33. YZLA KLEMENTINI

198 21 9
                                    

Chapter 33: YZLA KLEMENTINI
Enjoy reading!

REINA

[3 months ago from the present time. Continuation of Reina's flashback.]

Nang dahil sa kakaibang nangyari ay ginustong samahan ako ni Cronica sa biyahe. Siya na nagmaneho ng kotse.

"Akala ko nasa Eritrea pa kayo." I said.

She laughed, "Nauna na ako rito. Tagal kasi no'ng private plane na sinakyan nila Zync, so I used my private jet. Nalaman ko kasing aalis ka ng mainland. I want to take you personally to the island."

Napangiti naman ako. Kahit kakaiba ang mga pananaw ni Cronica sa buhay ay lagi naman siyang handa na tulungan ako.

Ayaw ko pa sana talagang umalis sa palasyo. Gusto kong kahit sandali ay masilayan ang mukha ng asawa ko kahit hindi ako makalapit, basta makita ko lang si Zync. Kaso hindi na nila ako pinayagan.

Miss na miss ko na si Zync. Alam kong masama ang loob niya dahil iniwan ko na naman siya nang walang paalam. Hindi na ako nagpaalam sa kanya kasi sigurado akong marami siyang magiging tanong, mauungkat ang tinatago ko sa kanya.

As much as possible ay ayaw ko siyang madamay pero gano'n pa rin pala. Kahit ano'ng gawin kong iiwas siya sa gulo ng kaharian, masasangkot pa rin siya.

I want to ask Cronica about him pero mas mabuting huwag na lang kasi mas bibigat ang loob ko.

"Thank you, CL."

Ngumuso siya, "Sus, may bayad 'to 'no. Hahahaha. Alam mo naman kung ano ang gusto ko."

Natawa ako. Same old, Cronica Lava McLeod, same old.

"Clementin Blood Crown." sambit ko sa tinutukoy niya. Nagningning ang mga mata niya.

"Nakuha mo!" malakas niya pang hinampas ang manibela.

"It's in the island. You can have it."

"Gano'n-gano'n lang?" Mukha siyang dismayado.

"Yeah? Why?"

"Walang challenge? Magpakipot ka naman. Like, pahukayin mo ako? Pahirapan gano'n."

Napangisi ako.

"Ibibigay ko na nga sa 'yo iyon. Why would I let you waste your time in digging when I can give it to you directly?"

"Ugh. No fun."

Clementin Blood Crown is the father of all crowns worn by Clementin Kings since ancient time. Ito ang unang korona ng unang hari ng kaharian.

Many years ago, itinago ang korona sa private island na pagmamay-ari ng mga Clementin. Hindi na iyon ginamit pa ng mga sumunod na hari.

It is more than 500 years old.

Yes, Clementin royals had been ruling Slovenia since ancient time. Before our kingdom was called Yugoslavia. It was 1520 when King Masisimo Clementin reigned as the first King of the Kingdom of Yugoslavia.

When Yugoslavia split up into 6 countries due to some conflicts hundred years ago, Clementin family decided to rule the territory of Slovenia. That's when the Clementin Blood Crown was kept as our family's royalty treasure.

"Why are you giving it to me by the way? Napakaimportante ng koronang 'yon. Aside from being an ancient artifact, it holds the symbolism of the ancient kingdom of the Yugoslavia."

"You are Cronica Lava McLeod." sagot ko.

"Huh? What?"

"Because you are you. That's why I am entrusting you that precious crown."

REIGNED (S.E. Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon