Sehun's POV
"Hyung, sunduin ko lang si Min Min sa dining hall. Ikaw na bahala ah." paalam ko kay Suho bago lumabas ng function hall.
"Yup, don't worry kanina pa kami prepared. Girlfriend mo nalang ang kulang." pagsisigurado ni Suho sakin.
Nagtungo na ako sa dining hall kung saan kami magkikita ni Min Min. Nang nasa dining hall na ako, mabilis na sinuyod ng aking mata ang buong hall ngunit walang Min Min akong nakita.
Ngunit may isang babae akong nakitang kumakaway sa akin na ikinagulat ko.
Si Lana?
Anong ginagawa niya dito?
Tumayo si Lana sa kinauupuan niya at dali-daling naglakad patungo sa direksyon ko. Habang papalapit ito, napansin ko ang reaksyon ng mukha ni Lana na para bang balisa at malungkot.
Bakit kaya? Tsaka of all places, bakit andito siya?
"Sehun? Andito ka rin pala?" nagtatakang natanong ni Lana.
"Umm.. Yeah. Anong ginagawa mo dito?" agarang tanong ko sa kanya.
"May sinundan kasi ako dito sa hotel." mangiyak-ngiyak na wika nito.
"Sino naman? At bakit?"
"It's.... it's my fiancé..."
"O eh bakit sinusundan mo fiancé mo? Hindi ba dapat magkasama kayo?" tanong ko.
"...and Hae Min."
Nanlaki ang mga mata ko nang banggitin nito ang pangalan ni Min Min.
Anong ibig nito sabihin na sinusundan nito ang fiancé niya at si Min Min?
Bakit para akong kinakabahan ng sobra?
"What are you talking about?!!" di maiwasang tumaas ang aking boses.
Hinila ako agad ni Lana sa isang gilid upang wala makarinig sa amin.
"Nakita ko silang dalawa na magkasamang nagcheck in dito sa hotel." saad nito nang kami nalang dalawa ang nakakarinig.
"Anong kasinungalingan yan Lana hah?!!! Wag kang gumagawa ng kwento baka makalimutan kong babae ka!!" gigil na bulalas ko dito.
Siraulong babae na to!
Pati kami ni Min Min balak pa niya sirain???
"No! I'm not lying! Ano ka ba naman Sehun, fiancé ko rin ang pinaguusapan dito. Mahal na mahal ko si Grant. Bakit ako gagawa ng kwento?!" at tuluyan na itong umiyak.
"Huhuhu! Wala naman akong pakialam kahit di ka maniwala sakin! Sobrang sakit lang talaga ng nararamdaman ko ngayon habang iniisip kung ano ginagawa nilang dalawa sa loob ng isa sa mga rooms dito!"
"STOP IT!!! SHUT THE F*CK UP!!!" I yelled at her.
Kalma lang Sehun. T*ng*na, kalma lang.
"Alam mo ba kung saang room sila?! Show me or I won't believe you!" galit na ang boses ko at medyo nanginginig.
"Yes, I know what room. I can take you there. Pero di ko alam kung kaya ko silang makitang dalawa. Huhuhu..." umiiyak na tugon nito.
"You really think I f*cking care about what you feel?!! Wala akong pakialam sa nararamdaman mo! Baka mapatay ko pa yang fiancé mo!!"
Within minutes, Lana lead the way to the room where my girlfriend is staying with Lana's f*ck*ng fiancé.
I started to sigh heavily as I felt extremely anxious. Hindi ko alam kung ano nga ba ang aabutan kong tagpo.
BINABASA MO ANG
EXO Files #2: Sehun <Mistaken Identity>
ФанфикA/N: This story contains matured languages and scenes not suitable for very young readers. Though It's not too much and I censored some words. Please don't copy any content of my story as PLAGIARISM IS A CRIME. Also might I suggest if you read first...