24

980 14 0
                                    

Sehun's POV

"Anong ginamit? Masama ba mahulog ang loob ko kay Hae Min? Sa sinasabi mo ngayon, ineexpect mo ba na magpaparaya ako at lalabanan ka ng patas? Wow." inis na sambit ko at panay hinga ng malalim.

"Wala na akong inaasahan pa dahil nirerespeto ko ang desisyon ni Hae Min. Ang point ko lang eh sana sinabi mo sakin dati pa na may gusto ka sa kanya. Nung magdate kami, wala kang pakialam. Lagi tayo magkasama diba? Madaming pagkakataon na pwede mo ako sabihan." mariing wika ni Kai.

I raked my hair up and sighed deeply.

"Magulo pa nararamdaman ko noon."

"Exactly. Anong kasiguraduhang hindi na magulo ang feelings mo ngayon? Are you really sure about her? Paano kung saktan mo lang din siya gaya ng ginawa mo kay Lana?" panunudyo ni Kai.

Palibhasa hindi nila alam ang nangyari samin ni Lana. Ang buong akala nila basta ko nalang hiniwalayan ito. Hindi ko kayang ilahad sa kanila ang katotohanan sa kabila ng ginawa ni Lana. I let them think that she was innocent until the end and I was the one who wronged her.

"Wala kang alam sa nangyari samin noon ni Lana!" nataasan ko na ito ng boses.

"Sorry I shouldn't have said that." aniya sabay lihis nito ng tingin.

"Look, andito ako para mag-apologize. Ayokong magkaron tayo ng gap ng dahil lang sa babae. We've been together for many years. Alam kong mali na hindi kita nasabihan agad. But believe me, if I've felt something for Hae Min before besides being a friend, I would've told you instantly. Kahapon lang nagkalinaw ang lahat saming dalawa. Kung balak kong maglihim, hindi ko na sana sinabi sainyo ang tungkol sa relasyon namin ni Hae Min." dahan-dahan kong paliwanag kay Kai, umaasang maunawaan niya ako.

Ilang segundo rin ang lumipas bago nagsalita si Kai. Marahil inisip nito ang sinabi ko.

"You're right. I shouldn't be too hard on you since ikaw naman talaga mas deserving kay Hae Min. Actually, alam ko naman na may feelings siya para sayo. Siguro hinihintay ko lang na magsabi siya sakin. At gaya mo, ayoko ring magkatampuhan tayo dahil lang kay Hae Min." sinserong wika ni Kai. Lumapit ito sakin sabay umakbay.

"Salamat pre at sorry talaga sa nangyari." sabi ko dito.

"Kalimutan na natin yun. Basta wag mo sasaktan si Hae Min ah."

"Oo naman syempre." nakangiting sagot ko sa kanya.

Pagkatapos namin mag-usap, bumalik na kami sa iba naming kasama at tumulong sa paghahanda ng huling get together namin dito sa Hawaii.

Bandang 8pm na nang magsimula ang kainan at inuman. Sinabihan ko si Min-Min na huwag masyado uminom at baka kung ano na naman ang gawin nito o masabi sa kanila. Nakinig naman ito sa akin kahit alam kong labag sa loob nito.

"Ano pala sabi sayo ni Kai?" tanong ni Min-Min sakin.

"We're in good terms now. I explained everything to him and he understands." I shrugged.

"Hay, salamat naman. Though I feel sad for him. But I know someday, matatagpuan rin niya ang babaeng para sa kanya." she said smiling.

"He will find someone at the right time." I replied.

"Anyways, maya-maya balik na tayo sa hotel ah. Di pa ako tapos mag-impake ng gamit ko." sabi ni Min-Min.

Pabirong kinurot ko ito sa tagiliran at makahulugang ngumiti dito.

"Ikaw ah, if I know gusto mo lang ako masolo."

Pinandilatan naman niya ako ng mata at sumagot,

"Wui! Baka may makarinig sayo siraulo ka talaga. Nako, ako nalang babalik mag-isa sa hotel. Dumito ka nalang at baka ikaw pa maiimpake ko." inis na wika niya.

Yumakap ako agad sa kanya at sinandal ang aking baba sa balikat nito.

"Ikaw naman, joke lang yun. Syempre sasamahan kita at tutulungan mag-impake. Teka, mamimili ba tayo bukas ng pasalubong?"

"Yup. Pero di masyado marami para pwede nalang ihand carry." sagot ni Min-Min.

"Ok sige, sige."

Nang mag-alas dose na ng madaling araw, nagpaalam kami sa aming mga kasama na babalik sa hotel upang mag-impake. Sumabay na samin pabalik sina Kai, D.O at Chen. Habang naglalakad, nabanggit namin sa mga ito na mamimili kami bukas para sa pang pasalubong at inaya sila. They all wanted to join us tomorrow morning on our shopping spree and agreed to meet up by 8am.

"Grabe ang gulo naman ng mga gamit mo Min-Min! Parang di ka babae hahahaha!" natatawang komento ko nang makarating kami sa kanyang kwarto at nagsimulang ayusin ang sabog-sabog na mga gamit nito.

"Heh! Sukatan na ba ngayon ng pagiging babae ang way niya sa pag-aayos ng gamit? Sadyang di ko lang talent ang mag-organize." mataray na wika nito sabay hakot sa mga naka-hanger niyang damit.

"Ahahaha! Talent?! Kelan pa naging talent ang mag-ayos ng gamit?! Hahaha! You're really something Min-Min." halos di ako mautas kakatawa.

"Ayan ang pinto. You're free to go." naniningkit ang mga mata nito sabay turo sa pintuan.

"Alin ba diyan yung pwede na ilagay sa maleta? Alisin ko na tong mga naka-hanger ah, tupiin ko na." kunwari'y di ko ito narinig at nagsimula na akong mag-alis ng hanger sa mga damit nito.

Halos dalawang oras bago natapos ang pag-iimpake ng mga gamit ni Min-Min. Kahit labag sa loob ko, nagpaalam ako dito na babalik na saking kwarto upang masimulan ko din mag-impake.

Sumunod na araw, nagkita-kita kami nila Min-Min at iba pang sasama sa amin mamili. We only had 4 hours to visit the city and shop. Nang matapos kaming lahat sa pamimili, bumalik rin kami agad sa hotel at nagready na para sa aming flight going back to Seoul.

"I will never forget this beautiful island. Dito natapos ang ating pagkakaibigan. Ngunit dito rin nag-umpisa ang pagmamahalan natin." seryosong wika ko habang tinatanaw namin ni Min-Min for the last time ang isla.

EXO Files #2: Sehun <Mistaken Identity>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon