Chapter 34: LAVA FORCES
Enjoy reading!REINA
Nagising ako dahil sa paghilab ng tiyan ko. I struggled helping myself to sit up. Kabuwanan ko na ngayon. Namamaga na ang mga binti at paa ko. Maya't-maya rin ang paghilab ng tiyan ko at hindi na gano'n kalikot ang bata sa loob ko.
Hinuha ko ay ni ano'ng oras ay lalabas na siya. Wala naman akong dapat ipag-alala dahil handa na ang lahat para sa panganganak ko. Kumpleto na ang mga gamit. Si Morry ang magpapa-anak sa akin.
We still don't know what's the child's gender. I want it to be a surprise.
Napabuga ako ng hangin nang sa wakas ay nakaupo ako.
"Zync?"
Wala na siya sa tabi ko. Buong magdamag siyang parang tuko kung makayakap sa akin tapos magigising akong wala na siya sa tabi ko.
Napangiti ako. Noon ay lagi ako ang unang nagigising sa aming dalawa. Mukhang hinubog na talaga siya sa mga naranasan niya sa nakalipas na buwan.
Maraming nagbago sa kanya pero siya pa rin ang Zync na minahal ko noon. Our love for each other is still the same and it's even getting stronger.
I missed my other kids so much. Sobrang tagal na naman akong nawalay sa kanila. Gustong-gusto ko na silang makasama. Sana matapos na ito. Ayaw kong makagisnan ng mga bata ang ganitong kagulong mundo.
Napatingin ako kay Bessy nang mapadaan siya sa harapan ko. Nilingon pa ako nito bago gumapang palabas ng bintana. I chuckled. Kakaibang alaga ni Zync.
Kahapon ay muntik na itong mapatay ni Morry dahil sa takot. Mabuti na lang ay nakilala ni Sia ang ahas na alaga raw ni Zync. Pinakawalan niya kasi ito sa gubat pagkarating nila sa isla limang araw na ang nakakalipas.
Akala niya ay maghahanap na ito ng bagong tirahan ngunit bigla itong nagpakita sa sala ng mansion kahapon. Nakakamangha nang makita nito si Zync ay agad itong gumapang papalapit sa kanya at pumulupot sa braso niya ang maamong cobra. Kagabi rito rin siya natulog, sa couch ng aming kwarto.
Pinakiramdaman ko ang sarili, nawala na rin ang paghilab. Dahan-dahan akong pumunta sa banyo para maglinis ng katawan.
Nang matapos ako ay lumabas na ako at pumunta sa kusina.
"Where are they?"
Ni isa sa kanila ay wala akong makita. Natuwa ako nang makita ang nakahandang fresh strawberry juice at egg sandwich with lettuce sa mesa. Morry never failed to prepare this every morning. Mas maaga kasi siyang gumigising kaysa sa akin kaya siya ang naghahanda ng almusal namin habang ako naman ay lunch at dinner.
While munching my breakfast, I saw a letter beside the tray.
'Good morning, mi amore. Morry told me about your fondness on strawberry, egg and lettuce. I personally prepared this for you. I am glad that I am able to see you with our child in your womb. How I wish to wake up seeing you in that glorified beauty and God is so good that He gave me this chance na maalagaan kita at mapagsilbihan habang dala-dala mo ang anak natin. I love you, my Cherié. You are so beautiful.'
Tumulo ang luha ko dahil sa nabasa.
My sky. Noong hindi pa kami nagkakasama. Lagi akong nakatanaw sa kalangitan. Kapag ginagawa ko iyon ay pakiramdam ko kasama ko si Zync. He has been my sky ever since, I first met him.
Itinupi ko ito at nilagay sa bulsa ng maternity dress ko. Hinaplos ko ang aking tiyan nang muli itong humilab. Pinakiramdaman ko ang sarili.
"Lalabas ka na ba, anak?" naibulong ko na lang. Ngunit maya-maya ay nawala rin naman.
BINABASA MO ANG
REIGNED (S.E. Book 3)
ActionReina and Zync. ** Started: February 2018 Finished: January 6, 2021