•98•

272 16 3
                                    

Nilibot ko ng tingin ang kwartong kinalalagyan ko ngayon. Maraming kagamitan sa paligid at iisang pinto lang ang nakikita ko. A typical room.

"Good evening Ms. Eunzein Jung." sabi nung speaker na nasa dingding.

Mabuti naman naisipan ng mga walanghiya na tanggalin ang blindfold ko. Namiss ko ng makakita.

"Nandito ka para sa iyong pagsubok. If you succeed, the better but if you failed, the worst for you and the best for us." sabi sa speaker at tumawa pa ng malademoonyo.

Mga hayeop talaga, tingnan niyo lang kapag nagtagumpay ako dito. Ipapakulong ko kayo at ipapakain ko sa buwaya ang susi.

Ang korni ng mga sindikatong to, may pachallenge challenge pang nalalaman. Pero ayos na rin, atlis hindi nila ako kakatayin agad.

"If you find all the mystery words and put it in a sentence together within 10 minutes, mabubuhay ka."

Tsk basic.

"Saan ko naman hahanapin ang mga mystery words na yan?" tanong ko. Hanap-hanap lang pala, sus ang dali. May mga games akong ganito dati sa phone ko.

"Anywhere in this room, the first clue is in your pocket. "

Nilibot ko ulit ang paningin ko sa buong room.

Putragis, ang daming gamit! Tas 10 minutes lang ang binigay nila!

"Wala na bang ieextend ang 10 minutes?!" sigaw ko. Hindi ako mabilis maghalungkat ng mga gamit!

" No, and its now 11:49. It's treasure hunting time." 

"Ano?! Ang bilis naman! Hoy! Hoy poooooo!"

Hindi na nagsalita pa ang speaker. Bwesit.

Naalala ko ang sinabi ng boss nila.

"Goodluck."

Argh! Goodluck niya mukha niya. Wala man lang binigay na palugit! Tsk ipapakita ko sa kanya na kaya kong malampasan tong pagsubok niya. Power!

"First clue....pocket daw!"

Kinapa-kapa ko ang bulsa ng pantalon ko at may nakuha akong maliit na papel.

Hi I'm Mr. Right, someone said you're looking for me?

Ha?! Ano to?! Ang sabi nila mystery words?

Binaliktad ko ang papel at may nakasulat na WILL sa likod. Ito siguro ang isang mystery word. Then anong silbi nung sentence? Ang korni.

Binasa ko ulit yung sentence. Mr. Right daw.... Right! Tumingin ako sa kanan ko at may maliit na papel na nakadikit sa dingding.

Agad kong kinuha ito at binasa.

You have no idea how fast my heart beats when I see you.

Kumunot ang noo ko. Ang korni talaga ng mga sindikatong to. Binasa ko naman ang nakasulat sa likod, YOU.

Dalawang mystery words na! Sabi ko nga eh, madali lang hihi. pero ilang mystery words nga ba ang kailangan kong hanapin?!

Tiningnan ko ng maigi ang pangungusap na nakasulat. Ano bang clue dito? Fast? Heart? See? See...see you!

Hinanap ko sa paligid kung saan nakalagay ang salamin at nakita kong nakasabit ito sa dingding. Lumapit ako at nakita ko ang sarili kong repleksyon.

See you huh?

Kinuha ko ang isang makapal na encyclopedia at ibinato iyon sa salamin. Nabasag iyon at sa loob nakadikit ang isang papel. Hay naku, masyadong pabibo talaga ang nagpasimuno nito.

𝑺𝒆𝒆𝒏✓Where stories live. Discover now