"LERROY!"
I waved at her as she runs towards me. Hindi parin talaga siya nagbabago, walang pinipiling lugar kung saan sisigaw hahaha!
Pinapunta ko siya dito sa playground kung saan kami laging naglalaro dati. I have something to confirm and to confess.
I gave her my bottled water because she's panting. Agad niyang tinanggap at inubos ang laman.
For me, it was an indirect kiss.
But for her, its walang malisya.
Parang iniisip niya na kagaya parin ng dati ang ngayon. Yung dati na mga bata pa kami kaya walang malisya ang lahat.
Kahit alam niyang matagal ko na siyang gusto.
"Salamat." and she smiled up-to-ear. Pinaupo ko siya sa tabi ko at ilang minutong namayani ang katahimikan samin.
Dude, its awkward.
I dont know how to start our conversation.
"I have something to say." / "May sasabihin pala ako." We said in unison.
"Ladies first." / " Ikaw muna."
We both laughed at ourselves. Pinauna ko na siya kasi nga ladies should be first.
" Uhm.. ano kasi...gusto ko si Jaeil...matagal na.." nakayukong pag-amin niya.
"Alam ko na dati pa...kaso pinipilit kong hindi maniwala..." I began.
"Nung mga bata pa tayo, laging nasa kanya lagi ang tingin mo kahit lagi ka niyang inaaway at pinapalayo. Ako lagi ang tagapagtanggol mo noon, palagi akong nasa tabi mo at pinapatawa ka kapag inaaway ka niya. Dati pa ako inggit na inggit kay Jaeil. Ewan ko, dahil siguro nakikita ko sa mga mata niya na kontento siya sa kung anong meron siya noon. Kaya lagi kong sinusubukan na painggitin siya sa mga bagay na wala sa kanya pero hindi ako nagtatagumpay. At dahil din gusto siya ng taong gusto ko. I dont know how deep is my hatred for him, I even cursed him to death."
" Pero nang umalis ako ng bansa. Natutunan ko lahat ng mga bagay-bagay, narealize ko na maling-mali ang mga nagawa ko kay Jaeil noon. At dahil yun sa iisang taong hindi sumuko sa ugali ko. Tinuro niya sakin ang magpakumbaba at magpakatotoo. Ang iisang taong yun ay naging parte na ng buhay ko habang nasa States ako. "
She's still listening. Patango-tango pa siya which I find cute. Mukhang siyang batang nakikinig sa mga fairytale.
Curiousity was written on her face.
"As years passed by , I fell for that person. Pero hindi ko magawang umamin kasi alam ko sa sarili kong mahal din kita. Inisip ko kung paano ka? sino na ang magpapasaya sayo? may pag asa pa ba na mahalin mo rin ako? Kaya napagdesisyunan kong umuwi dito para maging malinaw sakin kung ano talaga ang nararamdaman ko."
" And when I saw you, my heart is boom boom but it crushed out when I saw Jaeil too. Bumalik ulit ang galit ko sa kanya noon. Nang makita kita na kasama siya, nasaktan ako. Nalaman kong mahal parin talaga kita. Pero mahal ko rin ang taong iniwan ko sa States para sayo. "
Medyo korni ako sa part na boom boom.
" Hays...ewan ko. Sa tuwing nakikita kitang masaya kapag kasama si Jaeil, unti-unti rin akong nawawalan ng pag-asa. I know I was nothing compared to him. Ngayon malinaw na sakin ang lahat, that we just met but not meant. "
" And now, nagpagdesisyunan kong bumalik na sa States para pasayahin ang taong yun gaya ng pagpapasaya ko sayo. Gusto kong makilala mo siya."
I saw a mixed of sadness and amazement in her eyes.
"I'm so sorry Lerroy..."
"Don't be sorry Euneun. Ang totoo ay masaya ako dahil minahal kita kahit hindi mo ako magawang mahalin pabalik. Masaya na ako basta masaya ka. " I told her as I messed her hair.
" Lerroy naman eh, kakasuklay ko lang." Nakapout niyang reklamo na ikinatawa ko. Inayos niya ang buhok niya at tiningnan ako ng masama.
"That explains why you didnt contact me for 10 years. " Sinimangutan niya ako.
Napakamot ako ng ulo. Ang totoo ay iginugol ko ang 10 years na yun sa pagmomove on sa kanya.
"But she must be so amazing. Ipakilala mo ko sa kanya Lerroy!" Tinutukoy niya ang taong mahal ko na nasa states.
" Sure, basta magpatangkad ka muna." I teased.
She just rolled her eyes as she crossed her arms.
"Kidding."
"Anong pangalan niya? Iaadd ko sa fb!" She asked with excitement as she gets her phone from her purse.
"Sunny Yoon. Wag mong ichat kasi seener yan sa mga di niya kilala."
" Nahh sanay na akong maseen." sabi pa niya bago ini-add si Sunny.
Nagkwentuhan pa kami sa lahat ng mga nangyari samin 10 years ago. Mostly sa mga kwento niya, ang pangalang Jaeil talaga ang naririnig ko.
Hays, pag ako talaga naka move on na sa babaeng to, ipagmamayabang ko rin sa kanya ang sarili kong lovelife. Ang Lezter×Sunny
YOU ARE READING
𝑺𝒆𝒆𝒏✓
Short StoryNotification: Your crush accepted your friend request. SEEN #20 in Short Story - 12.22.19 #4 in #Seen Started: 1/29/19 Ended: 1/03/20