"uhm... Andak."Nakangiting lumingon sakin si Jimbert. Katatapos lang naming laruin lahat ng games sa arcade at guess what? napanalunan namin ang promo prize na dalawang bunny stuffed toy hehe.
At ngayon ay nagdesisyon kaming kumain ng ice cream, sayang lang ang 12k ko hindi nabawasan kasi libre pala ni Jimbert. Kaasar :<
"What?"
"Ayoko ng ice cream, parang gusto na ng lunch" nakapout kong sabi. Para naman mas humaba pa ang pagsasama namin at magawa ko na ang pakay ko. *Evil smirk.
"Mabuti pa, gutom na rin ako eh." pangsang-ayon niya. Yieee ito ang gusto ko sa dwarf beshie ko eh, supporntib.
"Ano? Dating gawi? " nakangisi kong tanong. Ngumisi rin siya.
"Gora."
He held my hand and pulled me out to the mall. Ngumiti ako, SUCCESS!
—————
"Manong, bente-benteng kwek-kwek at fishball nga po."
Right, favorite naming kainan ang mga side stalls dahil masarap eh. Elementary pa kami ng huling kumain ng ganito at kasama pa namin nun si Lezter. Namimiss ko na si Lerroy!
"Oh bat ka nakasimangot diyan? Ito oh, say ahh.."
Kinunutan ko ng kilay si Jimbert na inuutusan akong ngumanga at sumunod naman ako. Sinubuan niya ako ng fishball...........at ang anghang! I glared at him as I chewed my food. Hindi ko alam kung fishball o sili natong kinakain ko. Tumawa lang siya.
"Jimbert? Eunzein? Ang tatangkad niyo na ah."
Nanlaki ang mga mata namin ng magsalita ang tindero. Si Mang Isko pala toh, bat di ko nanotis agad?!.
Yiee nakakatuwa! Hindi niya pa pala kami nakakalimutan at sinabi pang matatangkad na daw kami?!!.. yiee hahaha bat hindi yun makita ng mga kaibigan namin? —_—
"Mang Isko, haha actually ako lang po talaga ang tumangkad. Kita niyo naman ang diperensya diba." natatawang sabi ng katabi ko at sinukat pa na hanggang kilikili niya lang ako. Pinamukha talaga eh :<
Tiningnan ko siya ng masama. Bwesit, okay na sana yun eh. For the first time and forever nasabihan akong matangkad. Panira ng moment tong si Jimbert!
"Tumangkad naman ako eh. Diba manong?" Syempre hindi ako magpapatalo. Pareho lang kaming pandak na nasabihang tumangkad. Ipaglaban!
"Wala parin kayong ipinagbago." nakangiting sabi ni Mang Isko at mahinang tumawa. Para narin namin siyang ama noon. Naawa ako sa kanya, wala na kasi siyang pamilya :<.
"Kamusta na po Mang Isko?"-Jimbert
"Dito parin pala ang pwesto niyo."-Ako
"Oo, kailangan paring kumayod kahit mahina na ang tuhod. Siyanga pala, bakit ngayon lang kayo napasyal ulit dito? Ilang taon na rin ah."
"High school na kasi kami Mang Isko, medyo busy narin ang buhay di tulad nung elementary na pachill-chill lang." sagot ko at sumubo ng fishball at kwek-kwek.
"Nga naman noh. Pero parang kulang ng isa ah, nasan si Lezter?"
"Nasa States po nag-aaral si Lezter ngayon Mang Isko."sagot ni Jimbert na nakatingin sakin. Pati si Mang Isko ay nakatingin din sakin.
Hindi ko sila matanong kasi puno ang bibig ko. Bat nga ba sila nakatingin sakin?
"Okay ka lang Eunzein?" biglang tanong ni Mang Isko sakin. Tumango lang ako at sumubo ulit ng kwek-kwek kahit puno pa ang bibig ko.
Ganito talaga sila sakin kapag si Lerroy ang usapan, para akong nasa hot seat imbis na si Lerroy dapat.
Inaba ni Jimbert ang usapan habang patuloy lang ako sa pagkain. Masaya kaming kumakain at nagkukwentuhan hanggang sa naubos lahat ng paninda ni Mang Isko. Magbabayad sana kami pero pilit ang tanggi ni Mang Isko.
"Wala yun mga anak, libre ko yun dahil matagal naring hindi ko kayo nakita. Ikamusta niyo nalang ako kay Lezter."
So sad Mang Isko, wala na kaming communication ni Lerroy. Binlock niya ako sa lahat ng social media acc niya. Huhuhu
"We insist po Mang Isko. Naubog kaya lahat ni Eunzein, malulugi kayo nyan."
Hinampas ko ng mahina sa braso si Jimbert. Ipamukha ba naman saking matakaw ako? Siya nga toh maraming nakain eh.
"Anong ako? Ikaw kaya!"
"Sige na nga, tatanggapin ko na at baka magbangayan pa kayo dito. Hahaha sige paalam mga anak, bumalik ulit kayo dito ah." natatawang saad ni Mang Isko. Nagpaalam na rin kami at tumungo na sa kotse ni Jimbert.
Pinaupo ko sa backseat ang dalawang bunny stuffed toy ko at pumasok sa front seat. Napatingin ako kay Jimbert na nagkakabit ng seatbelt, nakalimutan ko tuloy ang motibo ko dahil sa kwentuhan namin ni Mang Isko. Ngayon na lang kaya?
Jimbert looked at me and smiled. He started the engine and drive his revo. Okay this is it pansit!
"Andak... uhm iinterviewhin kita ah at sumagot ka agad, yung matino namang sagot
pakiusap. Marami-rami tong itatanong ko kaya umayos ka okay? Just listen and answer but still focus on driving."Tiningnan niya ako na nakakunot ang dalawang kilay at ibinalik ang mga mata sa kalsada.
"Sigeeee naaa Andaaakkkkk!"
"Sabi ko na nga ba may kapalit tong hang-out na to." sabi niya. Sumimangot ako.

YOU ARE READING
𝑺𝒆𝒆𝒏✓
Historia CortaNotification: Your crush accepted your friend request. SEEN #20 in Short Story - 12.22.19 #4 in #Seen Started: 1/29/19 Ended: 1/03/20