•97•

197 10 0
                                    

Mag-iisang araw na ako dito sa lungga ng mga kidnapper. Hindi ko alam kung nasan ako pero nasisiguro kong nakaupo ako sa kama.

Mga bwesit kasi sila, hindi parin tinatanggal ang blindfold ko. Takot sigurong makita ko ang mga panget nilang mga mukha.

December 31 na pala ngayon, mukhang dito ako magbabagong taon. Kung aabot nga ako sa bagong taon.

Kumusta na kaya si Mommy? Si Jaeil? Ang mga badjao? Hinahanap kaya nila ako? Namimiss kaya nila ako? Kasi ako namimiss ko na talaga sila. Baka hindi ko na sila makita sa mga huling sandali ng buhay ko huhuhuhu!

Umiiyak na naman pala ako. Buti hindi pa ako nauubusan ng luha kakaiyak, pero sasagarin ko na ang mga luha ko dahil papatayin naman nila ako.


Biglang bumukas ang pinto at may mga yabag ng sapatos akong naririnig na papalapit ng papalapit sa kamang kinalalagyan ko.

Kumakarera na naman sa pagtibok ang puso ko!


Umatras ako ng umatras hanggang sa umabot na ako sa headboard ng kama, niyakap ko ang mga tuhod ko at umiyak ng malakas.

Bahala na kung mainis ang kidnapper na to sa kakaiyak ko.

"MAMAAAAAAAAAAA HUHUHUHU! MAMAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!"

"Stop whining or I'll kill you?" Narinig kong banta niya.

Waaaahhhh! Ang boss to ng mga kidnapper!

"Ipakawalan niyo na po ako pakiusap huhuhuhuhu! gusto ko nang umuwi! ayoko pang mamatay huhuhuhu! wala naman po kayong mapapala sakin kasi mahirap lang po kami at mama ko lang po ang kasama ko sa bahay! huhuhu hindi niyo rin naman po mapapakinabangan ang mga organs ko kasi maliit akong babae, means malilit din po ang mga organs ko huhuhu! please po may mga pangarap pa ako sa buhay huhuhu..."

Tamaan ka ng konsensya mo hayeop ka! huhuhuhu

" Give me 5 valid reasons why I should let you go." 

Nabuhayan ako ng kaluluwa dahil sa sinabi niyang iyon. 5 valid reasons lang pala, gawin ko pang 10 yan eh.

Ikinalma ko muna ang sarili ko at tumigil sa pag iyak para makapagsalita ng maayos.

" Fi..first of all po, gusto ko pang mabuhay. Second, magtatapos pa ako ng pag-aaral para masuklian ang mga sakripisyo ni mama. Third, pangarap ko pang tumangkad. Fourth, magiging boyfriend ko pa ang long time crush ko. Fifth, magpapakasal pa kami ng longtime crush ko. "

Valid yun, valid na valid!

Ilang minutong nanahimik ang boss ng mga kidnapper. Hala, hindi niya kaya nagustuhan? Hindi ba yun valid para sa kanya? Hindi niya ako papakawalan?!

" Your longtime crush must be so special for you." he commented.

Napangiti ko ng bahagya at tumango-tango.

" Gagawin po kitang ninong sa kasal at sa magiging anak namin kapag pinakawalan niyo po ako."

Syempre joke lang yun, how can I let this devil kidnapper be one of the witnesses of my wedding and of my child? Ano siya sinuswerte?!



"Gusto sana kitang buhayin kaso natatakot akong hindi mo mapagtagumpayan ang ibibigay kong pagsubok."


Pagsubok?! Anong klaseng pagsubok?!

" Kahit ano pang pagsubok ang ibigay niyo, kakayanin ko po!" I said with full spirit. Syempre buhay ko ang nakataya dito.

If there's a hope, there's a way. Fighting!

"Goodluck."

Narinig ko ang mga yabag niya papalabas at ang pagsara ng pinto. Napaiyak na naman ako dahil sa konting pag-asang nararamdaman ko ngayon.

May chance pang mabuhay sa 2020!

𝑺𝒆𝒆𝒏✓Where stories live. Discover now