Hae Min's POV
".....Lamo friend.... hikkk! Parang gusto ko na ngang sumuko nalang eh ....hikk! Look at me, I'm a total loserrrr. Sa edad kong 'to, dapat married na ako at may anak na inaalagaan just like Zia. But nooo. ...hikk! Andito ako sa club mo while I drown on my stupid sorrows in life.... hikk!"
Eto na naman yung pinakaayaw kong trip kapag nalalasing ako. Ang magdrama at magself pity.
Isa lang naman palagi ang pinagdadrama ko.
Yan ay yung pakiramdam ko, napagiiwanan na ako.
Though I'm only 23 years old, gusto ko na makasettle down and have a family of my own. Siguro dahil sabik akong makaranas magkaroon ng pamilya kaya ganito nalang ang frustrations ko.
My parents divorced when I was 8 years old. Kahit magkahiwalay na sila, hindi naman nila pinabayaan kaming magkapatid financially.
May isa akong ate ngunit hindi rin kami magkasamang lumaki. She stayed at my aunt's place at ako nama'y sa lola namin. And for no reason, she hates seeing me.
Last time ata kami nagkita was when I visited our aunt and it wasn't a pleasant reunion. Halos itaboy ako nito at kung ano-ano pinagsasabi sakin.
The only person I can say na pamilya ko is my best friend Zia.
I met her in New York and we were roommates at our dorm. I took up a course on perfumery and she was a fashion designer student.
Agad nagclick ang ugali at mga hilig namin. And from there, our friendship grew strong as we get older. We went on our separate ways nang makagraduate kami. Bumalik ako dito sa Seoul and started my own perfume business. At si Zia naman, nagtayo rin ng sarili niyang boutique sa New York.
But after a fews years, kinailangan manirahan ni Zia dito sa Seoul dahil gusto niyang takasan ang pilit dito pinapakasal noon ng magulang niya sa kanya. I helped her find a house and well, that's a different story. (a/n: I suggest basahin niyo yung 'Don't Fall Inlove With A Bad Guy para makarelate kay Zia)
Three years ago, nagpasama si Zia sa akin sa Club Xordium upang kausapin ang owner nito na kaibigan ng boyfriend niya.
At dun ko unang nakilala itong si Sehun, the owner of Club Xordium and a member of EXO group.
Unang kita ko palang sa kanya, sobrang namangha at nabighani na ako sa angking kagwapuhan nito. His perfectly built body, tall height, flawless skin and handsome face really caught my attention.
Right then and there, nagkagusto na agad ako sa kanya. And the devil in me wanted to do everything just so I can own him.
Sinimulan ko magpakita ng interes sa kanya, pero di naman bulgaran as in 'Hoy Sehun gusto kita'. Tamang friendly lang ako. Madalas ako magpunta sa Xordium para makakwentuhan ito at unti-unti ko siyang nakilala.
Sehun has a funny, sweet and caring personality. Hindi mahirap makipagclose dito. Ma-chika ito at palabiro. Yun lang minsan bastos magsalita, pero alam ko naman di siya pervert, sadyang ganun lang talaga bibig nito.
To my dismay, natuklasan ko isang araw na hindi pala siya straight guy. Meaning, he's gay!
Yes. Confirmed ko na bakla si Sese nang minsan pumunta ako sa opisina nito dito sa Xordium at masaksihan ang hindi dapat.
*flashback*
(3 years ago)Papasok na sana ako sa loob ng office ni Sehun nang may marinig akong nagtatalo.
BINABASA MO ANG
EXO Files #2: Sehun <Mistaken Identity>
FanfictionA/N: This story contains matured languages and scenes not suitable for very young readers. Though It's not too much and I censored some words. Please don't copy any content of my story as PLAGIARISM IS A CRIME. Also might I suggest if you read first...