C H A P T E R 1 1
Stella
Nagising ako kinaumagahan ng mga alas singko pagkatapos ay naligo at naghanda para naman hindi ma late. Lalo pa’t palaging may dalaw si Sir Emman.
At tulad ng inaasahan, dahil maaga ako ay kakaunti lang ang nadatnan kong mga tao. Ang iba ay nagkakape pa at naghahanda para sa trabaho. May mga bumabati rin sa’kin ng magandang umaga sa tuwing lalagpas ako at ngumingiti naman ako sa kanila at binabati ko rin sila pabalik.
Nakakapanibago, nasanay akong magtatakbo papasok sa opisina si Sir Emman noon pero ngayon, kahit pakendeng-kendeng pa akong maglakad ay hindi pa rin ako mala-late.
Nang makarating sa tamang palapag ay pumasok na ako sa opisina ni Sir Emman ngunit wala akong nadatnan ni anino niya. Ngumisi ako.
Sa wakas! Nauna ako! Hindi ako mapapagalitan!
Ngunit ilang saglit pa ay naramdaman ko nang bumukas ang pinto hudyat na may pumasok doon. Malawak ang ngiti ko nang harapin siya.
He's wearing his usual attire. White button down shirt and black coat with his black slacks. Mukha siyang mabango. Ay palagi pala…
"Oh... for the first time!" nakangising aniya. Uminit ang pisngi ko nang makita ko ang malalim niyang dimple. Hindi talaga ako magsasawang tignan ‘yon.
Kunwaring nahihiya ako at kunwaring inayos ang buhok sa tainga. "People change…"
Mas lalo siyang ngumisi nang makita ang reaction ko. "Ah… nga naman… sino bang hindi gaganahan kung malaman mong manliligaw mo ang boss mo. Natural. Sisipagin din akong pumasok ng maaga kapag ganoon…" parinig niya sa’kin.
Bumuntong-hininga nalang ako para hindi masira ang araw ko. Nakakainis… hindi ba siya nagsasawang asarin ako?
"Tse! Bahala ka nga jan!"
Rinig ko ang iilang tawa mula sa kanya."Ay... sumungit? May dalaw ata?" Pang-aasar na naman niya sa’kin.
"Oo! Kaya 'wag mo akong bwisetin! Tse!" Inismiran ko siya at pumunta nalang sa pintuan at binuksan iyon. Papalabas na sana ako ng marinig ko ang nakakainis na tawa niya.
Abnormal talaga!
Hindi kona napigilan ang sarili ko dahil sa sobrang inis ko. Tinitigan ko siya gamit ang pinaramdam ko ang inis ko sa kanya. "Huwag mo akong inisin at frist day ko ngayon kaya, pwede ba?!" ‘tsaka ko siya pinagsarhan ng pinto.
Matapos ko siyang pagsarhan ng pinto ay akala ko titigil na siya kakatawa dahil ilang sandali lang nang marinig ko na naman ang nakakapang insulto nitong halakhak.
"Stella, talaga oo... I really like that girl..." rinig ko mula sa labas ng opisina.
Bigla akong nanlamig at napakurap-kurap nang marinig iyon. Yung kaninang inis ay napalitan ng kilig. Bigla ata akong pinagsakluban ng langit ng karupukan kaya ang ending matapos maasar sa kanya ay mangiti-ngit na naman akong umupo sa desk ko.
I like that girl? Ibig sabihin ba no’n... gusto niya ako?
Wala sa sarili akong napailing kagat ang pang ibabang labi. Hindi nakatakas sa utak ko iyon dahil hindi na umalis sa utak ko ang sinabi ko. Gusto ko ng assurance ayokong umasa.
Kaya naman kahit na mag mukha akong tanga ay ginawa ko parin. Bumalik ako roon at binuksan ang pinto. "Anong sinabi mo?" May tagong ngisi ako sa labi nang sambitin ko iyon. Nagulat siya sa pagsulpot ko ngunit sa huli ay pinagsisihan ko ang pagpunta ulit rito. Napasimangot nalang ulit ako nang tumawa siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/177934389-288-k19749.jpg)
BINABASA MO ANG
My New Boss Is A Bully (BOOK 1) SELF PUBLISHED UNDER IMMAC PPH
DragosteSimple, mabait, at matulungin na anak si Stella, wala siyang hinangad kundi ang maihaon ang kanyang pamilya kaya naman ng magkaroon ng oppurtunidad ay nagpasya siyang pumasok bilang secretary sa isang kompanya. Sa una naging maayos ang kanyang pagtr...