLeod na may mapang-akit na ngiti sa labi.

"Let's start discussing the things we need to settle." pormal kong saad. Unang nagsalita si Anton hanggang sa nagsunod sunod na ang aming diskusyon.

Napapansin ko ang titig sakin ni Ms. McLeod pero hindi ko siya tinatapunan ng tingin.

"No. I don't like that."

"Seriously, that's so nonsense and cheap."

"Are you really using your head?! Estupida!"

"You should put my name in the front page. I want my name be the highlight."

"No. My idea is better than that. That's hopeless."

"Excuse me?! Don't talk to me unless when I told you so!"

Napatingin ako kay Ms. McLeod halos lamunin niya na kami dito sa loob ng board room sa lakas ng boses niya. Gusto niya na ang suggestions niya ang laging susundin.

REIGNED (S.E. Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon