Sehun's POV
"Hay nako Sese tigil-tigilan mo ako diyan sa mga dahilan mo ah. Walang aalis! Magbantay ka kay Minse! Hindi ako matatapos sa paglilinis ng buong bahay kung di pati si Minse ako rin mag-aalaga."
"Dali na Min-Min koooo... Promise, ako mamayang gabi." pakiusap ko sa aking napakasungit pero magandang asawa.
"Heh! Aanak anak ka tapos di mo maalagaan? Di ka na binata Sese ah. Baka ihampas ko sayo 'tong lampshade pag di ka pa tumigil diyan sa pag-iinarte mo." matalim na ang mga tingin ni Min-Min sakin.
"Sabi ko nga eh, mag-aalaga ako kay baby Minse." Alam kong hindi ito nagbibiro kaya mabilis pa sa alas kwatro akong tumayo sa sofa at tinungo ang crib ni Minse.
"Sungit talaga ng eomma mo, Minse. Hmpp..." sabi ko sa aming 10 months na anak habang karga ito. Linakasan ko ang aking pagkakasabi para marinig ni Min-Min.
"Ano?! Ako pa masungit?" nag-angat ito ng tingin samin ni Minse at huminto sa pagpupunas ng side table sa sala.
"Luh... Wala akong sinabi ah..." iwas tingin ako sa kanya. Naupo kami ni Minse sa sofa at sa kanya tinuon ang aking pansin. "Appa... Ap-pa...? Say it baby, Ap-pa..." patango tango akong tinuturuan si Minse magsalita. Ngunit sinuklian lang ako nito ng napaka-cute na mga hagikgik.
"Maniwala ka, 'Eomma' unang sasabihin ni Minse." pagmamalaki ni Min-Min.
"Hindi noh... Minse, say 'Ap-pa'... Cmon baby girl, Ap-pa.." ngunit patuloy lang si baby sa paghagikgik.
Dalawang taon na ang nakalipas mula ng magpakasal kami ni Min-Min at eto nga't si Minse ang naging bunga ng aming pagmamahalan.
Hindi naging madali o perpekto ang pagsasama namin. Maraming pagtatalo na ang naganap sa pagitan namin. Mula sa mga simpleng kulay ng kurtina, ulam na lulutuin maging toothbrush na hindi naibabalik sa dating pwesto pinagtatalunan namin.
Wala naman kasi talagang 'perfect marriage'. It's your choice if you wish to stay strong and grow from mistakes with your partner. Kailangan lang maging faithful at wag masisira ang tiwala sa isa't isa. Ok lang yung magbangayan, pero hindi kami natutulog ng magkaaway. At the end of the day, pinaguusapan namin kung anong naging problema upang sa susunod ay hindi na ito mauulit.
Dahil kapag yun parin ang problemang pinagtalunan niyo sa susunod, problema na nga talaga yun. Ibig lang sabihin, hindi pa kayo natuto nang pagtulan niyo ito nung una. Walang growth, kumbaga nakastuck lang kayo sa pinagtatalunan niyo.
Kaya ako, saglit ko lang sinusubukan kung hanggang saan ang pasensya ni Min-Min. Kapag nakita ko na ang mala-dagger niyang mata, alam ko na. Hindi ako uubra. Hehehe.
Bumalik na nga pala kami dito sa Seoul. Ngunit bago yun, pormal muna akong pinakilala ni Min-Min sa pamilya niya. Nagkaayos narin kami ni salmonella este ni Marco. Ganun din ang mama ni Min-Min. Noong una, tagilid parin ako sa mama nito. Pero nang hingin ko ang permisong pakasalan si Min-Min sa kanila, dito nakita ng mama niya ang sinsero kong intensyon para sa kanilang anak.
Nagpakasal kami sa Florence, Italy dahil ito ang hiling ng pamilya ni Min-Min. Pero pagkauwi namin dito sa Seoul, nagpakasal ulit kami sa pangalawang pagkakataon.
Hindi na tinuloy ni Min-Min ang balak niyang itayo na restaurant sa Florence. Bagkus, dito niya sa Seoul ito itinayo. Binenta niya ang perfume shop kay Haley na siyang tapat na nag-patakbo nito nung nasa Italy si Min-Min. At dito na nga kumuha ng panimula si Min-Min para makapagpatayo ng maliit na Italian Resto. Nagshare din ako syempre, ako pa ba? Hehe.
