sinubukan kong magstudy pero miisa walang pumasok sa isip ko.
"Jaeil, ang hirap naman nito." reklamo ko sa boyfriend ko. Char advance akong mag-isip.
Nagrereview kami ngayon pero para sakin isa itong date hihihi. Nawawala ang stress ko sa math kapag iniisip kong date namin to ni Jaeil.
"tinuro ko na yan sayo kahapon ah." sabi niya na hindi man lang ako tinapunan ng tingin, busy siya sa sinusulat niyang hindi ko naman alam.
"nakalimutan ko eh." napakamot nalang ako sa ulo. Napakabopols ko talaga lalo na sa math.
"sundin mo nalang yung example." Nakakainis. Ano bang pinagkakaabalahan niya? nakakaselos ah.
tss nagegets ko naman yung example pero ibang numero na ang nasa sinusolve ko eh tsaka ang daming letters.
Magaling naman ako sa math eh hanggang sa hinaluhan iyon ng alphabet.
Paanong nga letters inaadd, minaminus, minumultiply at dinidivide?! Magagamit ba yun sa totoong buhay?!
Mukhang tapos na siya sa kung ano mang ginawa niya at tinitingnan lang ako. Hirap na hirap ako dito tas tititigan niya lang ako? aba mas pinapahirapan ako.
di na ako makahinga dito sa sobrang kilig.
"what is 11 times the quantity of 3x minus 14 if x is equal to nine?hmm...." alam kong nakatitig parin siya sakin kaya kunwari akong nag-isip tas nagpapout pa.
Alam kong cute ako sa paningin niya. Yieee baka sakaling icrushback ako nito.
Pero ang totoo nahirapan naman talaga ako sa problem. Litseng x kasi.
"143."
Umigting ang tenga ko at napatingala ako sa kanya. Nakanganga akong nakatitig sa mga mata niya, may kakaibang kislap akong nakikita. Hindi ko alam kung anong sasabihin.
Ano daw? 143?
I LIKE YOU?
I MISS YOU?
I LOVE YOU?
Litse ang puso ko, uso ang kumalma.
Saan ba dun? All of the above?"143 ang sagot." he said but his eyes were telling not. May kakaibang ibig sabihin ang 143 sa kanyang mga mata.
Crush narin ba niya ako?!
"Bat ganyan ka makatingin?"
Napakurap siya dito.
"Eh kasi nakatitig ka sakin eh." nagagandagan ka ata. Char
"Bakit ikaw lang ba pwedeng tumitig?" balik niya. Bwesit ka talaga Jaeil, nafafall ako ng husto.
" Pwede mo naman akong titigan anytime basta sa time na hindi ako busy para matitigan kita pabalik. " ginaya ko yung chat niya kagabi.
Ngumiti siya sakin pero bigla nalang niya akong pinitik sa noo.
"Aray!" Hinimas ko ang noo ko kahit hindi naman masakit yung pagpitik niya, mukhang sinadya niya para di ako masaktan. Yie
"That's my line. Matuto kang magcredits, magnanakaw." biro niya.
"Eh quits lang tayo, ninakaw mo puso ko eh." Natutop ko ang bibig ko. Fudge, bumanat ako! Binanatan ko si crush!
"Charrot hihihi." bumungisngis ako. Chinarot niya ako kagabi, dapat charotin ko rin siya. Pero I mean it talaga.
" idelete mo yang charrot." fu-fudge. Ginaya niya rin ang chat ko.
Kyahh ang sweet namin! Para talaga kaming totoong magjowa na may study goals yiee. Kinikilig ako!
Sana pala araw-araw may exam para araw-araw kaming magreview date ni Jaeil.

YOU ARE READING
𝑺𝒆𝒆𝒏✓
Short StoryNotification: Your crush accepted your friend request. SEEN #20 in Short Story - 12.22.19 #4 in #Seen Started: 1/29/19 Ended: 1/03/20