Chapter 31: KING MAKER - ANG TUNAY NA KALABAN
Enjoy reading!ZYNC
Kanina ko pa pinagmamasdan si Gylord. Mukhang siyang constipated. Hindi mapakali sa inuupuan habang kinakalikot ang mga gadgets niya.
I sighed.
We are now camping here in a cave near the cliff. Dapat ay aalis na kami gamit ang speed boat nang biglang lumakas ang hangin kasunod ang malakas na ulan.
Kung mamalasin nga naman inabutan kami ng bagyo. Wala kaming nagawa kung hindi ay maghanap ng lugar na masisilungan.
"Ano ba?! Para kang kiti-kiti riyan! Problema mo?" bulalas ni Sia pagkatapos niyang batuhin si Gylord.
Nagkamot naman ng ulo ang lalaki.
"May problema ba, hijo?" Dad asked.
Napabuga ng hangin si Gylord saka kami tiningnan.
"I think something wrong is happening..." aniya na parang tuliro.
"What is that?" I asked. He looked at me.
"Kanina ko pa kino-contact sila Queen Katarina pero putol na ang connection. Wala nang internet connection na masasagap sa buong bansa o kahit na ano'ng satellite signal. Wala na. Hindi ako makahanap ni isa. May nadedetect na signal pero malayo na, sa ibang bansa na."
Natahimik kami. Nagkatinginan kami ni Dad. Nilukob ako ng kaba.
May nangyayari bang hindi maganda ngayon sa kaharian? Sana naman maayos lang ang lahat. Baka may system glitch lang ang mga gadgets ni Gylord.
"Sigurado ka ba riyan?" ani Sia saka mula sa bag niya ay nilabas niya ang bitbit ang isang tablet.
"Subukan mo ulit maghanap, Gylord. Baka magawan mo ng paraan." saad ko. Tumango naman siya saka muling nagkalikot.
Alam kong hi-tech ang mga gamit niya, he even has a super computer na sila mismong dalawa ni Mommy ang gumawa. Maya-maya pa ay naglabas siya ng mga piyesa saka gumawa ng antenna. Nagpaikot-ikot siya rito sa loob ng kweba hanggang sa umabot na siya labas. Basang-basa na siya.
"Gylord, come here. Look, try this one. I'm connected with one of the satellites owned by Cronica's private org. Let's see if this would be compatible with what you have there."
Nagkaroon na sila ng sariling mundo na dalawa.
"Kung ano man ang nangyayari roon ngayon, sigurado akong kakayanin nila." ani Dad na nakatingin sa labas. Hindi ko makita ang reaksyon sa mukha niya.
Tumango ako, "I agree. Marami na tayong napagdaanan para makaabot sa puntong ito. Matatapos din ito."
Dad sighed, "I need to tell you something."
Bigla akong nagkaroon ng interes sa sinaad ni Dad.
"What is it, Dad?"
"It's about Allaine."
Natigilan ako. "Allaine?"
Tumango siya, "Yes. Your ex-girlfriend."
"What about her, Dad?"
Tiningnan niya ako sa mga mata, bakas doon ang takot sa mga mata ng ama ko.
"Hindi si Flynn ang dapat nating katakutan."
Napakurap ako, "Y-you mean we should be afraid of Allaine instead?"
Mapait siyang ngumiti saka tumango.
"Psh. Pinakatraydor sa lahat ng traydor ang babaeng minsan mo nang minahal, Zync." singit ni Sia na nakikinig pala sa amin. Busy pa rin silang dalawa ni Gylord. Saglit niya akong tiningnan.
BINABASA MO ANG
REIGNED (S.E. Book 3)
ActionReina and Zync. ** Started: February 2018 Finished: January 6, 2021