Chapter 15: SUSPICION
Enjoy reading!ZYNC
"Nakakahiya ka! Pinahiya mo ako! Proud na proud pa naman ako sa iyo! Pinagmayabang ko pa na alaga kita."
"Shut up!"
Sinirangan ko ng tingin si Cronica. Kanina pa 'to. Binulabog ang pamamahinga ko para lang sa walang kuwentang sintimyento niya.
OA siyang suminghap, nanlalaki pa ang mga mata, "Naririnig mo ba ang sarili mo?! How dare you to command me to shut up?! Pinagmalaki ko pang ikaw ang pinakamakisig sa lahat tapos ano? Sisigaw ka lang ng Mammeeeeh?!"
"Paki mo ba?"
Nagtalukbong ako ng kumot.
"May pakialam ako, Zyncoy! Advisor mo ako!"
Padabog akong bumangon at sinamaan siya ng tingin.
"Tumahimik ka na nga! Give me some peace. Hindi pa ako nakakapaghinga. Pagod na pagod ang katawan ko! Stop nagging!"
"Zyncoy ah--"
"Ano ang ginawa mo kaninang madaling araw?" putol ko sa sinasabi niya. Natahimik naman siya. Seryoso ang mukhang hinarap ko siya.
"Nakita kita kanina. Ano ang ginagawa mo? What are you up to?" nagdududang usisa ko.
Ngumiwi naman siya, "Naglakadlakad lang." nagsalubong ang mga kilay niya at dinuro ako, "At bakit ka lumabas ha?! Paano kung may nangyaring masama sa iyo?! Nag-iisip ka ba?!"
Mangyaring masama sa akin? Hmm.
"Bakit? May mangyayaring masama ba sa akin sa labas ng gano'ng oras?"
Kumibot-kibot ang labi niya, "Paano kung mapagkakamalan kang magnanakaw at bigla ka na lang tirahin ng mga kawal?"
Inirapan ko siya, "Huwag mo ngang ilayo ang usapan! Ano ang ginagawa mo sa labas kaninang madaling araw ha?! Nakita kitang tumakbo! Huwag kang magkaila!"
Dahil hindi na talaga kami puwedeng pagsamahin ni Cronica sa isang larawan kung kaya ay ako na lang ang umiwas. Napakawalanghiya talagang babae.
Pagod na pagod ako dahil nangyari sa first challenge pero hindi man lang ako binigyan ng pagkakataong makabawi ng lakas. Nakakainis. Sarap kalmutin.
Hindi ko pa nagagawang libutin ang buong palasyo, masyadong malaki at malapad. Siguro nasa 1/4 pa lang ang nararating ko. Tinungo ko ang likutan ng KTower.
Naalala ko ang napakagandang tanawin noong nasa taas ako ng tore ni Mommy. Nang marating ko ang pakay ay napanganga Ako. Sobrang ganda ng manmade lake lagoon!
Napangiti ako. Mahihilig talaga ang mga Clementin sa lake lagoon. Naalala ko ang kawangis nito sa Laroa University.
Naghanap ako nang maaari kong pahingahan. Gaya ng napapansin ko. Masyadong tahimik ang paligid ng palasyo. Hapon pa naman pero parang walang tao sa palagid. Bawal ba ang mga pakalat-kalat dito?
I found a big tree near the lake lagoon and climbed up on it immediately. I settled myself on the big branch and decided to doze off.
But, minutes later I was interrupted with a rustle sound. Pinakiramdaman ko ang paligid. Narinig ko ang magagaang mga yabag sa paligid.
Umakyat pa ako sa mas mataas na parte ng puno nang walang ingay. Sumilip ko sa kung saan nanggagaling ang ingay.
Nakita ko isang lalaking naglalakad galing sa gubat. Papunta sa direksyon ko. Pinanood ko siyang hanggang sa nakilala ko ito.
BINABASA MO ANG
REIGNED (S.E. Book 3)
ActionReina and Zync. ** Started: February 2018 Finished: January 6, 2021