Hindi kalayuan ang resto dito sa bahay, walking distance lang. May apat siyang staff doon kaya tuwing hapon o gabi nalang siya nagpupunta sa resto. Di rin ito tinatao masyado pero sapat parin ang kita nito. May naitatabi parin kumbaga.
Hindi rin kasi gaaanong marami ang tao dito sa lugar namin, pero ayos lang. Tahimik na buhay ang hangad namin ni Min-Min. Kaya napagdesisyunan namin na ibenta ang aming kanya-kanyang bahay at bumili ng bahay dito sa mas secluded na parte ng Seoul.
Nasa EXO pa rin ako at madalas akong umaalis para sa mga concerts, shows at syempre practices. Maunawain naman si Min-Min pagdating sa larangan ko. Wag lang talaga yung lalarga ako para sa walang saysay, lalo na kung 'General Cleaning Day' niya. Gaya nalang ngayon.
Operating pa rin ang Xordium Club ko until now. Naghire na ako ng manager upang di ko narin kailangang gabi-gabing pumunta doon para lang mag audit ng sales. Mahusay naman ang manager ko kaya tuwing weekends nalang ako nagch-check doon.
Marami ng nangyari sa loob ng dalawang taon. Maraming pagbabago. Pero ang pagmamahal namin ni Min-Min sa isa't isa ang kahit kelan ay hindi magbabago.
(....kinagabihan)
"Min-Min?" tanong ko habang nakahiga kami sa kama at yakap ito sa aking bisig. Masuyo ko itong tinignan at hinintay ang pag-angat ng kanyang mukha sakin.
"Hmm?" pupungas-pungas nitong tanong, halatang inaantok na.
"Min-Min, hindi ka ba nagsisising iniwan mo ang Florence? Di ba't may mga solidong plano ka na noon bago pa tayo magkabalikan?" tanong ko sa kanya na di alam saan ba nanggagaling ang mga ito sa isip ko.
Ngumiti siya bago sumagot, "Hindi."
"Pero andun ang pamilya mo. That's practically your home, Min-Min."
Kumunot ang noo nito at nagtataka akong tinignan. "Tinataboy mo na ba ko para bumalik sa Florence?" may halong inis ang tono ng pananalita niya.
"Hindi ah! Nagtatanong lang ako, Min-Min. Syempre ayokong may dinadamdam ka pala. Tas baka pag namiss mo sila, bigla mo akong layasan at bumalik doon. Ayoko lang mangyari yun syempre." paliwanag ko sa kanya habang hinahaplos ang kanyang buhok.
Kumalma naman rin si Min-Min. Napabuntong hininga pa ito.
"Alam mo Sese, palagi kong namimiss ang pamilya ko sa Florence. Pero hindi ibig sabihin ay lalayasan na kita. This is my home. With you and Minse. You both are my home. At di ko yun hahanapin sa ibang lugar kundi dito lang sainyong dalawa." sinserong wika ni Min-Min.
Yumuko ako para gawaran siya ng halik sa labi. "I love you so much, Min-Min ko..."
"And I love you, Sese ko..."
~~~~~~~~~~THE END~~~~~~~~~~
_______________________________
Author's Note:Hi my dear readers... First off, gusto ko mag apologize kung napakatagal natapos itong story...
I hope you'll accept my sincere apology 😢Maraming maraming salamat sa walang sawa na suporta niyo sa story na ito, lalong lalo na yung mga naging friends ko pa outside wattpad (bellakyeopta and alexakyeopta )..
Sa mga iniiwan niyong comments, pagvote at matyagang pag-antay sa aking slow update.. Thank youuuuu 💜💜💜 Sana nagustuhan niyo hanggang huli ang kwento nila Min-Min at Sese... ☺️
It has been a long journey, and now, their story has ended.
Again, THANK YOU SO MUCHHHHH FOR THE SUPPORT!!!
💜💜💜💜💜💎💎💎💎💎
BINABASA MO ANG
EXO Files #2: Sehun <Mistaken Identity>
FanficA/N: This story contains matured languages and scenes not suitable for very young readers. Though It's not too much and I censored some words. Please don't copy any content of my story as PLAGIARISM IS A CRIME. Also might I suggest if you read first...