Sehun's POV
Sino ba yung lalaki na yun??? Bakit dun siya nakatira sa bahay ng Min-Min ko???
Baka naman nakitulog???
Pero bakit nagpapatulog si Min-Min ng lalake sa pamamahay niya???!!!
Nagsisimula na akong makaramdam ng hindi tama mula nang umalis ako sa bahay ni Min-Min. Kahit ayoko man, wala akong magagawa dahil tumawag si Suho hyung sakin at nagpapasundo sila sa airport. Kasama niya ang iba pa naming kagrupo na nagtungo dito sa Italy. May nakaset kasi kaming itaping na reality show sa Venice. Actually, eto din ang kinuha kong oportunidad na makapunta dito para kay Min-Min.
Malalim akong nag-iisip habang binabaybay ang papuntang airport. Isang oras mahigit din ang layo nito mula kina Min-Min at nang makarating ako, may nabuo na akong plano kung paano mababawi si Min-Min sa lalakeng yun.
Tama, babawiin ko siya sa unggoy na yun dahil alam kong hindi lang basta kaibigan ni Min-Min yun.
"Dongsaeng!"
Napapitlag ako nang marinig ang boses ni Suho at nang lingunin ko, excited na pakaway-kaway ito sakin kasama ang iba pa naming kagrupo.
Agad akong lumapit sa kanila, "Hyung! Namiss ko kayoooo!!!" sabay yakap ko sa mga ito.
"Ang OA neto.. Parang two weeks lang tayo di nagkita-kita." walang emosyong ani ni D.O Kyungsoo. Pero alam ko namang nagbibiro lang ito. Di lang talaga halata.
"Hindi ka na kasi nagpakita samin bago ka pumunta dito sa Italy. Excited?" natatawang wika ni Chanyeol.
Hinawakan ko ito sa balikat at ngumiti, "Hyung, alam ko naman mauunawaan niyo ako eh."
"Oo na, oo na.. Hahaha! Ano na bang balita? May good news na ba?"
"Kayo na ba ulit ni Hae Min?"
"Anong sabi niya sayo nang magkita kayo?"
"Uyyyyy... Mukhang nangangamoy proposal ah.."
Sunod-sunod na tanong nila sakin. Napailing nalang ako at natawa sa mga ito.
"Hindi pa. Soon..." makahulugan kong tugon. "And I'll be needing your help, guys."
Nangunot sila ng noo, bakas ang pagtataka sa kanilang reaksyon.
"Basta, explain ko nalang pag nasa hotel na tayo. Malamang pagod kayo sa byahe." pagtapos ko sa usapan. Buti nalang at di na sila nangulit pa. Nang kinuha ko ang iba nilang hand carry, nagsi-kilos narin sila at kanya-kanyang tinulak ang kanilang baggage carts. Sinundan namin ang ibang staff na kasama patungo sa van nila.
"Teka, paano ka? Sabay ka ba samin sa van?" tanong ni Suho.
"Hindi na hyung. May dala akong sasakyan, nag-rent ako." pailing kong tugon at tumango naman ito sabay tapik nito saking braso.
"Sige, magkita nalang sa tayo hotel. Ingat pabalik, ah. Wag kang mabilis magpatakbo." remind ni Suho sakin.
"Oo naman, hyung. Ako pa ba?" nag-wink pa ako sa kanya, assuring him.
Nang makasakay na silang lahat sa van, tinungo ko na ang aking sasakyan at sumunod na rin sa hotel.
Mag-work kaya ang plano ko? Hindi kaya mas lalong umiwas sakin si Min-Min?

BINABASA MO ANG
EXO Files #2: Sehun <Mistaken Identity>
FanfictionA/N: This story contains matured languages and scenes not suitable for very young readers. Though It's not too much and I censored some words. Please don't copy any content of my story as PLAGIARISM IS A CRIME. Also might I suggest if you read first...