4

1.4K 22 7
                                    

Hae Min's POV

I couldn't believe Sese actually managed to set me up on a date with Kai!

Pagkasabi ni Sese sa akin ng 'good news', hindi na ako nagsayang ng oras at agad nagtungo sa boutique ni Zia para mamili ng damit na susuotin ko on saturday.

Para akong lutang at wala sa sariling nagdrive papuntang Zia's Closet. All throughout the ride, my mind was clouded by the fact that I will be on a date with Kai.

Nang makilala ko si Sehun, I did my research about him and the kpop group he belongs to, EXO. Nung di ko pa alam na gay si Sese, at crush ko pa siya noon, sa kanya lang nakatuon ang aking pansin. I started watching their music videos, reality shows and interviews online. But when he broke my heart after knowing he's gay, my eyes went to a different direction.

And it was Kai who got my attention among the other members. He's extremely good looking and the way he dance is mind-blowing. I just adored everything about him since then.

Pero dahil selfish at may sapi tong si Sese, umabot na ng ilang taon na hindi manlang ako nito mapakilala sa ultimate crush ko. Kainis diba?!

If I know, baka may gusto lang siya kay Kai kaya ayaw niya ako ipakilala.

But thank goodness nadinig na ang dasal kong buksan ang isip ng bading kong kaibigan at wag maging madamot sa lalaki. Finally tinulungan rin niya ako maka-date ang crush ko. Ayieeee!

I arrived at Zia's Closet after 15 minutes. Pinark ko sa gilid ng boutique ang aking sasakyan at dali-daling pumasok sa loob.

"Hi! Is Zia around?" tanong ko sa sumalubong sakin na staff.

"Yes ma'am Hae Min, nasa office po siya." sabi nito and she gestured her hand to show me the way.

Tumango ako dito at sumunod sa kanya hanggang sa office ni Z.

Laking gulat naman ng best friend ko nang makita ako. May 5 months na ata kami hindi nagkikita or more.

"Girrrlllll!!!"

"Ano naaa?"

"Kamusta ka na?"

"Eto maganda pa rin."

"Hahaha!"

"Namiss kita sobra!"

"Ako rin girl, namiss kita!"

Mga ilang minuto rin kami nagchikahan ni Zia. Masaya itong nagkwento sa buhay niya with Se Ju and her baby girl Gin. Things are going great with her husband's company and her successful business too. Also, she's two months pregnant.

Alam ko hindi dapat, pero inggit na inggit ako sa buhay ng best friend ko ngayon. How I wish matagpuan ko rin ang lalakeng para sakin at makabuo ng pamilya ko.

I told Zia about my date on saturday with Kai. Tuwang tuwa siya dahil alam ni Z na matagal ko ng gusto ito.

"Wow... We have to find you a perfect dress! Mas ok sana kung gawan kita ng dress, kaso kapos tayo sa araw. So, are you ready for dress hunting with my ready made outfits outside?" she excitedly asked.

"Iwas born ready. Let's go girl!"

It took us 2 hours to decide kung ano isusuot ko sa date namin ni Kai. My heart is crushed between a black off shoulder dress or the white ruffled silk dress.

In the end, I chose the black off shoulder dress since yung date naman namin sa saturday would be in Xordium. Yep. Dun lang daw muna kami ni Kai magdate sabi ni Sehun. Kung sakali may susunod pang dates, bahala na raw ako.

So I still bought the other dress in case meron pang kasunod. I have to be prepared, you'll never know what might happen next.

(...Saturday night; Club Xordium)

Kabadong kabado akong naglakad papasok ng Xordium. I felt butterflies in my stomach and my pulse is racing.

"Ano ka ba Hae Min, kalma lang... date lang to... date lang to..." sabi ko sa sarili nang nasa loob na ako ng club. Huminto sandali at inadjust ang garter ng bra ko sa gilid ng dress.

Madilim naman na sa loob ng Xordium kaya wapakels akong nag-aayos for one last time bago umakyat sa taas.

"Makisama ka naman bra juskooo! Oo naiintindihan ko wala kang makapitan pero please lang wag kang malalaglag. Kapit lang hah..." kausap ang aking bra. Wrong move to wear this, I should've used the other one.

Pag-akyat ko sa VIP Lounge, andun na si Kai nakaupo mag-isa.

Hay salamat naman at walang third wheel. Pinapangamba ko pa naman kagabi na baka umepal tong si Sese sa date namin ni Kai at wala manlang kami privacy.

Ang bait talaga sobra ni bakla!!

I'll thank him later talaga.

Nang makalapit ako sa table,

"Hi Kai..." nahihiya kong tawag sa pangalan niya.

He was surprised seeing me but he immediately stood up and gestured a handshake, which I obliged gracefully.

"Hi! You're Hae Min, right?" he asked while still holding my hand.

"Yup." nakangiti kong tugon.

"Have a seat... pasensya na ang gulo ng table hahaha." natatawang wika nito.

Nabaling ang aking atensyon sa mga baso at alak na nagkalat sa lamesa pagkaupo ko. Hmm.. I should call the waiter para linisin to. Eto naman si Sehun hindi man lang pinalinis dito bago kami dumating. Nakakahiya tuloy kay Kai.

"Ok lang, patawag nalang ako ng wai-----" naputol ang sasabihin ko nang may biglang nagsalita.

"Bakit umakyat ka agad? Baduy mo naman! Ang saya kaya sa dance floor!"

"Kaya nga ewan ko ba diyan!"

Napabalikwas ako sa upuan nang lingunin kung sino ang mga maingay na nagsasalita.

Mayyygawwwdddd!!

Anong ginagawa ng mga myembro ng EXO dito?

"Hi Hae Min! What's up?" sabi ni Baekhyun sabay upo sa isang silya. Ganun rin ang ginawa ng iba nilang kasama.

"Hey Hae Min."

"Kanina ka pa?"

"Hello...." mahina kong sagot.

"Asan ba to si Sehun?"

"Order pa tayo ng alak pre."

"Balik tayo agad sa dance flooor."

Habang maingay silang nagdadaldalan, unti-unti nang kumukulo ang dugo ko sa inis at galit. Pangiti-ngiti lang ako sa mga 'to pero ang tumatakbo sa utak ko eh kung paano gigilitan sa leeg si Sehun.

Hayop na baklang yun!

Ang sabi ko date with Kai...

Hindi buong baranggay!!!

EXO Files #2: Sehun <Mistaken Identity>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon