•44•

248 9 0
                                    

"Waahhh di ko kaya!" sigaw ko habang pagulong-gulong sa kama.

Tiningnan ko ang mukha ni Jaeil sa ceiling. Ito nalang ang hindi ko pa natatanggal since pumunta siya dito. Hindi ko naman kasi abot ang ceiling.

Nakangiti siya na para bang walang problema, habang ako namomroblema dahil sa kanya.

"Di ko talaga kaya! huhuhu.." binaon ko ang mukha ko sa unan. Lalong bumibigat ang problema ko kapag nakikita ko siya grr..

"Kaya mo yan Eucine! Chat lang naman yan e." bulong ng South hemisphere ng utak ko.

"Oo nga naman! Hindi niya naman ako nakikita e."

"Hindi mo kaya yan duh, pano kung i-seen ka lang? edi nganga ka." bulong din ng north hemisphere.

"Wahh di ko nga kaya!" binaon ko ulit ang mukha ko sa unan.

Pano ba toh?! Geez

Mga ilang oras na akong ganito, sigaw ng sigaw, pagulong-gulong sa sahig, isip ng isip, litse depress na ako!

Ganito kasi to, namomroblema ako kung paano pakiusapan si Jaeil na turuan ako ng mL. Ayaw kasi talaga akong turuan ng mga barkada ko, lagi nila ako tinutulak na magpaturo kay Jaeil.

Now, I have no choice but to chat Jaeil. Pero hindi ko magawa-gawa kasi natatakot ako! Natatakot akong maseen na naman!

Friday na bukas, tas Sabado na sa susunod.... FUDGE! ang deal namin ni Suhe!

"Mga gago ba kasi ang mga kaibigan ko, bat ayaw nila akong turuan ng ml!?" Inis na ginulo ko ang aking buhok.

Ayaw talaga nila akong turuan kahit anong pagpapacute ang gawin ko. Parang kailan lang, suggest sila ng suggest na ibaling ko sa larong mL ang atensyon ko para di makafocus kay Jaeil tas ngayon, ayaw na nila akong turuan! Hayst.

No choice.

Pinulot ko ang phone kong binalibag ko sa sahig at dumampa ulit sa kama.

'wala namang masama kong ichachat ko siya diba?'

"Sabi ko nga."

Pumunta ako sa messenger at binuksan ang convo namin ni Jaeil, active talaga ang loko.

Geez, nahihirapan akong huminga pagbukas ko sa convo namin. Kyaaaaahhhhh

CARROT is typing...

CARROT is typing...

CARROT is typing...

Oemji typing siya! Pero teka-- ano bang tinatype niya? Ako kaya? Charr. Uunahan ko ba? O hihintayin ko muna?

CARROT
Active Now•

CARROT
hi

Ngi akala ko naman lsm na, hi lang pala. Napailing ako, nireplayan ko nalang din ng hello, ngayon lang nagchat ng hi si jaeil e.

CARROT
Active Now•

CARROT
hi

Eunzein
Hello!

Eunzein
Uhm..jaeil

CARROT
gusto mo daw maglaro ng mL?

Eunzein
hala.

Eunzein
sino nagsabi sayo?

CARROT
hindi sinasagot ng tanong
ang isang tanong

𝑺𝒆𝒆𝒏✓Where stories live. Discover now