Hae Min's POV
Tignan mo nga naman, kanina lang halos mukha siyang pinagbagsakan ng langit at lupa. Pero ngayon, kung makangiti dun sa babae wagas!
Wag niyang sabihin na fan yun. Hello? Wala naman siya sa bansa kung saan sikat ang grupo nila. Tsaka yung way ng pakikipag-interact niya, parang matagal na silang magkakilala nung babae eh!
Aba! May pakiss-kiss pa sa cheeks ang animal! Hmp!, sa isip ko nang makita yung higad na babaeng humalik kay Sehun.
Ay nako! Bakit ba affected ako sa bwisit na yun?! Ano naman sakin kung maglandi si Sehun diba? Hindi ko naman na siya boyfriend. Tsk tsk.
Bumalik-balik pa ako parang lang hanapin siya at bigyan sana ito ng pagkakataon na makausap ako, tapos ganyan aabutan ko? Psssh...
"You shouldn't have come back out here, sorellina. You're just hurting yourself." Marco softly said to me.
Haay... Ewan ko rin nga ba...
Just then, Sehun suddenly turned around and caught my eye.
Kahit medyo nagulat ako, hindi ko parin inalis ang aking matatalim na tingin dito. Ngunit nang akmang lalapit ito samin, niyaya ko agad si Marco papasok sa loob ng school building.
"Tara na, Marco."
Nakita rin ni Marco si Sehun na papalapit kaya tumango ito at naglakad na kami pabalik sa building.
"Leche siya. At dito pa talaga niya naisipang maglandi?! Bwisit!" bulalas ko nang makalayo kami.
"Calm down, sorellina. Don't worry, I won't let that bastard come near you again. Ever." pangako ni Marco.
Wait, hindi naman sa ganun. >_<
Ay ewan! Naguguluhan ako! Gusto ko parin naman makita at makausap si Sehun. But there's a part of me that wants to forget seeing him again.
"Umm.. G-grazie." nagpasalamat nalang ako dito, kahit sa loob-loob ko'y nagtatalo parin ang nararamdaman sa muling paghaharap namin ni Sehun.
(...1 week later; Presentation Day)
"Sbrigati!"
"Dov'è la salsa?!"
Maingay ang kitchen ng Borgo San Jacopo, isa sa kilalang Michelin restaurant dito sa Florence. Abala kaming lahat sa paghahanda ng kanya-kanya naming special dishes.
Importante sa aming mga aspiring chefs ang araw na ito dahil hindi lang basta kami magluluto ng putaheng nais namin. Our performance for today will be graded and it can affect our final mark at the end of our crash course.
Kaya naman, ilang araw ko rin pinagpuyatan at iniyakan ang dish na ipre-present ko today. Sobrang stressed and drained out talaga ako lately. Buti nalang nandyan si Marco para tulungan ako at matyagang gumagabay.
Kasalukuyang hinahanda ko na ang sauce para sa saltimbocca. I took a bottle of white wine and poured a small amount at the pan I used for the prosciutto awhile ago.
As the wine starts emulsifying, Chef Angelo (our culinary arts teacher), suddenly appeared and dipped a spoon on the sauce I was making. He tasted it and nodded but didn't say a word as he walks away.
Kaya naman lalo akong kinabahan. Ok ba sa panlasa niya o hindi? May kulang pa ba? Naku hindi pa naman gaanong luto yung sauce, tinikman niya na agad. Haizt...
"Il tempo sta finendo!" paalala nung isa sa mga chefs na maghuhusga sa aming mga hinanda.
"Fifteen minutes, everyone! You should be plating your dishes by now." another chef said in a loud voice.

BINABASA MO ANG
EXO Files #2: Sehun <Mistaken Identity>
FanficA/N: This story contains matured languages and scenes not suitable for very young readers. Though It's not too much and I censored some words. Please don't copy any content of my story as PLAGIARISM IS A CRIME. Also might I suggest if you read first...