32

805 7 0
                                    

Sehun's POV

"It's my fault... Di ko naman alam na hahantong sa ganito.. huhuhu... Maniwala ka, wala akong intensyon makapatay ng tao... huhuhuhu... Mahal na mahal lang talaga kita Sehun...."

"Mahal? T*ng*nang pagmamahal yan, Lana! Ilang taon na lumipas, di ka pa rin maka-move on?!! Nang dahil dyan sa nakakalason mong pagmamahal, di ka nag-iisip sa masasaktan mong tao! To the point na ipapahamak mo pa ang buhay ni Hae Min?! Napakasama mo!!" singhal ko sa kanya.

"Oo! Sige na! Ako na masama! Linasing ko at drinoga si Hae Min! Ako ang may pakana ng lahat ng to! Aakuin ko na lahat ng kasalanan ko!!!" bulyaw ni Lana.

Hayop talaga sa kademonyohan ang babaeng 'to!!

Akmang sasakalin ko sana ulit ito nang bigla siyang nagsalita muli,

"But as much as it is my fault, meron ka rin kasalanan! Kung pinakinggan mo lang sana ako noon at hindi ka nakipaghiwalay sakin, wala sanang Hae Min na nag-aagaw buhay ngayon! At hindi sana ako mababaliw ng ganito!!" dagdag pa niya.

"Wow hah! Matagal ka ng baliw Lana. Matagal ng may turnilyo yang utak mo kaya huwag mo sakin masisi-sisi tong nangyari sa girlfriend ko!" gigil na sagot ko sa kanya.

Wala na itong nasabi kundi nagtakip na lamang ng kanyang mukha ang umiyak ng umiyak.

"Tandaan mo to Lana. Sa oras na hindi maganda ang maging resulta sa loob kay Hae Min, sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan kung san ka nababagay! At di lang yon, patatanggalan kita ng lisensya bilang doktor. NAIINTINDIHAN MO BA?!" mariin kong binitawan ang mga salitang iyon kay Lana sabay talikod dito at humakbang patungo sa pinto ng Surgery Room.

Akala ko pa naman nagbago na ito. Yun pala, naging mas malala pa siya!

Kung noon nangkakaladkad siya ng babae na pinagkakamalan niyang lumalandi sakin, ngayon, kaya na niyang makapatay nang dahil lang sa lintik na pagmamahal niya!

"S-Sehu-----"

"Please, umalis ka na. Tama na Lana. Pagod na ko makipagtalo pa sayo. Kahit anong gawin mo, di mo na mababalik ang nakaraan. It was your choice to be with Drew before. Hae Min doesn't deserve to suffer from you just to get me back. I gave you a chance na maging civilized tayo sa isa't-isa pero anong ginawa mo? Leave us alone. Patahimikin mo na kami Lana." mahinahon kong sinabi dito.

Wala na talaga akong enerhiya para makipag-away. Magulong magulo ang isipan ko at puno ng pag-aalala kay Hae Min. Gusto ko nalang isipin si Hae Min kung ano na nga ba ang lagay nito sa loob.

Hindi na pinilit pa ni Lana ang pakikipag-usap sakin. Tumayo ito at dahan-dahang naglakad papalayo sa kinatatayuan ko.

Hindi ko talaga akalain na magiging ganito kasama si Lana. She's very far from who she was when I met her. The sweet, smart and innocent girl transformed into someone so evil and cunning.

(...after 1 hour)

Matyaga akong naghintay sa labas ng surgery room. Puno ng pag-aalala at nerbyos ang nararamdaman ko. Wala akong ibang naiisip kundi ang kaligtasan ni Hae Min. Nakalimutan ko pa ngang tawagan sila Suho para sabihan sila sa nangyari. Buti nalang at si Suho na mismo ang tumawag sakin. Habang pinapaliwanag ko kay Suho ang nangyari, sakto namang may isang nurse at doktor na lumabas mula sa surgery room.

"Wait hyung, tawagan kita ulit. Andito na yung doktor." paalam ko kay Suho bago binaba ang tawag sabay lapit agad sa doktor na lumabas.

"Doc, kamusta na po si Hae Min? Mabuti na ba lagay niya? Ano pong nangyari sa kanya?" sunod-sunod kong tanong sa doktor.

"She's intoxicated with drugs and alcohol. We saw cocaine and heroine substances on her blood sample. That's the reason why her pupils were dilated when you brought her here. The good news is, we've surpassed the worst case scenario that could've happen. But we still have to monitor her because I'm suspecting she has arrhythmia." paliwanag ng doktor sakin, na halos di ko maintindihan.

"Arrhyth-- what? Ano yun doc? Akala ko ok na siya? Anong mangyayari kay Hae Min?" naguguluhang tanong ko dito.

"Due to her overdosage of drugs, she developed arrhythmia. Which means she has irregular heart rate. May mga tests pa kaming gagawin sa kanya to confirm this. Don't worry, may treatment and medications naman for arrhythmia."

F*ck Lana!!!

This is all her f*cking fault!!!

"Sige doc, gawin niyo po ang lahat please." pakiusap ko sa doktor.

"Rest assured that we will do our best for the patient.  Anyway, maiwan na muna kita at may titignan pa kong isa pang pasyente sa E.R. She's still unconcious. But in a few hours, magigising rin siya. Pahintay nalang dito at maya-maya lang ililipat na siya sa special care room." huling sabi ng doktor bago ito naglakad papalayo.

I sat down and buried my face on both my palms.

Bakit ba kailangan to mangyari kay Hae Min? Ako nga ba ang dapat sisihin sa lahat ng to? Tama ba si Lana? Kasalanan ko nga ba kung bakit siya naging ganon? Dapat ba hindi ko nalang minahal si Hae Min?

Napalingon ako sa pintuan ng surgery room nang bigla itong bumukas. Tulak-tulak ng dalawang nurse na lalaki ang stretcher kung saan lulan nito si Hae Min na wala paring malay. Agad akong tumayo at lumapit kay Hae Min.

"Min-Min, gumising ka na ha.... Andito na ko Min-Min... Hinding-hindi kita iiwan..." sambit ko habang hinahawi ang buhok nito sa mukha.

I stared at her fragile face as the nurse pushed the stretcher towards the special care room.

"Um, sir paki fill-up ng information ni patient para malagay sa database namin." sabi nung isang nurse nang makapasok na kami sa loob ng special care room. I nodded and took the paper from her.

Habang kinakabitan si Min-Min ng aparato, sinimulan ko ng isulat ang info niya sa papel na iniwan nung nurse.

After two hours of constantly talking to Min-Min's unconcious self, Suho, Kai, Baekhyun, Chanyeol at Yoona came by.

Pagkapasok palang, dire-diretsong lumapit agad si Yoona sa gilid ng bed ni Min-Min.

"Sorry ngayon lang kami nakasunod dito. Kamusta si Hae Min?" nag-aalalang tanong ni Suho pagkaabot nito ng paperbag na may lamang pagkain.

"Sabi ni doc ok na siya pero kailangan pa daw imonitor ang heart rate niya."

"Well, is that good or bad? Ok siya pero kailangan imonitor? Paano ba nangyari na magkasama sila ni Lana?" sunod-sunod na tanong ni Kai.

"She has arrhyth-something or whatever you call that. Suspetya palang naman ni doc yun. May mga tests pa na gagawin and it can be treated naman daw. And about Lana, di ko alam paano silang nagkasama ni Min-Min." I told them.

"Grabe talaga yang psychopath mong ex! Handang gawin ang lahat kahit ano pa nakasalalay. May ganung klaseng babae pala talaga noh?" komento ni Baekhyun.

"Kahit ako, hindi ko akalain magagawa ni Lana 'to." wika ko. I sighed deeply and shook my head.

"Where's that sneaky b*tch?!! Pag nakita ko yun sisiguraduhin kong manghihiram siya ng mukha sa aso!" gigil na sabi ni Yoona.

"Relax lang, bunny. Wag mong dungisan ang mga kamay mo dahil lang sa babaeng yun." lapit ni Chanyeol sa asawa nito sabay akbay dito.

"Ewan ko ba kasi sainyo. Ang husay niyo pumili ng ex! Isa ka rin eh. Remember Mi Rae? Hmp!" masungit na sinabi ni Yoona.

"Oi oi... Di ko ex si Mi Rae hah!" defensive na sinagot  ni Chanyeol si Yoona.

"Hey.. Wag kayo dito mag-talo." awat ni Baekhyun sa kanila na ikinatigil rin nilang mag-asawa.

"W-where... a-am... a-am I....?"

Napalingon kaming lahat sa kama ni Min-Min nang marinig ang boses nito.

Sa wakas!!

Gising na si Min-Min!!

EXO Files #2: Sehun <Mistaken Identity>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon