•56•

225 7 3
                                    

"Alam mo, natatakot akong maglakad ng mag-isa kapag gabi." share ni Jaeil sakin. Naramdaman kong mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko kaya napangiti ako ng palihim.

"Pfft talaga? Bakit naman? Ang laki mong tao, duwag ka sa dilim." tudyo ko dito.

Well, close na kami ng Jaeil ko! May paholding hands while walking peg pa nga kami e. Malapit na akong mamatay sa kilig dito.

"Hindi sa takot ako sa dilim. Takot ako sa makakasalubong ko sa dilim."

Tiningala ko siya para makita ang mukha niya. He sounds and looks serious. Nananakot ba siya?

"Nagbibiro ka ba?"

Yah! Takot ako sa mumu!

Nasa madilim na kanto pa naman kami. Malayo pa sa bahay. He insisted kasi na ihatid niya ko tas takot pala siya sa dilim.

Kahit sabi nila hindi daw totoo ang mga multo pero nangingilabot lang talaga ako pag may magkukwento ng ganun. Anong magagawa ko?

"No. " Umiling-iling siya.

"Alam mo, kung ayaw mo akong ihatid, ayos lang naman na umuwi ka na, wag ka lang manakot carrot ka!" Sinubukan kong bawiin ang kamay ko pero parang posas ang kamay niya. Hindi niya binibitawan kanina pa.

"I insisted to walk you home so hindi kita iiwan dito baka marape ka pa diyan sa ikalawang kanto, child abuse yun." I glared at him. Raped tas child abuse? Tss.

"Edi wow sayo. Ikaw na ang matangkad, ikaw na ang kamag-anak ni Sultan Kosen! Hmp!"

"Lol, im not that tall like him. Youre exaggerating." Natatawang sabi niya.

Gusto kong magsungit kaso nadidistract ako sa pagtawa niya. God, I've always pray for this moment.

Sana hindi na matapos to. Paki-extend naman kanto please!

"So bakit nga? takot kang may makasalubong kang aswang? manananggal? ghost? Paring walang ulo? white lady?!"

Kung takot siya, aba mas takot ako!

"Lol, that's not that. Takot akong maglakad ng mag-isa sa madilim tas may makakasalubong akong--  " SHET NA MALAGKET! May ahas Jaeil!" tili ko sa sobrang takot na naging dahilan kung bakit napayakap ako sa kanya ng wala sa oras.

Mabilis niya akong nakarga pero hindi naman siya gumawa nang anumang hakbang. Papalapit na ang ahas sa direksyon namin!

"Hoy jaeil ano ba! tumakbo na tayo!" Im in panic. Takot talaga ako sa ahas e, iba't ibang uri ng ahas, maliban sa ahas sa relasyon.

Charr kala mo naman jinowa.

"Behave. Hindi mangingialam ang ahas pag hindi ka nagpakita ng interest dito."

Nakatingin lang siya sakin habang sinasabi iyon, na para bang pinapahiwatig niya sakin, yung nagpaparinig ng harap-harapan.

What did he mean? Bat umabot siya sa interest interest? Kalito.

Parang wala siyang pakialam na matuklaw ng ahas dahil sinalubong niya ito. Whatthee?!

"Jaeil!" Inis na hinampas ko siya sa dibdib. Ang tigas shet. Nakakainis e! nilakaran niya lang ang ahas!

Pano na lang kung tinuklaw siya, straight to his jr.! Hindi ko pa nga natutuklaw iyon, uunahan pa ako ng ahas. Ang swerte naman ang hayop na yun.

Ano ba to, ang landi ko.

Ibinaba na ako ni Jaeil nang malayo na sa direksyon namin ang ahas. Hindi ko maiwasang hindi kumapit ng mahigpit sa braso niya. Baka kasi may iba pa palang ahas!

Mahirap na, baka agawin sakin si Jaeil. Charr kala mo naman jinowa.

Nagpatuloy kami sa paglalakad sa madilim na kalsada. Hindi naman ako natatakot kasi kasama ko si Jaeil, I feel safe in his arms. Char

Pinilit ko rin siya ituloy ang naudlot niyang sinabi kanina. Curious kasi ako kung anong kinatatakutan niya kapag naglalakad mag-isa.

"Takot akong maglakad ng mag-isa at may makasalubong na bakla sa daan."

I blinked once,twice,thrice, fries. Trying to process his words in my brain.

Bakla sa daan

Wth--

"Pfft! tae-- HAHAHAHA ayaw mo nun? pera na ang lumalapit sayo hahahahaha"

"Kahit mahirap lang kami, hindi sumagi sa isip kong mamakla para lang magkapera."

Natahimik ako. Alam ko naman yun e, gusto ko lang siyang asarin. Hays

"Biro lang naman e, ikaw talaga. Masyado kang seryoso sakin...char haha" langyang dila to, napakadulas. Buti nalang nadugtungan ko ng charrot sa huli para di awkward.

Ngumisi siya sakin. Ang gwapo shet!

Landi ko hahaha

"Ahm...Jaeil. Nandito na tayo."

Sa kasamaang palad, nakarating na kami sa bahay. Akala ko pa naman forever na ang hhww namin hays.

"Oo nga e.Gusto mo bumalik tayo sa dinaanan natin?

Hehe lende

Shemsss parang ayaw niyang bitawan ang kamay ko. Ayaw ko nga rin e, gusto ko magkahawak lang kami ng kamay forever.

"Bukas na lang ulit?"

Lumuwang ang mga mata ko sa saya at kaagad na tumango.

"Oo ba! Nag-enjoy talaga ako ngayong araw. Maraming salamat Jaeil."

Words such  'most' or 'pinaka' were not enough to describe how happy i am today.

Worth it ang pagcutting namin ng classes. Nasa rooftop lang kami buong araw, kumakain, naglalaro, tas kumain ulit, tas nakwentuhan hanggang sa nagdesisyon kaming umuwi na.

Hindi ko alam kung anong kinain ni Jaeil para maging friendly siya ng ganito sakin. Himala talaga ngayong araw. May isusulat na naman ako sa diary ko uwuuu.

Mabuti nalang hindi puntahan ng mga studyante ang rooftop. Solong-solo ko si Jaeil mylabs.

"No, i should be the one to thank you. Salamat sa pagsama sakin carrot."

Natawa ako sa tinawag niya sakin. Did he just called me Carrot?

"Nah, nickname ko yan sayo. Gawan mo rin ako ng nickname."

Bahagyang tumingin siya saglit sa langit at nakangiting tiningnan ako

"Bunny."

Ghad. My heart suddenly raced when he called me....bunny.

Kyaaaahhh! Kung pwede lang tumili sa harap ni crush.

"Bakit bunny?" Para kunwari pakipot. Curious din ako kung bat bunny, di naman malalaki ang mga tenga ko.

But actually, kinikilig ako pag binabanggit niya ang bunny.

"Because Im your Carrot, and you're the Bunny. Therefore, you cannot survive without me."

Im speechless. Hindi ako makapagsalita sa sobrang bilis ng heartbeat ko.

Im your Carrot and you're the Bunny.

Therefore,

You cannot survive without me...

You cannot survive without me.

Piste ka jaeil, sa sinabi mong yan ikakamatay ko na.




𝑺𝒆𝒆𝒏✓Where stories live. Discover now