14. BRAVE

323 19 1
                                    

Chapter 14: BRAVE
Enjoy reading!

ZYNC

Muntik na akong makabitaw nang biglang nag-ingay na naman ang mga kampana. Napalunok ako dahil sumasakit ang eardrums ko. Balak ba nilang gawing bingi ang magiging hari nila? Leche!

Naramdaman ko ang pagtama ng kung ano bagay sa likod ko. Pinilit kong nilingon ito at nakita ang taling umuugoy tungo sa direksyon ko.

Kung sino man iyang nasa baba. Mahahalikan ko siya sa kabutihang loob niya. Labyu na talaga. Ang galing ng timing niya ah.

Nang makuha ang timing ng galaw ng tali ay mabilis kong hinuli ang tali. Makapal naman pala ito, siguro kaya nito ang bigat ko.

Hindi na ako nagdalawang isip na ibigay lahat ng bigat ko sa tali. Mas lalong nag-ingay ang kampana. Wala na sila sa tono, sigurado akong nagtataka na ang mga tao dahil sa ingay na ginagawa ko.

Napaigik ako nang malakas akong naiduyan at tumama pa ang likod ko sa semento. Intact pa naman siguro spinal column ko.

Nanginginig pa rin ang kalamnan ko habang unti-unti akong nagpadausdos pababa. Nakuha ko na sana ang tamang pagbaba gamit ang tali nang makahawak ako ng madulas na parte at hindi ko na napigilan ang mabilis kong pagbulusok pababa. Ang init-init ng mga palad ko!

Tapos malakas na umugoy ang tali at mas lalong nag-ingay ang kampana. Leche! Naramdaman ko ang pwersa sa baba kaya alam kong may taong pinagkakatuwaan ako!

"Damn! Stop it! I'll kill you!" sigaw ko nang muli tumama ang likod ko sa semento. Badtrip!

Nasa kalahati na ako nang biglang tumigil ang pagdausdos ko dahil hindi na madulos. Ramdam ko na ang pagkakalapnos ng palad ko pero mahigpit pa rin ang kapit ko. Natigil na rin ang pagduyan ng tali ng kung sino'ng siraulong sinasabotahe ako.

Mabagal akong bumaba. Tumutulo na ang luha ko dahil sa sakit ng mga palad ko.

Napahiga ako sa semento nang magawa kong makababa. Dinipa ang dalawang braso ko dahil sa pananakit. Tama nga ako, hindi talaga magiging madali ang lahat. Halos hindi ko maigalaw ang dalawang braso ko dahil sa pamimigat tapos sobrang sakit ng mga palad ko. Sinipat ko ang mga ito at lapnos sila. Shit. Ang sakit. Namamanhid ang mga ito.

"Isa't-kalahating oras na lang."

May nagsalita sa gilid ko at nakita ko roon ang isang pamilyar na lalaki pero hindi ko matukoy kung sino siya. Naningkit ang mga mata ko.

"Sino ka?" hindi siya sumagot, tinitigan niya lang ako. "Ikaw ba ang sumasabotahe sa akin?!" inis kong singhal.

Kumibit-balikat lang siya saka lumingon sa may pinto. May nakita akong lalaking tumatakbo habang tumatawa palayo.

Napamura ako at tumayo para habulin ang lecheng 'yon.

"Huwag ka nang magsayang ng oras. Hindi mo pa natatapos ng challenge." saad ulit ng lalaki kaya napabuntong hininga ako. Saglit ko siyang nilingon pero nakakatitig pa rin siya sa akin nang walang emosyon.

Walang salitang iniwan ko siya at tumakbo pabalik ng Cathard Castle. Nagkagulatan pa kami ng ilang kawal paglikod ko sa pasilyo. Muntik na nila akong tutukan ng espada kung hindi lang nila ako namukhaan agad.

Phew.

"Uy Zyncoy! Kamusta?" bati ni Cronica nang makasalubong ko siya. Hindi ko siya pinansin at tumakbo lang ako tungo sa elevator.

"Excuse me." wika ko sa mga kawal na nakatayo sa harap ng elevator. Tinitigan lang nila ako. "Gagamit ako." tinuro ko ang elevator pero wala pa rin sila imik. Bigla rin nilang pinagkrus ang hawak na spear.

REIGNED (S.E. Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon