5

1.2K 14 0
                                    

Hae Min's POV

I really want to get the hell out of here.

Malamang iniisip niyo I must be crazy, right?

Sino ba naman ang nasa tamang pag-iisip ang ayaw malagay sa pwesto ko ngayon? Nasa harapan ko ang grupo ng lalake na nag-uumapaw sa kagwapuhan at sikat sa buong mundo. Pero ako heto't sinasayang ang pagkakataon makabonding sila.

Nangangalay na ang panga ko kakangiti. Ilang na ilang rin ako dahil ngayon ko lang naman sila nakasama, except for Baekhyun na minsan nang napakilala sakin ni Sehun. I can't relate to their topic. Hindi ko rin iniintindi ang pinag-uusapan nila because my mind kept thinking about 100 ways to murder Sehun.

"Uh... maiwan ko muna kayo ha, hanapin ko lang si Sese saglit." paalam ko sa mga 'to nang makapag-desisyon ako kung alin sa mga naisip ko ang pinaka-maganda paraan ng pagpatay dito.

"Tara Hae Min samahan na kita." akmang tatayo na si Kai ngunit inawat ko ito.

"Ay hindi naaa... Haha! Masaksihan mo pa pano ko katayin si Sese." demonyong ngiti ko.

"Katayin?!" takang tanong ni Chen, lahat sila nakatingin sakin.

Yari ka talaga sakin Sehunnnnnn!!!!

"Kako baka masaksihan niyo pa pano ko KAUSAPIN si Sehun. Maingay noh?! Ingay ng sounds! Mali lang siguro dinig niyo. Hehe..." pilit kong tawa pero agad rin ako sumimangot sa harap nila sabay tumayo at determinadong naglakad papalayo ng walang lingunan.

Nagpupuyos na ako sa galit at nanlilisik narin ang mata ko. Nakakuyom ang aking mga palad habang hinahanap sa paligid ang animal na Sehun.

"Lintik ka talaga Sehun. Nag-effort pa ako magpaganda at ilang oras ang ginugol ko sa paghahanap ng damit, pati 'tong punyeta kong bra ayaw makisama tapos ganito lang pala aabutan ko?!! Ahhrrrggg!!!!!" gigil kong sambit habang nakakuyom ang aking mga palad sa sobrang inis.

Pumunta ako sa cr ng mga lalake at malakas na hinawi ang pintuan nito.

*blaagggg!

Nagulantang ang mga lalake sa loob ng cr at pinanlakihan nila ako ng mata. Yung iba dali-dali pang nagzipper ng pantalon.

Hindi naman ako nagpatinag at walanghiyang inikot ng naniningkit kong mata ang buong paligid.

"SEHUNNN!!!!!! ANDITO KA BA HAH?!!" galit kong sigaw at sumugod sa loob.

Inangat ko ng konti ang short dress na aking suot para makabwelo at pinagsisipa ang mga pintuan ng mga cubicle para icheck kung may Sehun na nagtatago rito. Ngunit walang tao sa bawat cubicle na nabuksan ko.

Padabog akong lumabas sa cr at dun naman sa opisina niya ako nagtungo.

Nakalock ang pinto ng office ni Sehun kaya kinalampag ko ito ng pagkalakas lakas.

"HOOOY!!! SEHUN!!! LUMABAS KA DIYAN!!! ALAM KO NAGTATAGO KA DIYAN SA LOOB!!! BUKSAN MO TO!!"

"Psst! Wui... problema mo? Wow ganda dress! Ang sexy natin ngayon Min-Min ah."

Ang lakas rin ng loob nitong bolahin ako?!!

Mabilis na nag-akyat baba ang dibdib ko sa gigil nang marinig ang boses nito sa likuran ko. Galit akong lumingon dito at tinapunan ito ng matalas na tingin.

"HAYOP KA TALAGA SEHUN!!!!" sigaw ko, sasampalin ko na sana siya ngunit mabilis ang kamay nitong nahawakan ang palapulsuhan ko para mapigil ang malutong ko sana na sampal.

"Easy, easy... Hindi bagay sa dress mo yang amazona mode mo." natatawang sabi nito.

Aba talagang sinusubukan ako nitong baklang 'to hah! At nakuha pa ako biruin?!!

I struggled to remove my wrist from his grip, ngunit madiin ang hawak ni Sehun dito. Kinuha rin nito ang isa ko pang kamay at hinawakan niya din ito, pinning both my hands at the door of office.

"BITAWAN MO NGA AKO!!! TIGNAN MO LANG TALAGA PAGNAKAWALA AKO YARI KA SAKIN!!" sigaw ko habang nagpipilit makawala.

"No no and no. Sa galit mong yan, baka mabangasan mo mukha ko. Ayoko nga." natatawang aniya.

"ANO BA TANGGALIN MO YANG KAMAY MO LECHE KA!!! MALALAGLAG NA BRA KO!!! ANO BA?!!!!"

Napaigtad ako at napahinto sa pagwawala nang bigla itong lumapit sa mukha ko.

"Anong punuputok ng butchi mo? Yung date niyo ba ni Kai? Kasalanan ko ba kung lahat sila sumama? Tsaka teka nga lang... Ano naman kung marami kayong kasama? Were you expecting something else on your first date?" sabi nito ng magkasalubong ang kilay niya habang ganun parin kalapit ang mukha namin sa isa't isa.

"A-anong p-pinagsasabi m-mo? W-wala akong ineexpect ha!" dipensa ko dito, ramdam kong nag-iinit na ang pisngi ko at malamang namumula na ito sa hiya.

My heart's racing so fast as he leaned closer and closer. I started to weaken when his sweet citrus scent hits my nose. Gosh! How I love Sehun's scent.

Wait noooo!

He's gay, Hae Min.

Maling-mali!

Pinasadaan muna nito ng tingin ang aking mukha. Himinto ang mga mata niya sa bandang labi ko at hindi na inalis ang tingin dito.

"Were you planning to sleep with him tonight?" mahinang tanong ni Sehun. Ramdam ko ang hangin na lumalabas sa bibig nito habang binibitawan ang kanyang bawat salita.

Ilang segundo rin bago rumehistro ang tanong niya dahil nadidistract ako sa napakalapit na distansya namin at nakakabaliw na bango nito.

"W-what t-the hell?! No!" nauutal kong sagot.

"Siguraduhin mo lang. And don't you ever dare try to sleep with him. Am I making myself clear?" he warned while his eyes shoot daggers at me. I immediately nodded like a child.

Bwisit talaga!!!

Mukhang tama nga hinala ko!!

May gusto siya kay Kai!!!!

Aba magiging karibal ko pa 'to?!!

Ngumiti na ito and with no warnings of any sort, he planted a light peck on my lips. Gaya lang rin ng dati, it was just a smack kiss. But still, it sends shivers under my spine.

Bading siya pero he's fond of giving me light kisses. Ano ba yun? Bwisit! Ginugulo ng halik niya ang utak ko ah....

Baka naman it's his way of kissing a friend? Parang beso-beso ganun? Kasi ako nga humahalik rin naman sa pisngi niya.

Ewan ko...

Imposible naman kasi more than a friend yung meaning ng mga ginagawad nitong halik sakin dahil alam kong lalake ang gusto nito.

After he kissed me, binitawan na ni Sehun ang mga nangangawit kong kamay at nakahinga narin ako ng maluwag. Agad kong inadjust muli ang kanina pang sumusukong bra ko.

"Paperclip, gusto mo? Para humigpit yan." pang-asar na tanong nito habang nakatingin saking ginagawa.

"Pwede rin." sarkastiko kong tugon.

"Tara balik na tayo dun. Baka hinahanap ka na ng ka-date mo. Hahaha!" tumatawang sabi ni Sehun na animo'y wala lang yung pagtatalo namin kanina at yung biglaang paghalik niya.

Oh well, siguro sadyang komportable lang si Sese sakin kaya ganun ito. Kung ako nga nagpapalit ng damit sa harap niya, wala lang rin sakin. Mas malala pa nga ata yun kesa sa kiss nito. Siguro same-same lang kami, magkaiba lang ng ways to show how comfortable we are with each other.

Tsaka ano pa bang pinagtatalunan ng isip ko eh gay nga si Sehun. Haizt! Binabaliw ko lang ang aking sarili kakaisip ng mga walang katuturan.

Nawala tuloy sa isip ko yung atraso niya sakin!!!

EXO Files #2: Sehun <Mistaken Identity>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon