Chapter 2

747 34 0
                                    

C H A P T E R  2

Stella

Ano ba Stella, nakakahiya ka!

Kahihiyan ang bumalot sa akin sa conference room. Ni hindi ko nagawang makinig sa kung ano man ang ipinaliwanag ni Mr. Manzano dahil iyon lang ang namutawi sa isip ko.

Nakaraos lang ako nang matapos ang meeting. Agad naman akong umalis upang palisin ang natitirang kahihiyan sa akin.

Matapos ang meeting ay bumalik ang lahat sa kanilang trabaho. Ang mga babae naman ay hindi magka mayaw sa katitili dahil sa bagong boss.

“Grabe, ang gwapo ni Sir Emman! Parang gusto kona magpabuntis sa kanya!” Tili ng isa.

“Gaga!” sabi ng kasama niya.

“Good morning Sir,”

Agad bumati ang iba ng matanaw si Sir Emman.

Gulat naman akong napayuko bilang galang sa kanya.

“Good morning Sir,” bati ko.

“You’re my Secretary, right?”

“Yes Sir,”

“Okay, take me to my office.”

Tulad ng sabi niya ay idinala ko siya roon.

“What’s wrong Ms Secretary?” aniya pagkaupo sa swivel chair.

“Sir?” Gulat ko namang tugon.

“You’re blushing,” he chuckled.

Agad naman akong napalikod dahil sa sinabi niya.

Blushing? Hindi kaya!

“O-Okay sir, I'll take my leave now,” sabi ko at umalis na. Hindi kona kaya pang magtagal sa opisina na 'yon. Feeling ko tinutusta ako sa tuwing magkikita kami!

What’s wrong with me?

My New Boss Is A Bully (BOOK 1) SELF PUBLISHED UNDER IMMAC PPHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon