Waaahhh~ ang saya ng birthday ni Teron! Ang daming pagkain! Bwahahahaha!Pero nakakalungkot ng konti kasi ako nalang mag-isa pauwi. Hinatid kasi sila ng mga jowa nila samantalang ako hays. Akala ko pa naman ihahatid din ako ni Jaeil kaso ang aga niyang umuwi eh. May gagawin daw hays.
Mabuti nalang hindi ako takot sa dilim at mabuti nalang din na walang masasamang loob sa daa--
"Kidnap to!"
MAMAAAAAAAAAAAAAAAA!
May biglang tumakip ng panyo sa bibig ko kaya hindi ko magawang sumigaw. Mamaaaaaa! Walang katao-tao sa daan, wala ring mga bahay! Wala akong mahihingan ng tulong!
Nagpupumiglas ako ng pilitin nila akong ipasok sa puting van.
"Sumama ka samin kung gusto mong magkajowa!"
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Nakita ko namang siniko nung isang lalaki ang kasama nila. Damn! Hindi ko sila mamukhaan! Ang dilim bwesit! Pano ko sila mapapablotter?!
At biglang tinakpan nila ang mga mata ko.
Shit blindfold.
"Basta sumama ka samin kung ayaw mong masaktan! Sakay!"
Anak ng! Pwede namang hindi manulak eh! Kitang nakablindfold ako!
Isinakay nila ako sa van at pinaandar iyon patungo sa katapusan ko.
MAMAAAAAAAA!
Bakit ako pa?! Huhuhuhu
Akala ko ba bata lang ang kinikidnap?! Kasi KIDnap nga diba! So bakit ako?! Hindi na ako bata! Oo mukha lang akong bata pero waaahhhh! Napakamalan siguro nila akong bata! Ang pait talaga pagpandak oh!
Marami pa akong pangarap sa buhay! Magiging boyfriend ko pa si Jaeil! Magce-celebrate pa kami ng hoursary, weeksary, monthsary! anniversary! decadesary!
may decadesary nga ba?
Ah basta bubuo pa kami ng pamilya ni Jaeil!
Pano nalang ang mga pangarap na yun kung mamamatay na ako?! Ayoko pang mamatay! Hindi pa ako pwedeng mamatay! Huhuhuhu
Hindi ko lubos akalaing mangyayari sakin to, akala ko naman hindi totoo yung mga puting van puting van na yan eh huhuhu! Hanggang dito nalang ba talaga ang buhay ko? Kanina ang saya-saya ko pa nga at ang dami ko pang kinain sa birthday ni Teron tas ngayon...
Waaaaahhhhh! Ano kayang gagawin nila sakin?! Hihingan kaya nila ng ransom si mommy?! Ibebenta ba nila ang mga organs ko?!
Hindi pwede! Huhuhuhu!
Inaalagaan ko ang katawan ko para kay Jaeil tas kakatayin lang nila ako?! Maling maling maling maling maling maling maling maling mali yun!
"Tigilan mo yang pag-iyak mo dahil walang tutulong sayo! Bwahahahaha!" parang demonyong sabi nung kidnapper with devil laugh pa.
Pero imbis na maiyak ay napatulala ako dahil pamilyar ang boses ng kidnapper, malalim na buo.
Ilang segundo ang katahimikan sa loob ng van at hindi na muling nagsalita ang kidnapper na yun. Ano ba yan, bat hindi na siya nagsasalita?! Gusto ko lang malaman kung bakit parang pamilyar ang boses niya! Halos lahat sila pamilyar ang boses.
Narinig kong may nagkasa sa kanila ng baril kaya nangilabot ako. Mamaaaaaaaaaaaa!
Sari-saring emosyon ang nararamdaman ko, may takot, pangamba at pagtataka. Mabibigat ang bawat paghinga ko dahil parang kumakarera ang puso ko sa pagtibok.
Baka ito na nga talaga ang katapusan ko.
♪twinkle twinkle little star~ how I wonder what you are~ up above the world so---
Kumunot ang noo ko nang marinig ko ang ringtone nung isang kidnapper. Ang korni naman ng ringtone niya.
"Hello boss." Boss nila?! Waaaahhhh! Napakademonyo ng boss nila!
Bakit kailangan pa nilang mangkidnap para magkapera?! Marami naman sanang mapagkakakitaan gaya ng pangangarolling!
Mga bobo talaga ang mga sindikato!
["Did you get her?"]
Ha?! Bakit pati boses ng boss nila pamilyar?!
"Yes naman boss, safe and sound."
Safe nila pagmumukha nila, paanong safe eh baka maya-maya katayin na nila ako! tsaka sound nila mga pwet nila, tinampalan nga nila ng tape ang bibig ko eh!
[" Good. Make sure hindi niyo siya tinatakot diyan."]
Ha! at iniexpect niya pang hindi ako matakot sa sitwasyong to?! Gago ba siya?!
["Hindi pwedeng mastress ang puso niya."] he continued.
Takte, pafall pa ang boss nila!
["We should secure a healthy heart donor for the customer. "]
Putangina.
Sabi na nga ba! Ibebenta nila ang mga organs ko! Huhuhu mga demoonyo! Huwag ang puso ko! Pagmamay-ari na to ni Jaeil!

YOU ARE READING
𝑺𝒆𝒆𝒏✓
Short StoryNotification: Your crush accepted your friend request. SEEN #20 in Short Story - 12.22.19 #4 in #Seen Started: 1/29/19 Ended: 1/03/20