35. BERMOND FAMIGLIA

211 20 7
                                    

Chapter 35: BERMOND FAMIGLIA
Enjoy reading!

TARI

"Tamara!" sigaw ko saka nagmamadaling tumakbo tungo sa kanya.

Nakangisi ngayon ang maganda kong kapatid na nakapatong pa rin sa balikat ang bazooka.

"Ate." tipid niyang bati.

Niyakap ko siya nang mahigpit. Hindi ko napigilan, napaiyak ako. Naramdaman ko ang paggalaw niya at ang pagyakap ng dalawang kamay niya pabalik sa akin.

Hinaplos niya ang ulo ko.

"Just let it all out." masuyong aniya. Mas lalo akong napahagulgol.

Aside from Reina, Tamara has been there for me. At ni minsan ay hindi niya ako sinumbatan sa mga nagawa ko noon. Tinanggap niya ako sa kung ano at sino ko pati na ang mga kasalanan ko.

"Tamara, our grandfather is gone. I wasn't able to save him."

Sinisisi ko ang sarili ko sa pagkawala niya. Nang dahil sa akin ay nagkagulo ang lahat. Hinayaan kong gamitin ako ni Allaine. Naniwala ako sa mga kasinungalingan niya.

Kasalanan ko kung bakit nagkaganito ang lahat. Hindi ito ang aming plano. Sinira ko ang plano ng kakambal ko.

I failed our grandfather.
I failed our mother who sacrificed herself for me.
I failed those who chose to sacrifice themselves for the greater good.
I failed my kingdom and my people.
I failed Tamara and Tattiana.
I failed Katareina Zavina.
I failed my crown and throne.
I failed the name Queen Katarina Zenkiah Clementin.

Do I really deserve this name?

I promised them to save everyone in this kingdom but instead, I was the reason why the war had started.

I failed being Katarina Zenkiah.

Kung si Ate Reina lang nandito ngayon sa kinatatayuan ko, sigurado akong maayos ang lahat. Hindi nawasak ang mga kastilyo, walang digmaan at walang mamamatay.

"D-dahil sa akin, namatay siya. Naging pabaya ako. Masyado akong nagpadala kay Allaine."

"Sssh. Don't blame yourself. I heard that he died smiling while sitting on his throne with his crown on his head. He left us with a confident heart that we will win this fight. Don't fail him, Ate Katarina. Gather yourself together and we have some horns of the demon to get rid."

Ilang minuto kaming nagyakapan. After fixing myself, I looked at my not so little sister.

She's wearing a black dress, black stilleto, black choker with a diamond in the middle, and a pair of black gloves while her long black hair was neatly settled on her back.

Napangisi ako. My Mafia Boss sister is really something.

Napatingin ako sa likod niya at gaya ni Cronica ay hindi rin mabilang ang mga tauhang naghihintay ng untos.

Napanganga pa ako nang makitang naka-dress na itim ang lahat ng mga babae at pawang armado. Habang ang mga lalaki naman ay naka-black suit. Napansin ko ang lahat sa kanila ay may suot na agaw pansin na kuwintas. Ang Bermond Famiglia insignia nila.

Yes, our back up had arrived. The Yin and Yang of the underground society na ngayon ay tinatawag na Stealth Capitolium.

Lava Forces and Bermond Famiglia.

This is quite a scene.

Minsan lang magpagsing-abot ang dalawang grupong ito. Sa pagkakaalam ko, ang LF at BF ang nagbabalanse sa SC.

REIGNED (S.E. Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon